A/N: No Sehun for this chapter. #TiffAgon muna :*
--
Naabutan kong nagbibihis ang isang dragon sa sala ng bumaba ako galing sa guest room
Sinubukan kong matulog, kaso 'di pa gusto ng mata ko. 'Di ako sanay matulog sa bahay ng ibang tao
"Shit!"
Tinignan ko sya ng pagtataka ng bigla syang nagtago sa likod ng sofa.
Ano problema ng lalaking 'to? Ngayon lang nakakita ng maganda, ganern?
"Anong ginagawa mo ditong babae ka?!"
Hindi ko sya pinansin. Wala namang sense ang tanong nya. Tinatanong nya kung bakit ako nandito? Aba, dapat sarili nya ang tinatanong nya dun. Pinapunta nya 'ko dito sa bahay nya tapos ganun tanong nya?
Utot sya.
Patuloy lang ako sa paglalakad papunta sa sofa, kung saan nandun sya sa likod. Gusto ko manood, ang boring eh
Atsaka, ang aga pa, 10pm palang oh, 3am ako natutulog
"Bastos!" Aniya ng makaupo na 'ko sa sofa. Hayy.. Anong bastos sa ginawa ko? Umupo lang, bastos na kaagad? Weirdo.
"Kinakausap kita ah, sagutin mo 'ko kundi papalayasin kita dito"
Napataas kilay ko. Tapos papaalisin nya 'ko? Okay. Hindi naman kawalan ang bahay nya -___-
"Panood muna. Aalis rin agad ako, don't worry" Walang ganang sabi ko sakanya na kasalukuyang nasa likod parin ng sofa
Bakla ata 'tong lalaking 'to. Dapat nga ako ang nagtatago kasi nagbibihis sya. Kaso baligtad. Sya ang nagtago.
"Magbihis kana. Wala naman akong nakita bukod sa napaka pangit mong mukha" sabi ko habang hinahanap ng mata ko ang remote.
"Aba't--"
"Sige umangal ka. Ipagkakalat kong hello kitty ang buong kwarto mo"
Agad naman s'yang nanahimik. Tignan mo 'tong lalakeng 'to, 'di naman pala ako kaya
Hayy. Tama nga ang kasabihan na. "Girls knows best" and it's fucking true
Totoo ang sinabi ko. Na hello kitty ang buong kwarto ng lalakeng 'to. May tinatago rin palang kabadingan ang lalakeng 'to. Kaya pala nagtatago sya ng bumaba ako. Pero 'wag syang magalala, I'm good at keeping secrets, though.
"W-wala ka namang proof 'pag sinabi mo sa iba 'yun"
"You sure, dragon?" I ask while closing my eyes. My eyes need a rest. Nakakapagod din hanapin ang nawawalang remote
"Y-yeah.. I guess"
I smirk when I felt him moving sa likod ng sofa. "Hindi ka pa ba tapos mag bihis? At nasan ba ang remote mo?"
Kanina pa 'ko hanap ng hanap sa letcheng remote na 'yun. Ayaw magpakita, kailangan may naghahanap sakanya. Parang love lang eh noh?
"Umalis ka muna kasi, hindi kaba naiilang? Nagbibihis 'yung tao oh!"
Napasimangot ako. Hindi 'yan ang gusto kong sagot nya sa'kin. Gusto ko 'yung tungkol sa remote nyang nawawala!
Umupo ako ng maayos at sinilip ang ilalim ng sofa. Takte naman oh, gustong gusto ko na manood, kahit saglit lang naman oh T___T
Napatigil ako sa paghahanap ng remote sa ilalim ng may nakita akong 'di ko inaasahan. Nanlaki mata 'ko, pero mas nanlaki mata 'ko ng tumingin din sya sa'kin sabay..
BINABASA MO ANG
Secretly Married to my Secretary [Sehun Fanfic.]
FanfictionAll Rights Reserved © 2016 "I'm ashamed of myself because I know I should be better and I have no idea how to get there" - ?