Chapter 1: Meet Audrey
Nung 2nd year highschool pa ako..
"HAHAHAHA. Si Audrey ang laki laki na wala paring crush"
"Oo nga, Masyadong tutok sa Studies, Good Girl"
"Hala ka Audrey, Ibig sabihin daw pag wala kang crush, abrnormal ka. HAHAHA"
Ganyan lagi ang tukso ng mga kaibigan ko araw-araw. >______<. Ako kasi ay NBSB na, NCSB pa. O diba? Ang saya?! Kasi studies lang ang nasa isip ko. Matalino po kasi ako XD.
Ok lang naman daw kila Mommy at Daddy kung magkaboyfriend ako kaya nga lang, wag masyado magpapadala dun sa love love na yun. Kasi baka maglaho ang pangalan ko sa Top.
Tsaka hindi rin naman sila strikto sa kras kras thingy na yun. Marami akong kaibigan na lalaki sa pero wala akong gusto ni isa sa kanila. Aba'y malay ko ba kung bakit wala parin akong crush hanggang ngayon? Baka tomboy ako? XD. Pero hindi, ang akin lang naman.. sa boyfriend-girlfriend din pupunta yang kras kras na yan.
Ako nga pala si Audrey Camille Santos. 14 years old, 2nd year high school. Matalino, Kaya nga study ako ng study ehh. 5'4 ang height. Maputi, Maganda naman ako ng konti. Tahimik, lagi niyo akong makikita sa school grounds na naka-upo, nagbabasa. Only child lang ako kaya ako lang ang inaasahan ng mga parents ko. Hindi kami mayaman, Hindi rin kami mahirap. Middle class lang XD.
"Parent's Girl ehh. Tsaka sa relasyon din pupunta yang crush crush na yan" -Audrey
"Ay ewan ko sayo!" -Colleen. Di ko nalang siya pinansin at pinagpatuloy kong basahin yung binabasa ko.
Ah, Ipapakilala ko pala sainyo ang aking mga bestfriends, sila lang yung lagi kong kasama.
Si Abigail Colleen Panganiban ay yung pinaka-maingay saaming lahat, pinaka-maingay sa buong classroom. Lagi kaya yan nakasulat sa noisy list. Pero mabait at maganda parin yan. 14 years old, 2nd year high school. Cute, cute, cute. Marami narin nagka-crush kay Colleen ehh.
Si Alyssa Pauline Garcia naman ay yung pinaka-maganda hindi lang saamin pero pinaka-maganda rin sa buong school, naging muse siya mula grade 1 pa kami hanggang ngayon xD. Forgot to mention, model yan. Ewan ko lang kung saan. Maganda ang lahi nila, Kasi 1/4 korean siya, Half korean yung mommy niya. And obviously, maraming nagkaka-gusto sa kanya. 14 years old, 2nd year high school.
Si April Denise De Guzman naman ay yung pinaka-mayaman saakin. Maraming ari-arian ang kanyang magulang. Only child lang din siya kaya minsan may pagka-spoiled siya. Lahat mabibili niya mula pencil hanggang diamonds. oha? $______$. Pero kahit mayaman siya, hindi siya maarte, paminsan lang xD, kapag naka-makeup. Maganda. And yes, marami rin nagkaka-crush sa kanya. 15 years old, 2nd year high school.
Puro A yung name namin nohh? TADHANA ang tawag diyan, tsaka gusto ni Author ehh. Di joke lang ^____^v. Matagal narin kaya kaming magbe-bestfriends.
Ayokong itawag sa kanila yung A names nila. Kasii? Ayawkolang xD. Ehh sila gusto nila itawag sakin Audrey, Payn! Bahala sila ^____^.
"HUY AUDREY! Nakikinig ka ba?!" Ay Kabayo! Nagulat ako kay Colleen -___-
"Ay! Ano? Bakit?" sabi ko
"Ang sabi ko, balik na tayo sa classroom" -Colleen
"Teka, Sino ba yung iniisip mo yung crush mo? Ayiiiieee" -Denise at Pauline. Ayy oo! ayun yung iniisip ko. Kita niyo ngang wala akong crush. At masama bang ipakilala kayo sa buong mundo
"Hindi nga. Wala nga akong crush. Kulet ng lahi tehh."
"HAHA. Osige na nga, Pasok na tayo sa classroom." -Colleen.
BINABASA MO ANG
It's You Again, Kuya [Private Version] (ON HOLD)
Teen FictionPakibasa nalang po ang Prologue ^____^ (ON HOLD, Busy po si Otor)