TWO

27 1 0
                                    

IVY POV

Tok ~tok~tok...
-
-
-
Tok~tok~tok..
-
-
-
Nagising ako sa katok na nanggagaling sa labas ng kwarto ko. Unti unti kong minulat ang mga mata ko. At ramdam ko ang saket nito dahil sa kakaiyak kagabi.

"Ivy anak mag alas dyes y medya na ng umaga. Hindi ka pa ba babangon"

Alam kong boses iyon ni mama. Nag talukbong lang ako ng kumot para piliting makatulog ulit. Rinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto ko at ang pag uga ng kama ko. Siguro'y umupo doon si mama

"Anak may aasikasuhin lang kami ng papa mo ha. Kung may kailangan ka mag utos ka lang sa mga kasambahay natin"- mama

Inalis ko ang talukbong na kumot sa aking ulo para tingnan si mama. Tiningnan nya lang ako at hinihintay ang sasabihin ko

"Opo mama"-

Walang ekspresyong sabi ko at nag talukbong ulit ng kumot. Rinig ko ang pag bugtong ng hininga ni mama at ang pag uga ng kama ko. Kasabay din ang pag sara ng pinto. Ilang minuto rin akong nasa ganoon lamang na posisyon. At pinipilit matulog ulit.

Pero sa tuwing pinipikit ko ang aking mga mata ay ang maamo nyang mukha ang nakikita ko. Naramdaman ko nalamang na tumulo ang luha ko sa unan dahilan para mapaupo ako sa kama.

Tiningnan ko ang alarm clock ko.

"Mag aalas onse na pala"-

Walang ekspresyong bulong ko at tumayo na ako para pumuntang c.r. Nag hilamos ako ng mukha at

Pinagmasdan ko ang repleksyon ng mukha ko sa salamin. Ang lalim na pala ng eye bags ko dahil sa gabi gabing kakaiyak. Medyo pumayat narin ako, huminga ako ng malalim at mabilisang naligo.

Nang matapos ay madalian din akong nag bihis dahil ngayon ko lang naramdaman na kumakalam na ang sikmura ko. Kagabi din ay hindi rin ako kumain.

Bumaba na ako ng kwarto at naabutan kong nag lilinis ang mga kasambahay namin ng salas.
Walang maingay. Siguro ay wala ang mga kuya ko. Nang maramdaman nila ang presensya ko ay tumingin sila saaken at napahinto sa kanilang mga ginagawa. Medyo nag bow pa sila

"Ivy.. Siguro ay nagugutom ka na. Ipag hahanda na kita ng pag kain"-

Tanong saken ni manang Leticia na isa sa pinakamatagal na kasambahay samin. Tiningnan ko lamang sya at Tumango lamang ako

"Paki sunod nalang sa kwarto ko manang"- walang ekspresyong sabi ko

Dali dali syang kumilos at ako nama'y umakyat na ulit sa kwarto ko.

Dumating narin ang aking pag kain at bago umalis si manang ay tumingin sya sa maliit na desk sa tabi ng kama ko.

Doon nakalagay ang picture frame na kung saan ay ako at ang lalaking iyon ang mag kasama. Sinandya kong itaob iyon. Hinawakan iyon ni manang at nilinis ng dala nyang basahan.

Pinag masdan ko lamang sya sa bawat ginagawa nya. Ibinalik ni manang sa dating pwesto ng picture frame pero hindi na ito nakataob. Nag pakawala ako ng buntong hininga at kinagat ang labi ko upang pigilan ang pag tulo ng luha ko.

"Ivy tumawag ulit si Nikkie sinabi nyang dadalaw ulit sya dito sa bahay para makita ka...."

Hindi sya tumingin habang sinabi saken iyon dahil inaayos parin nya ang frame sa ibabaw ng desk. Hinihintay ko ang susunod pa nyang sasabihin at ngayon ay nakaharap na sya saken

"Ivy sana ay harapin mo naman sya. Miss na miss ka na ng best friend mo. Simula ng araw na iyon ay hindi na kayo nag kaharap."- manang

Umirap lamang ako at tiningnan ng bored si manang

"Manang paki sabi nalamang huwag na muna syang pumunta"- ako

Nag pakawala sya ng buntong hininga at tinanguan ako. At pag katapos nun ay lumabas na rin.

Pakiramdam ko ay nawalan ako ng gana kahit kanina ay nagugutom na ako. Si manang leticia ay syang nag palaki saken simula pag ka bata ko. Kaya malapit kami sa isat isa

Si Nikkie, ay isa sa kababata ko. Best friend ko sya at Ligaya ang tawag ko sakanya dahil Nikkie JOY ang buo nyang pangalan. Joy-Ligaya (a/n: hahaha lakas maka pangako sayo ..yae na po ^___^V)

Ramdam ko ang pag tulo ng mga luha sa pisngi ko. Ayokong mag pakita sa kahit na kanino dahil pakiramdam ko'y may nagawa akong krimen. Kahit alam kong

AKSIDENTE LAMANG IYON


DO YOU BELIEVE IN REINCARNATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon