Second Option

25 2 1
                                    


Klaire's POV

"Bessst! Nagchat siya sakiiin!!" Wika ko Kay Shylene, best friend ko.

"Ay nako best! Nag papakabilog ka na naman sa kanya eh. "

"Hindi best. Sa tingin ko, seryoso na siya sakin at nagbago na siya."

Mahirap man paniwalaan, pero sa tingin ko, seryoso na siya sakin. Ex ko siya. Nagkalabuan sila ng present nya, si Jane. Nagulat ako ng bigla nya Kong chinat at sinabi nya na Mahal pa rin daw nya ako. Naniwala naman ako dahil sa mga tingin nya sa akin, at sa pagsuyo nya sa akin. Meron pa rin sa part ko na ayoko na namang umasa sa kanya kasi masasaktan na naman ako. Ayokong umasa pero Hindi ko mapigilan. Wala namang mawawala kung mag titiwala naman ako sa kanya diba?

"Best, sinasabi ko na sayo, wag kang umasa sa kanya, na naman. Masasaktan ka lang. Best, ayaw ko na masaktan ka ulit. Baka sa mga patibong nya sayo, hindi ka na maka-ahon." Babala sa akin ng best friend ko. Kahit anong pigil ko kasi, hindi ko magawa eh. Hindi ko kaya.

"Wala best eh. Kahit anong pagpipigil ang ginawa ko,kahit na tinatatak ko na sa isip ko na si Jane na ang Mahal nya ngayon, umaasa pa rin ako na magkaka balikan kami. Wala eh, Mahal ko. Ganyan ako mag Mahal best. Sobra sobra." Malungkot Kong sagot. Minsan, naiisip ko na sana, naging ako na lang si Jane. Sinasabi ko sa sarili ko na ano bang nakita ni Ryle sa kanya? Ano bang meron siya na wala ako?

Ang sakit nung sinabi sakin ng kapatid ko. Sinabi nya sakin na, meron daw si Jane na wala ako. Yung simple lang daw siya, at hindi maarte. Totoo naman eh. Kaso sobrang sakit pala na sa mismong kapatid mo nanggaling ang mga katagang iyun. Naiiyak na lang ako pag naiisip ko 'yun.

Isang Gabi, nag text na naman siya;

From: Ryle

I love you. :*

To: Ryle

I love you too. :* :*

From: Ryle

Simula ngayon, tawag ko na sayo ganda at tawag mo sakin pogi ha?. ;)

To: Ryle

Hahahaha. Okay, sige. :)

From: Ryle

Pwede ba manligaw sayo?

Nagulat ako sa tanong nya. Magpapaligaw ba ko? Pero kasi nag promise ako Kay ate na Hindi muna ako mag b-boyfriend. Pero ito talagang puso ko, hindi ko mapigilan.

To: Ryle

Okay. :)

Kinabukasan, sinabi ko ito Kay Shylene. Sabi niya "Kala ko ba hindi ka magpapaligaw, ha?" Over protective talaga 'tong best friend ko kaya labs na labs ko to eh.

"Hindi ko nga alam eh. Hindi ko na muna siya sasagutin. I don't want to break my promise Kay ate eh."

"So, hindi mo talaga siya sasagutin?"

"Oo."

"Okay, good. At sa tingin ko, hindi naman siya seryoso sayo eh. Niloloko ka na naman niya. Pero binabalaan lang kita best, ha. Basta kung saan ka masaya, doon ako. Suportado kita dyan. Basta take care of your heart ah? Basta wag na wag ka lang nyang sasaktan kundi uppercut abot nya sakin."

Kaya Mahal na Mahal ko tong besprend ko eh. Naiintindihan nya ko at sinusoportahan nya ko sa ganitong mga bagay.

"Salamat, best. Labyouu." Sabi ko with flying kiss.

"Labyoutoo whaleyy!" Sabay hagalpak nya ng tawa. Ang sama talaga nito. Ang sama niya forever. Ay, wala nga palang forever.

Hinintay ko na mag message siya ulit sakin ngayong Gabi. Umabot na nang 12 ng Gabi pero wala pa din. Hayy. Siguro nga tama si Shylene. Hindi na Dapat ako umasa.

Kinabukasan, wala pa rin siyang chat sakin. Hay.

Nakikita ko yung mga status ni Jane at Ryle. Siguro nga nagka ayos na sila kaya hindi na nya ko chinachat. Hay ang sakit.

Lumipas ang ilang araw at nagulat ako nang mag chat siya. Tinignan ko ang mga list na online at hindi online si Jane. Hay second option na naman ako.

Ryle: Oy
Klaire oh ano na naman ba?
Ryle: ay sunget? :(
Klaire: ano na naman bang problema mo?
Ryle: Wala :)

Wala naman pala siyang problema eh. Tss.

Ryle: Pano kung nalaman mong Mahal pa din kita? Pwede bang manligaw?
Klaire: May Jane ka na ah? Tss.

Hays seen na naman ako.

Kinabukasan, kinwento ko ito Kay Shylene. At ayun na naman po siya.

"Best! Chinat ako ni Ryle!. Grabe best. Pero ayaw ko na umasa. Huhu. "

"Alam mo, sa tingin ko best, may nararamdaman pa yan sayo eh. Parang sa mga POV lang sa wattpad. Yung bidang lalaki, mahal pa yung girl. Pero hindi na pwede. Kasi hindi na katulad nung dati.  Atsaka bakit ka pa niya sasabihan ng ganun diba? Kung wala na yang nararamdaman sayo, edi wala na yang pake sayo. As easy as that. You know." Kenkoy na sagot ni Shylene.

"At alam mo best, bukod si Ryle ang paasa, paasa ka din eh! Pinapaasa mo na naman ako. Loko ka.  Kotongan kita eh."

"Kasalanan ko bang umasa ka?"

"Ouch best ha!."

"Oh bakit?" Tatawa tawang sagot niya. "Hahaha de joke lang. Pero what if diba? What if meron pa? Pwede naman yun kasi first love niyo yung isa't Isa? Pero what if meron pa? Anong gagawin mo.?"

"Syempre masaya. Pero ayoko na ulitin ang pagkakamali ko noon. Best alam mo yung umaasa ka pa? Umaasa ka na babalikan ka niya. Na isang araw sasabihin niya na "Mahal pa kita". Yung ganon. Hayss. "

"Tsaka malay mo naman, kayo in the end diba? Let's just hope for the best" sabay smile niya.

"Thanks best. Thank you for staying by my si---"

"Ay nako tama na drama! Oo na hahaha." At nag hug kami. Nako sa lahat ng paasa, siya paborito ko. Joke haha.

Lumipas nun at hindi na niya ako ulit chinat. At masakit pa, binlock niya ko.

"Best sa tingin ko, kaya niya ko binlock kasi nag away sila dahil sakin?" Sabi ko. Ang sakit talaga. Yun na nga lang yung pinanghahawakan ko eh. Ma-stalk lang siya, masaya na ko.

"Hindi naman siguro, bes. "

"Pero what if si Jane ang gumamit ng account ni Ryle? Para i-block ako?"

"Baka napagtripan lang siya or kaya na hacked. Hindi naman niya magagawa yun ng walang dahilan. "

"Pero ang sakit pa rin talaga best." Naiiyak na sabi ko sa kanya. "Hindi ko matanggap. Hays."

"Okay lang yan. " Pang aalo niya sa akin.

Higit Dalawang taon na pala nung Simula na maging kami. Ang bilis ng panahon. Siguro kung kami pa din? Ang saya saya namin ngayon. At hindi ako nasasaktan ng ganito.

Hindi ko alam kung makakamove on pa ba ko sayo. Siguro hanggang sa mapagod na yung puso ko sa kakamahal  sayo. Hanggang sa magsawa na. Pero hanggang kailan? Hanggang kailan ako masasaktan?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Jell's One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon