Piping Paghanga (poem)

82 4 1
                                    

Simula nang ika'y masilayan,

Hininga ko'y nagsilihisan

Tila ako'y napalibutan,

Nang mga anghel na nagsisiawitan.

Sa iyong ngiti'y natigilan,

Sa iyong tindig na walang kapintasan

Pati sa ugaling pang-samaritan,

Ang kiligin ng todo'y di mapigilan.

Nais kong ito'y iyong malaman,

Ngunit puso ko'y nagaalangan

Paano na lang kung ako'y sungitan,

O di kaya'y iyo nang iwasan?

Kahit na gusto kong ipagsigawan,

Sa lahat itong nararamdaman.

Akin na lamang napagpasyahan,

Na ika'y tahimik na hangaan.

-Sheila Noreen :)

Piping Paghanga (poem)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon