Bakit Nga Ba?

74 2 0
                                    

HINDI niya ako pinapansin simula kaninang lumabas kami ng guidance office.

Ano bang problema niya?

Sinusundan ko lang siya kasi siya yung nasa harapan ko.

Saan naman kaya ako dadalhin nito?

Patuloy pa rin kaming naglalakad pero napansin kong malapit na kami sa front gate ng school. Teka nga! Tumigil ako at sumigaw. "Huy Dylan! Bakit ba ayaw mo kong pansinin? Kanina pa kita kinakausap tapos hindi mo man lang ako nililingon o kahit tignan man lang? At saka saan ba tayo pupunta?"

Nagulat ako nang bigla siyang humarap sakin.

"Matagal na kitang hindi pinapansin at kailanman hinding hindi kita papansinin. 'Di mo ba nahahalata na wala akong gusto o interes man lang sa'yo? Bakit kasi ang hina mo? Paganahin mo nga yang utak mo, sandali, gumagana ba yan? Ayaw ko sa mga may mahihinang utak tulad mo! Bakit mo ba ko nagustuhan, kasi kilala mo ko? Kung kilala mo ko alam mo na maski isang persyento, walang pag-asang magkagusto ako sa'yo. Maliban sa mahina ang utak mo, minamalas ako kapag malapit ka sakin. Tulad ngayon, ako yung nasapak nung lalaking pinagkakautangan mo. Kaya asa ka pa na papansinin kita." Aray. Ang sakit. Wala ng mas sasakit pa sa mga nangyari sa buhay ko sa mga sinabi niya. Wala na ba talaga akong pag-asa?

Tumalikod siya sakin at pinamulsa ang mga kamay.

"At sinong nagsabi na may pupuntahan tayo? Ako lang ang aalis at wag na wag mo akong hahabulin. Di ka aso para maghabol. Pero dahil sa tanga ka talaga, alam kong gagawin mo pa rin." Tuluyan na siyang naglakad palayo at ganun na rin ang pag-agos ng aking mga luha.

Umaasa ako sa taong di ako gusto, e anong magagawa ko? Mahina nga ang isip ko kaya di ko alam kung bakit ko siya nagustuhan.

AFTER a few months, di ko na siya nakikita. Siguro gumana na ang isip niya at naisipang wag na akong pahirapan dahil sa mga kamalasang nadadala niya sa buhay ko. Bukod sa isip niya, pahamak din yung mga kilos ng babaeng yun. Kahit sinong lalaki, hindi magkakagusto dun. Ako, isang Dylan Ferrer magkakagusto sa isang Jemma Cruz na walang alam kundi manggulo? Mas malabo pa sa mata ng bulag.

"Yow!" Biglang sulpot ni Jake. "Ano na naman 'yun?" tanong ko na may halong pagka-bagot.

"Iniisip mo siya, noh?" Huh?

Sinong tinutukoy niya? May iniisip ba 'ko?

"Nako Dylan, napapadalas na 'yang pagkatulala mo. Simula 'nung araw na na-guidance kayong dalawa ni Jem-" Hindi ko na siya pinatapos at tumayo na ko sa upuan ko. Sumunod naman siya. Psh. Pareho sila ni Jemma. Parang aso. Buntot ng buntot. Tsk.

Pupunta akong locker kasi nakalimutan ko 'yung reaction paper namin para sa English subject.

Ha! Kawawa si Jemma, ang rami na niyang na-miss na requirements. Ang rami kasing alam. Oo nga pala, wala nga pala siyang alam.

Bakit ko ba siya naiisip? Siguro nga sanay akong may nasunod sakin at nanggugulo. Hay! Kainis.

Yun naman yung matagal ko nang hinihiling, ang tigilan na niya 'ko. Ito na ngayon, e. Pero bakit pakiramdam ko may kulang. Nakakakaba naman 'to. Wag nilang sabihin na...na gusto ko na yung babaeng yun.

"Bago ka umalis, kamusta na yung lalaking nanapak sa'yo? Balita ko pinabalik na 'yun ng daddy ni Jemma sa America, a." Napahinto ako sa paglalakad. Anong koneksyon ng lalaking yun sa tatay ni Jemma.

"Anong pinagsasabi mo?"

"Kasi nga di ba naguidance kayong tatlo dahil sa gulong 'yun? Nalaman tuloy ng daddy niya at pinatawag si Alex agad para pagalitan. Tama lang yun, bro!" Sabi niya habang natango.

Alex? Sinong Alex? Unti-unting may pumasok na konklusyon sa utak ko at narealize na, kailangan kong makausap si Jemma.

Dali-dali 'kong hinanap at pinuntahan ang bahay nila Jemma. Mayaman nga siya. Pero aanhin niya yung yaman niya kung ang hina naman niyang mag-isip. Sayang.

Pinindot ko yung doorbell at wala pang sandali, may isang matandang babae ang sumalubong at pinagbuksan ako ng gate.

Akala ko kung saan niya ako dadalhin pero napansin kong kwarto yun ni Jemma. Ewan ko kung bakit niya 'yun ginawa pero nasa harap ko na ang sagot.

Kitang-kita ko ang nakahimlay niyang katawan sa malambot at malaking kama. Anong meron sa kanya? Bakit para bang sa lahat ng sinabi ko na ang hina niya, ito ang pinakamalala?

Biglang nagsalita ang matandang babae naghatid sa akin dito. "Brain cancer, lagi niyang sinusuka yung mga kinain niya at maski tubig na iniinom niya. Minsan, di ko alam na pati yung mga paningin niya nawawala pero sa awa ng Diyos bumabalik naman. Hirap na siyang magbigkas ng mga salita. Ilang buwan na ang nakalipas hanggang ngayon, hindi pa rin siya nagigising. Mabait siyang bata, pero bakit sa kanya pinaparanas 'yan? Ang swerte niya kasi maraming nagmamahal sa kanya, nandyan ang daddy niya, ang ina niya, ako at si Alex. Naalala ko tuloy si Alex, yung pinagalitan siya at pinabalik sa America gawa ng pagsuntok niya sa lalaking matagal ng gusto nitong si Jemma. Nabalitaan ko kasi na, si Jemma lang ang umaasa na magkakagusto rin 'to sa kanya pero malabo daw mangyari kaya ayun, sinubukan ng kuya niya na gisingin sa katotohanan yung lalaking yun." Nakatingin lang ako kay Jemma.

Kailan pa niya tinatago yung sakit niya? Naalala ko tuloy yung araw na sinabihan ko siya ng masasakit.

Dahan dahan akong naglakad patungo sa kinaroroonan ni Jemma. Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan 'to.

"Hoy. Bumangon ka nga diyan. Marami ka pang ipapaliwanag sa'kin at..." huminga muna ako nang malalim. "At hihingi pa ako ng tawad sayo. Ilang beses kitang nasabihan na ang hina ng utak mo. Mahina ka naman talaga, e. Kasi hindi ka pa umaalis diyan sa pwesto mo. Ano bang gusto mong gawin ko para bumangon ka, ha? Gusto mo bang ipasan kita sa likod?" Di ko namamalayan na tumutulo na pala yung mga luha ko. Nakakabakla naman to pero ito yung totoo.

"Ang hina mo. Bakit kasi ang hina mo?" kung dati ay tinatanong ko 'to kasi naaasar na ko sa kanya, ngayon tinatanong ko 'to kasi gusto kong malaman bakit hindi man lang siya lumalaban sa nangyayari sa kanya ngayon.

Hindi ko aakalain na magiging ganito ako sa kanya ngayon, parang dati lang ayaw na ayaw kong lumapit siya sakin maski isang daliri e ayaw kong idikit niya sa balat ko. Pero ngayon, gusto ko siyang yakapin.

Siguro naging mahina din ako. Lagi ko siyang iniiwasan, iwas din naman ako sa ibang tao lalo na sa mga babae pero bakit ganun, iba ang turing ko sa kanya? Siguro tama ang naiisip ko. Natakot ako na baka di ko kayang maging malakas pagdating sa isang taong sasamahan ko hanggang sa huli ng aking buhay. Kaya pala iwas ako sa kanya kasi natatakot ako na baka kapag nagkagusto ako at mahalin ko siya, baka may mga oras na panghinaan ako at masaktan siya. Bakit kasi ang hina ko?

Bakit Kasi Ang Hina Mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon