E - I - G - H - T Letters (One Shot)

96 4 1
                                    

"Jad, nasagutan mo na ba yung assignment natin sa English?" ang tanong sakin ni Yohann mula sa likod ko.

"Huh? ah Oo" nauutal kong tugon sa tanong nya. Sabay yuko nang mukha ko pra hindi nya makta ang pamumula ko..

Kahit kailan sya ang sanhi nang pagtaas nang dugo ko dahil sa kaba, at di ko man aminin sya ang lihim na tinitibok nito.~.~)

"O pataasan tayo nang score mamaya pag na check ha" sabi ni nya.

Ngiti na lang ang sagot ko sa tanong nya, at umalis na sya. Baka kasi di ko pa kayanin at ano pa ang masabi ko sa kanya.

Si Yohann Villaroel o kilalang Hanz ang secret crush ko since first year high school kami. Ang daming nag kakacrush sa kanya bukod na sa gwapo, mabait, friendly at matalino rin sya. Lagi syang napapasama sa ranking for TOPNOTCHERS sa room namin.

Pero hanggang dun na lang siguro yun. ang maging secret crush ko na lang sya, kasi wala akong lakas na aminin sa kanya sa feelings ko. ayoko ireject nya ako at masira yung friendship nmin, kahit dun na lang ay makasama ko sya. Kahit lihim na patingin-tingin ako sa kanya.

Ako nga pala si Jadianne Tan , 3rd year high school sa paaralan nang Faith Academy. Laging tawag sakin ay Jad, yung iba ay Snow white sobrang puti ko kasi at sa mga palaging nambwibwisit sakin ay white lady lalo na si Hanz yun ang madalas itawag sakin nang lokong yun.

Naputol ang pagmumuni ko nang dumating ang bestfriend kong si Michelle.

"O jad bat nakatulala ka ata?" bungad sakin ni Michelle pagka upo nya sa tabi ko.

"Tangek! wla may naiisip lang ako" sabi ko sa kanya..

"weeeehhhhhhh, di nga? alam ko si Hanz naman yan noh? Ano na naman bang nagawa sa iyo?"

"Tumahimik ka nga baka marinig ka. Wala naman di naman sya nangulit sakin, nabigla nga ako nang tinawag nya ako sa name ko. Not to mention na hindi Jad ang tawag nyan sakin"

"Hahahahaha baka may lihim na crush na rin sayo yun? So ayaw mo yun pareho kayong may secret"

"Secret?" taas kilay kong tanong sa kanya.

"Secretly INLOVE with each other" sabay tawa nya...

"Haissttt kahit kelan walang maissuggest na mabuti, napaka mo talaga" sabay irap at ngiti ko sa kanya.

*** Natapos ang araw nang nakakapagod ang daming ginawa namin bukod sa mga binigay na seatwork may mga homework pa na pabaon.

"Psssttt white lady, uwi kna ba?" si Hanz pagka labas ko palang nang classroom.

"Ay hindi- hindi papasok pa lang ako, Hindi mo ba nakikita na tapos na ang klase at uwian na?" pambabara ko sa kanya. Inis kasi ako na tawagin na white lady.

"Sabay na tayo pra naman may makasama ka at mka usap, nakita ko kasi si Michelle nagmamadali nang umuwi eh. Parang natatae na ata sa sobrang madali nya." tumatawa pa sya nang nag kukukwento sakin.

"Psshhh, wag mo ngang pag tawanan si Michelle, kita mo naman na sumasakit yung tyan nang tao eh, ewan ko ba kung anong nakain nun." saad ko sa kanya.

"Hahaha"kaya pala di maipinta ang itsura nun, hahahahaha" walang tigil na kakatawa nya.

"So pano yan wala kang kasama sa pag-uwi e d sabay na tayo white lady"

"Lubay lubayan mo nga ako Hanz, isa pa wag mo akong tawagin nang kung ano-ano hindi yan ang pangalan ko"

"Tsskk, gusto ko yun, gusto ko ako yung tumatawag sayo nang ganun. bagay naman sayo eh, sa sobrang puti mukha kna talagang white lady. hahahahaha"

E - I - G - H - T Letters (One Shot)Where stories live. Discover now