Chapter Six - Makukulit na babae

100 10 0
                                    




Charles POV





Andito kami ngayon sa restaurant sa isang mall and unexpected eh nakasalubong namin ni loves ko sila Kyandra at Caleb na nagdadate RAW.





Tss palusot nila alam ko namang sinundan rin nila sila Mir eh.






Kaya eto kasabay namin silang kumakain " Caleb nasabi ko kay Crisha"






" Ang alin?" tanong niya. Wala dito ang mga girls, nagpaalam sila na mag rerestroom habang hinihintay namin yung order.





" Nasabi ko na may gusto si Nico kay Mir. Sorry bro nadulas lang" Pinagbawalan kasi kami ni Nico na sabihin kahit kanino yun.





" Charles naman, tatanga tanga ka naman kasi" aba punyeta to ah, kung makatanga akala mo siya nagpapakain sakin tsss




" alam mo namang secret lang natin yun eh" sabi niya sabay batok sakin.





"Sorry na nga diba"





" Anong plano mo niyan?"





" Di ko alam. Bro hindi ko pa naman lahat nasasabi kay Crisha"





" Teka, ano ba sinabi mo?"






" Sinabi ko lang na may gusto si nico kay mir" parang ganun hahahaha " Pero nangungulit si Crisha na ikwento ko lahat"







" Ganito na lang kapag nangungulit i change topic mo huh" sabi niya at kasabay rin nun ang pagdating naman ng mga girls.






" So Loves, magkwento ka na"





" ahhmm kasi gan----"





"Sir, Ma'am here's your order. Enjoy your lunch" wohooo! save by the food hahahaha
Nag thank you lang kami dun sa waiter tapos umalis na rin siya agad.




" So Ano na loves?" jusko anong sasabihin ko?









" Crisha what if ubusin muna natin tong mga pagkain tapos pagkatapos nun dun na magkwekwento si Charles" patago naman ako nagpasalamat kay Caleb pero ginantihan niya naman ako ng masasamang tingin.







Omo-oo na lang si Loves ko pero atat ata tong malaman kaya binilisan niya ang pagkain niya pati si Kyandra. Mga babae nga naman basta tsismis gustong gusto malaman.








" So ano na loves, magkwento ka na" haayyy ang kulit kulit talaga nitong girlfriend ko. Matanong nga si Tita kung saan niya pinaglihi si Crisha at sobrang kulit niya.






" Caleb" sabi ko na para bang walang narinig.







"Oh?" Ang sungit nito.




"Pasama nga"





" saan?" ok nyeta talaga to. Isang tanong isang sagot.




" Restroom" ganiyan gusto mo. Odi sige




" Anong gagawin mo dun?"




" Sasayaw" tanga neto binatukan ko tuloy.





"Tanga malamang iihi"





" Kailangang mambatok" binatukan niya rin ako " tsss tara na nga" nagpaalam muna kami sa girls.






Hindi naman talaga ako naiihi eh umiiwas lang talaga ako sa tanong ni Crisha.





Nagpatagal lang kami ni Caleb sa restroom ng 15 minutes. Tagal nuh? ganiyan kami kabaliw hahahahaha






Bumalik na kami pero ang saya pa rin ng girls. Di man lang ata napansin na nagtagal kami






" Babe uwi na tayo ang sakit ng ulo ko" hahaha ayos tong si Caleb.







"Ganon ba?"






" Ay hindi ganito" pamimilosopo ko






" Tse! manahimik ka diyan!" hahahahaha





" Una na kami. Hoy Charles umuwi na rin kayo ni Crisha" sabi ni Kyadra.






"Opo"






nagpaalam na sila Caleb at umalis na rin. Sana lang makalimutan na niya yung about kay Nico at Miria.




"Loves uwi na rin tayo"






"Sige, masakit na rin yung paa ko" hayy buti naman.





" Uwi na rin tayo kasi gabi na po at may pasok ba bukas" sabi ko habang naglalakad kami.






Inihatid ko na siya pauwi. Nakatulog siya sa byahe dahil na rin siguro sa pagod niya.







"Bye na loves, ingat sa pagdradrive. Saranghae."






" Ikaw rin Loves, tulog ka ng maaga" sabi ko sa kaniya. Syempre as her boyfriend ayoko na napupuyat ang girlfriend ko.





" di na ako papasok sa bahay niyo ah, uwi na rin kasi ako agad"



"ok lang"




"Bye. I love you" sweet niyang sabi







" I love you more and most" sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.

I'm Inlove With PANDAK Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon