I know that when I tell you my story, you would say, it’s a typical one. It’s cliché. It’s boring. It’s a total waste of time.
Alam kong marami nang ganitong kwento. Nakita ko na at narinig ang bawat hinaing ng mga taong kagaya ko. Pero kahit paulit-ulit ang sitwasyong ganito, kahit ang daming nagsasabi na walang patutunguhan ito, patuloy pa din akong umaasa.
Patuloy akong lumalaban, kahit ako lang mag-isa.
_________________________________________________________
Ako si Jessica.
At inlove ako sa bestfriend ko.
Nagsusulat ako ngayon sa diary ko. Sinusulat ko kung anu ang nangyari sa amin ngayon ni Francis. Si francis ang bestfriend na tinutukoy ko. Magkapitbahay kami at halos 15 years na kaming magkaibigan.
Hindi ko alam kung paano nagsimula. Hindi ko alam kung kelan nagsimula. Hindi ko alam kung bakit nagsimula.
Ang alam ko lang, mahal ko sya.
Pero gaya din nang ibang istorya sa libro, hindi nya alam ang totoo. Kasi hindi ko sinasabi.
Natatakot kasi ako, natatakot ako na kapag sinabi ko sa kanya, layuan nya ako. Mas pipiliin ko na maging sandalan nalang nya kaysa naman sa mawala sya.
Maraming nagkakagusto dyan kay Francis. Maliban kasi sa gwapo, star player pa sa basketball. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa crush ng bayan?
Lahat ata ng tao sa school, kilala sya. Sa tingin ko nga, kung hindi pa kami magkababata, malamang hindi nya ako mapapansin. Sino ba naman kasi ako?
Kung sya ang star player ng basketball. Ako naman ay ordinaryong tao lang sa school. Wala nga akong organization. Meron naman akong mga kaibigan pero kami yung tipo na pampadami lang ng tao sa mga event.
Pero kahit hindi ako sikat sa school, hindi pa din ako nakakalimutan ni Francis. Sabay pa din kaming maglunch at kapag may bagong palabas sa sinehan, ako pa din ang inaaya nyang manood.
At sa tuwing ginagawa nya yun, mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Naaalala ko pa, kapag inaaya sya ng mga teammates nya na manood ng sine, sasabihin nya, ‘di pwede, manonood kami ni bespren nun’.
Wala talagang papantay sa kanya. Para syang pinagsama-samang Jack, Harry Potter, Edward Cullen at Christian Grey.
Pero paano ko makukuha si Jack kung hindi naman ako si Rose?
Gustuhin ko mang maging si Ginny, ako pa din si Ron sa paningin nya.
Hindi ako kasing ganda ni Bella para mapa-ibig sya.
At lalong lalo nang wala akong sex appeal gaya nang kay Anastasia.