Chapter 1

9 1 0
                                    

Star's POV
Ang sarap talaga ng luto ni mama. Kumakain ako ngayon sa lamesa namin ng adobo na niluto ni mama. Favorite ko yan eh.

After a few minutes, natapos na ko kumain kaya dumerecho na ko sa kwarto ko para maghanda na sa pagpasok.

Naligo na ko at nag ayos ng sarili.
Not typically maayos. When I say maayos, meaning, nakalugay na buhok, mahabang palda, maluwag na blouse, NERDY glasses, and braces.

Yep. Im a nerd. Parang dito kasi ako kumportable.

"O anak, di ka pa ba papasok?" Sabi ni mama na nakatayo pala sa may pintuan ng kwarto ko.

"Ah aalis na din po ako ma."
Lumapit sakin si mama at inayos ang necktie ko.

"Ang ganda mo talaga anak, mana ka sakin eh. Haha" si mama yan.
" jusme ma, nambola ka pa." Sagot ko nalang.

"Hala sige na anak at baka malate ka pa."
"Sige po ma bye po." Sabi ko at humalik sa pisngi ni mama.

••••••••••••••••••••••••

Naglalakad ako papunta sa may carinderia namin. Malapit lang to sa school. Actually katapat lang nya e. Magkikita kita din kami ng mga kaibigan ko.

"Oy star!" Sabi ni Althea. Isa sa mga kaibigan ko. Kung ide describe ko sya, hmm...

Mataba, not really mataba. Yung parang hmm... chubby. Tapos nakatirintas yung buhok nya.

"Oy wait lang ah." Sabi nya sakin.

Galit na galit yan sa mga lalaki. Lalo na dun sa boyfriend nya na iniwan sya.
Sanay na naman daw sya samga nang iiwan. Ang masakit lang dun, pinerahan muna sya tapos may babae pang iba. Oh diba? That's life. Walang forever. (Okay. bitter ako. haha LOL)

"Andun na sa loob sila Andrea." Sabi sakin ni Althea habang lumalamon ng burger. -___-

Papunta na kami sa headquarters. Dun kami nag titipon tipon at naguusap usap. Nasa may gilid yun ng Carinderia namin. Pinakiusap ko pa yun kay mama.

Pumasok na kami sa loob at naabutan namin si Andrea na nakahiga sa sofa bed at si Chelsea na ginagawang dart board yung picture ng ex nyang iniwan sya para sa mukhang alimango na babae.

"Hi Star!" Sabi ni Andrea at napalingon naman si Chelsea.
"Hi Staaar!" Sabi ni Chelsea.

Nginitian ko lang sila at umupo sa may upuan na katabi ni Andrea.

Tahimik lang ako habang sila ang iingay at kung ano anong pinag uusapan.

Idedescribe ko nalang muna sila Andrea.

Si Andrea, medyo boyish sya kung titingnan. Laging nakalugay yung magulo nyang buhok tapos lagi syang nay sumbrero na dala.

Si Chelsea naman, nerd din sya. Naka suot ng makapal na salamin,mahabang palda, maluwag na blouse. Hindi nga lang sya nakabrace.

"Ang tagal naman ni Fraaancee!!!"
Reklamo ni Andrea. Si France nalang kasi yung hinihint--

"Hi Mga Baklaa!!"
Biglang sigaw ni France. Tumingin naman sila sakanya ng masama. Poker face lang ako.

"B-bakit?" Kinakabahan nyang sabi.

"Ang tagal mo eh!!!" Sumigaw si Althea ng pagkalakas lakas.

"Sorry na nga e. Si Daddy kasi sinermonan pa ko. Mag sundalo daw ako pagkatapos ng pag aaral. Like OMG lang diba?!" Reklamo ni France samin.

"hahahaha" tawa ng tawa si Chelsea.
"Ikaw? Bakla? Magsusundalo? Pfft hahahahaha" patawa tawang sabi ni Chelsea kay France.

Opo. Bakla yang si Francisco na yan.

"Hoy! Anong Francisco ka dyan! It's France! Like F-R-A-N-C-E. France!"

Sabi ni Francisco este France.
Mind reader ata yan. Nabasa yung nasa isip ko e..

"Guys tara na. 10 minutes nalang mag ta-time na." Sabi ni Andrea samin.
"Sige. Tara!" Pagsangayon naman ni Chelsea.

Pagkalabas namin sa kwarto, nilingon ko uli yung pinto namin na may naka ukit na...

No Boys Allowed

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

NO BOYS ALLOWEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon