MLWBID CHAPTER 4

5.1K 122 2
                                    

Klent's pov

Nandito ako ngayon sa park sa swing kung san nakita ko si sandrang nakahiga sa lupa ...

Iyak lang ako ng iyak dahil diko matanggap ang nangyari sa kaibigan slash babaeng gusto ko

At dahil narin sa sulat niya ..

Oo nabasa ko na ang laman ng sulat niya para sakin

Binasa ko kagabi pagkatapos mag labas ng sama ng loob .

Flashback

Nandito ako ngayon sa may lake dito sa lugar namin .

Naglalabas ng sama ng loob .

Tapon lang ako ng tapon ng bato sa may lake .


Ganito ako pag may problema o kinikimkim na galit ...

Pagkatapos kung gawin yun ay tumayo nako

At biglang humangin ng malakas at nilamig ako kaya ipinasok ko ang dalawang kamay ko sa bulsa ng jacket ko

Pero may nakapa akong papel kaya kinuha ko

At ng napagtanto kong isa talaga itong sulat

Ay binasa ko

Hai klent :),

                     *ehem* *ehem* bago sana ako mag speech .punasan mo sana muna yang luha mo .wag kanang umiyak dahil aLam ko na pag binabasa mo na tong sulat ko wala nako .at alam mo ba klent? Na may lihim akong pagtingin sayo? Natatakot lang akong umamin kasi baka ireject moko panu kasi heartthrob ka .habulin ng mga babae sino nga lang ba ako ? Kaya mas pinili kong mahalin ka nalang sa malayo .at klent sana pag wala nako makahanap ka ng babaeng tunay na magmamahal sayo .paalam klent mahal kita tandaan mo yan ha?

PS.sana pag namatay nako wag kang umiyak sa burol ko ayokong may marinig o makita akong umiiyak sa inyo .sige ka baka bumangon ako sa kabaong ko at ako pa ang magpunas ng mga luha mo

End of flashbacks

Mahal pala niya ko ehhh parehas lang kaming naging torpe .

At mas piniling manatiling magkaibigan kami

Tumayo nako mula sa pagKaka upo ko sa swing at nagdesisyong pumunta na sa burol ni sandra

Pagkadating ko sa burol

Nagulat ako



Dahil kahit ni isa walang umiiyak

Sobrang tamihik at ang payapa tignan ng burol niya

Naiiyak ako dahil dun ko lang napagtanto na hiling niya pala saming lahat na wag kaming umiyak sa burol niya .

Bat ganun ? alam kong gusto nila umiyak pero alam kong pinipigilan nila dahil pinipilit nilang tuparin ang hiling ni sandra

Lumabas muna ako saglit at umupo sa may kalsada

At timingala ako sa langit .

Isang ngiti nalang ang pinakawalan ko


At

"Thank you Sandra, salamat dahil kahit na wala kana iniisip mo parin kami salamat at tinuruan mo kaming maging matagtag .at ipinakita mo samin na ang buhay ay may kabuluhan , may simula at may katapusan .at kahit na walang happy ending ang nangyari sa storya nating dalawa pero kahit ganun masasabi ko paring da best ang memories na nagawa natin .wag kang mag alala mahal ka namin at di ka namin tatanggalin sa pusot isip namin"

Sabay ng salita kong yung ang pagbuhos ng malakas na ulan

Mas mabuti na yun ..para walang makakita sakin na umiiyak

nasa ganung posisyun lang ako hanggang sa tumila ang ulan pero ang ikinabigla ko

Pagkatapos ng ulan .lumabas ang isang napakaganda at napakakulay na bahaghari

....

sa buhay maraming pagsubok at maraming hadlang .. pero sa huli di mo padin mapipigilan ang paglabas ng isang napakagandang bukas na may kasamang bahaghari

Life is too short kaya habang maaga pa ipakita mo na sa mga taong malapit sayo kung ganu mo sila kamahal baka kasi bukas , ngayon o sa susunod na araw ay di mo alam babawian kana ng buhay

Life is like math there are so may equation and problems  but the answers are simple

Dahil walang saysay ang buhay kong walang problema kaya dapat ang problema ay di tinatakbuhan kundi hinaharap .

Running away from your problems is a race you will never win

Tandaan mo yan ....

My Last Wish Before I Die ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon