Kung talagang wala na?
Pipilitin ko pa ba?
Eto nanaman tayo. Magkahawak kamay. Pauwi sa bahay ko, kung saan nag-aabang ang hapunan natin. Parang parte ka na ng pamilya namin, kaya pati ikaw ipinagluluto na rin. Tatlong taon. Tatlong taon na kasi natin itong ginagawa. Magtren sa hapon at sabay na umuwi. Magkasalikop ang kamay, magkadikit ang balikat... pero, bakit nagyon... matapos ang tatlong taon, wala akong maramdaman?
"Kamusta ang reporting? Nagawa mo ba ng ayos?" Tanong ko. Sumulyap ka lang ng saglit.
"Oo."
"Si Wendy partner mo dun, right? Tinulungan ka ba nya?" Tanong ko ulit.
"Oo."
Isang mabilis na sulyap, 'yun lang. Matapos noon ay di ko na muli mahuli ang tingin mo. Di ko na ulit makuha ang atensyon mo. Malayo ka na kasi, ang isip mo ay nasa isang lugar na di ko matanaw, di ko maabot. Kaya kahit gaano kahigpit ang hawak ko sa iyong kamay, wala. Wala akong maramdaman.
Hindi mo man lang namalayan, nabitawan mo na pala ako.
Kung talagang ayaw mo na?
May magagawa pa ba?
Sa mga sumunod na araw napansin ko ang mga unti-unting pagbabago. 'Yung kaibahan ng simula at kasalukuyan. 'Yung unti-unti mong paglayo. 'Yung dahan-dahan mong pagbitaw. Mula sa oras-oras na pagtetext, naging madalang. Ang araw-araw na pagkikita naging kung kelan kaya mo lang. 'Yung paghatid at pagsundo ay naging parang kalbaryo sa 'yo. 'Yung pagbati mo araw-araw sa umaga ay unti-unting naglaho.
Akala ko sadyang ganun lang. Dahil hindi ko naman kailangang oras-oras maramdaman na mahal mo ako eh. Pero bakit ngayon, kahit kailan hindi ko na nararamdaman?
"Anong oras ang uwi mo mamaya?" Tanong ko. "Sabi mo hindi mo ko maihahatid no?"
"May game kami eh. Mga 9 pa tapos kaya mauna ka na."
Kaswal mong binati ang mga kaibigan mong dumaan at iniwas ang paningin mo sa 'kin.
"Okay lang naman sa 'kin na manood at i-support ka." I suggested.
"Nah, may afterparty pa pagkatapos. Umuwi ka na lang." You dismissed me.
At matapos mawala ang mga kaibigan mo, inalis mo ang kamay mo sa aking baywang. Na para bang wala lang.
Wala lang dahil ang daling bumitaw. Wala lang dahil ang daling mang-iwan.
Kung talagang ayaw mo na,
Makukuntento ba ako sa tira-tira?
Isang text. Isang minuto. Isang kaway mula sa malayo. Isang tipid na ngiti. Sa nakaraang linggo, 'yan lang ang natanggap ko mula sa 'yo. Samantalang narinig ko na ang saya mo daw matapos nyong manalo. Na ang wild daw ng afterparty nyo. Na ang dami nyo daw nainom. Na noong araw na 'yon, si Wendy ang number one supporter mo.
YOU ARE READING
Kung Talagang Ayaw Mo Na
Short Story(Drabble) The thoughts of a young girl on the verge of a heartbreak. Ikaw, kung talagang ayaw na nya, papalayain mo ba?