Bianca's POV
Ano ba yan! Nagugutom nanaman
ako...
" Aling Vina!! Pabili po ng Chips delight yung chocolate flavor! "
sabi ko , sanay na yan si Aling Vina na parati ako dito. Ito ang tambayan ko kapag nagugutom ako.
" oh, bianca ayan na! May suka na rin yan ha! Para ganahan ka sa pagkain " sabi ni Aling Vina Sabay abot ng tray na may cookies at suka. . .
Alam ko nagtataka kayo kasi Chips Delight isasaw-saw sa suka? Pero pramis masarap! Kakaiba lang kasi yung trip ko.
Iyan din ang dahilan kung bakit wala akong kaibigan kasi ang tingin nila sakin ay wierdo, baliw o kung ano ano pa ...
Pero ok lng ganito ako eh ^_^ Atsaka FAVORITE ko to!!!
Habang kumakain ako bigla akong napatingin sa may Pintuan.
Naku po!! Sina Veronica nandito kasama niya yung barkada niya....
-_-! anong gagawin ko , panigurado pagtatawanan nanaman nila ako . . .
" Oh! Look who's here , The Campus Wierdo . And guess what kumakain nanaman ng CHIPS DELIGHT na sinasawsaw sa SUKA!! " sabi ni Veronica
" Eeww!! hahahahahahahahaha " tawa naman ng tawa ung barkada niya pati narin yung mga taong nakarinig ng sinabi niya.
Napayuko na lang ako, feeling ko ang weak ko hindi ko man lang maipagtanggol yung sarili ko.
" Tama na yan! " sigaw ng isang lalaki .
" A-AJ ?? " nauutal na sabi ni Veronica. Napatingin ako dun sa lalaki, Si AJ Monteverde yung campus hearthrob.
Napatingin naman ako kay Veronica halata sa mga mata niya ang pagkagulat. Paano crush pa naman niya yun ^_^
" Tigilan niyo na siya kung ayaw niyo mapatalsik sa school " pagbabanta ni AJ.
Natakot yata sila kaya bigla silang takbo at lumabas ng tindahan. . . Lumapit naman sakin si AJ.
"Uhm , Miss ok ka lang?"
"Oo, salamat" sagot ko.
"Wala yun, pwede maki-share ng table?" Huh? Teka ba't siya makiki-share eh ang dami namang vacant tables.
"huh? Ahh sige" sabi ko sabay smile. Choosy pa ba ako? Eh crush ko to eh! Secret lang natin ha! ^_^
Kumain na ako , pero napansin ko na nakatingin lang sakin si AJ.
Hala! 0_0 Ano ba yan! Nakalimutan ko kumakain pala ako ng cookies na sinasaw saw sa vinegar.
Nakakahiya -_-# Turn - off na to panigurado. . . huhu T_T
"Sir , heto na po order nyu " sabi nung waiter. . .
Nagtataka kau bakit may waiter sa tindahan? Medyo may kalakihan rin naman yung tindahan ni Aling Vina.
" sige, salamat "
Kain lang ako ng kain dito nang bigla siyang magsalita.
"baka mabilaukan ka, ang bilis mong kumain. Nagmamadali ka ba?" -AJ sabay abot ng tubig.
Tiningnan ko naman siya ng para-san-yan look.
Nagets naman yata niya kasi biglang siyang tumawa ng mahina.
Ang kyut! *o*
" Kumakain ka wala kang inumin . Kunin mo na to bibili nalang ako ng akin " sabi niya sabay tayo.
Kinilig ako dun ah! Concern ba siya? Hmph! Ayoko nalang mag-assume ... Kumain nalang ako ulit.
Nahagilap naman ng mata ko yung kinakain ni AJ.
0_0
o_0
o_o
^_^
Pareho kami ng kinakain ...
Chips Delight din na sinasaw-saw sa suka. . .
"oh! Ba't tulala ka?" nakabalik na pala siya di ko man lang napansin . . .
"K-kumakain k-ka rin p-pala ng g-ganyan??" teka? Ba't nauutal ako?
" Ahh. OO sarap nga eh! Simula nung nalaman ko kasi na favorite ito nung mahal ko naging favorite ko na rin " sabi niya.
Ouch <//3 may mahal na pala siya...
" Sino ? " tanong ko, feeling ko anytime tutulo na yung luha ko.
" Tumingin ka sa salamin ng malaman mo. " sabi niya habang pinagpatuloy yung pagkain niya.
Huh? Di ko gets!
" Eh, tungeks ka naman eh! Natural sarili ko makikita ko kapag tumingin ako sa salamin " sabi ko .
" Oo nga! " tumigil na siya sa pagkain kasi tapos na siya.
" Eh paano ko malalaman kung sino yung mahal mo ? " tanong ko. Sorry ha, di ko lang talaga gets.
" Kung sino yung makikita mo dun yun yung mahal ko " -AJ
Teka! sarili ko yung makikita ko so it means ...
" Ikaw yung mahal ko " napatingin naman ako bigla sa kanya.
Buffering ...
5% ...
30%...
40%...
80%...
100%....
M-mahal n-niya a-ako??
"Ako? Mahal mo?" -ako
" Oo, ikaw Bianca Manuel, mahal ni ako AJ Monteverde " -AJ
Nang dahil sa Chips Delight nagka Lovelife ako ^_^ Kumg sino man ang gumawa nito Maraming Salamat!!!
I love you! Pero mas mahal ko si AJ ^_^
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
Ayan ! Hehe sana magustuhan niyo ...
Vomment??
A / N : Hindi ko pa po nat-try ung chips delight na isawsaw sa suka. . . Trip ko lng po yun , atsaka ng dahil din po ito sa isa kung friend ...
Thank You for Reading ^_^
And please read my other story 'Mr.Sungit Meets Ms. Pilosopo' << kathniel po yan . . . dun po sa isa kong account (prettyinmyownway)
Pafollow din po nagfo-follow back rin ako ... Di po ako snob ^_^
Sa mga gusto magpadedicate message nyu na lang ako. . .
vote. comment.
~ PK
BINABASA MO ANG
Chips' Delight - one shot story
Teen Fiction1st One-shot story ko po . . . Hope u like it , please leave your comments ^_^