It's February 13 today, and tomorrow alam niyo na kung anong araw.. It's Valentine's day. A day for couples, a day full of love..
Anong gagawin ko bukas? I don't know? Pero.. Uy ah! May boyfriend ako hindi nga lang kami okay ngayon.. Nag-away kami eh.. Na naman. Well, siguro gaya ng dati mamaya magbabati din kami.. Ito nga ako ngayon sa mall eh, kasama yung isa sa bestfriends niya. Pero nakakaiyak pala no? Nakita ko din siya dito sa mall.. Nakita niya din naman ako pero hindi niya ako nilapitan. Nakakasama ng loob. I know, magkaaway kami pero sana man lang nilapitan niya pa din ako.
Naiiyak na naman ako.. Sabihin niyo ng madrama ako pero yun yung nararamdaman ko. I-snob-in ka ba naman ng boyfriend mo di ba?
Inaya kong uminom itong bestfriend niya.. Dito lang din naman sa mall. Gusto kong makausap si boyfriend pero hindi naman ako nun papansinin. Nag-cr ako, iniwan ko na din muna sa kasama ko yung cp ko, ang hindi ko alam.. Tinawagan niya pala si boyfriend kaya pagbalik ko sa pwesto namin nandun siya.. May dalang regalo pero hindi niya pa din naman ako kinakausap ng maayos.. Galit pa din siya.. Siya pa yung galit.
Inaaya niya na akong umuwi.. Kahit hindi pa din kami ayos. Oo, may regalo pero masama pa din yung loob ko.. Hindi naman regalo ang kailangan ko eh, kailangan ko siyang maramdaman.. Parang ang layo layo niya na kasi.. Nasasaktan ako pero mahal na mahal ko eh, hindi ko kakayaning bumitaw.
Pumara na siya ng jeep. Hindi pa din kami nagkikibuan.. Hanggang makababa ako wala pa din. Hindi niya ako kinausap. Tinawagan ko siya pag-uwi ko.. Gusto ko ng maayos 'to. Wala akong paki sa pride ko, mahal na mahal ko eh.
Sinagot niya naman pero galit pa din siya.. Nag sorry ako, pero galit pa din siya. Ayaw niya akong makausap.. Pero gusto ko ng ayusin 'to :(
Nakita ko post niya sa fb.. Matutulog na daw siya pero may istorbo pa. Istorbo na lang pala ako sa kanya.11:55pm na ng February 13, limang minuto na lang Valentine's na.. Pero hindi pa din kami okay.
Tumawag ulit ako. Baka sakaling ngayon ayos na.. Baka maging okay na. Sinagot nya.. Nag-usap kami.
Tinanong ko siya.. Mahal mo pa ba ako? Hindi muna siya sumagot.. Tinanong ko ulit siya.. Mahal mo pa ba ako? Sabi niya.. Gusto mo talaga yung totoo? Tumahimik ako.. Hinintay ko yung sasabihin niya.. Hindi na. Ayoko na. Pagtingin ko sa oras ng cellphone ko.. Saktong sakto Valentine's day na. Isang napakagandang araw para durugin ang puso ko. Nakiusap ako, umiyak ako na wag mo kong iwan pero ayaw mo na talaga... Nasabi ko na lang sayo.. Ang dami daming araw ngayon mo pa napiling i-break ako.. Ngayon mo pa ako iniwan. Pero wala na akong nagawa.. I have been broken into pieces this Valentine's day. Kung saan lahat sila nagcecelebrate, samantalang ako.. Umiiyak dahil iniwan mo. :(
BINABASA MO ANG
A Sad Valentine
Short Story"Araw ng mga puso" Habang sila masaya Sa araw na ito... Paano naman ako?