Simula nang ika'y masilayan,
Hininga ko'y nagsilihisan
Tila ako'y napalibutan,
Nang mga anghel na nagsisiawitan.
Sa iyong ngiti'y natigilan,
Sa iyong tindig na walang kapintasan
Pati sa ugaling pang-samaritan,
Ang kiligin ng todo'y di mapigilan.
Nais kong ito'y iyong malaman,
Ngunit puso ko'y nagaalangan
Paano na lang kung ako'y sungitan,
O di kaya'y iyo nang iwasan?
Kahit na gusto kong ipagsigawan,
Sa lahat itong nararamdaman.
Akin na lamang napagpasyahan,
Na ika'y tahimik na hangaan.
-Sheila Noreen :)
BINABASA MO ANG
Piping Paghanga (poem)
PoetryMinsan mas mabuting tahimik ka na lang na humanga sa isang tao..