I miss my friends. Ilang months na ba kaming di nagkikita-kita? After ng graduation di na sila nagpakita. Yung iba.. no, hmmm actually silang lahat nag out of town kasama mga family nila.Well, ako narito lang naman sa probinsya namin. Di ako sing yaman at sosyal nila.
Naging kaibigan ko sila kasi nagkakasundo kami sa isang bagay. Oo tama kayo, sa isang bagay lang kami nagkakasundo yun ay mahilig kami sa adventure.
Kumbaga mahilig kami sa mga pamatay na rides, na mga gawaing talaga namang konti na lang ikamamatay namin. Hahaha! Diyan kami nagkakasundo.
Marami na kaming na try na talaga namang nag-enjoy kami ng bonggang-bongga! Haha.
Kung itatanong niyo sakin kung bakit may pang gala ako. Actually di naman talaga ako sing hirap na kulang na lang wala akong makain. May kaya kami, kumbaga sakto lang ganon.
Nagagawa namin lahat ng bagay o gusto naming puntahan dahil di naman mahigpit masyado ang mga parents namin di tulad ng iba, kaya nagrerebelde sila e.
Being a teenager dapat nag-eenjoy tayo sa lahat ng bagay pero syempre know your limits. Huwag naman yung sobra. Dapat sakto lang and syemps dapat alam mo yung tama at mali. Maikli lang ang buhay so why bother, those problems are only problems maraming solusyon sa mga problemang yan. Atsaka sabi nga nila huwag mong problemahin ang problema mo i enjoy mo na lang to. Lilipas din yan.
Kasi naman pansin ko lang sa ibang mga teenagers na kagaya ko marami na silang problema kahit sa murang edad pa lang.
Anyway highway...
Gusto ko rin naman dito sa probinsya. Tahimik, presko, malayo sa syudad, malayo sa polusyon sa Manila, maraming bukirin, masaya kahit walang Wi-Fi(hahaha), may signal naman kahit papano, may ilog din na malinis at malinaw pa ang tubig at marami pang iba.
Minsan nga sasabihin ko sa kanila na dito na lang muna sila magbakasyon. Para maranasan naman nila yung buhay na ganito ang saya kaya.
Alam ko ngayon na uwi ng iba e. Naghihintay lang ako ng text or tawag mula sakanila. Kasi balak nilang dito muna kami pansamantala. Habang bakasyon daw. So pumayag ako.
Ay! By the way, my name is Camy El Montreal. Hihi!
BINABASA MO ANG
The Mirror
Mystery / ThrillerThey love adventures like hiking, going to another places, swimming, sky diving and etc. But this one is another adventure that surely enjoyable, isn't? How can they be so sure about it? Is it really adventurous or not? Well, let's find out....