Rain (One Shot)

26 5 0
                                    

Taeyeon's POV

Saktong alas singko ng hapon ng mag dismissed na yung last class ko at ngayon ay nag aayos na lamang ako ng gamit ko para makauwe na sa bahay.

Sa paglalakad ko sa hallway namin ay napatama naman yung direction ng mata ko sa taong nakatalikod na naglalakad mag isa. Nakakasigurado ako na siya yung nakatalikod, parang buong katawan niya at amoy alam ko na.

Mabilis akong naglakad para masundan siya, isa siya sa mga mamayaman dito sa school at ako naman na hamak na scholar lamang dito. Galing siya sa korea at dito na siya nag aaral, yung school kasi namin pang international lahat ng gustong mag aral dito ay malayang nakakapasok.

Sa paglalakad ko hindi ko na alam kung nasan na siya nag punta , sa bilis naman kasi nya maglakad panigurado na hindi ko sya maabutan kasi sa liit ba naman ng mga biyas ko. Ba't ba kasi pinaglihi ako ng nanay ko sa minions? Sa pagkadismaya ko dahil hindi ko na naman siya nasundan ay napaupo na lamang ako sa malapit na bench sa akin.

" Ang malas mo talaga taeyeon, pang ilang beses muna ba siyang hindi naabutan? Nakakabwesit naman kasing mga paa ito"-Taeyeon

Sa pagsisisi ko sa sarili ko, ay nakarinig ako ng ilang beses na kulog at kidlat kaya paniguradong uulan. Mabilis kung kinuha ang payong sa bag ko, mabuti na lang pala at naging girls scout ako. Dahil sinanay ko na ang sarili ko na palaging handa sa lahat ng bagay.

Sa una ay dahan dahan lang ang pagpatak ng ulan, pero agad itong nasundan ng malalakas na pag patak. Mabilis kung niyakap yung bag ko para hindi ito mabasa, napalingon naman ako sa daanan nagbabakasakali na may dumaang taxi. Sigurado akong matumal ang dadaanan dito dahil dumidilim na. Sa paglingon sa kanan ko ay napansin ko na may lalakeng nakatayo na basang basa na ni wala man lang siyang dala na payong para masilungan niya. Labis na lang ang pagkagulat ko ng tumingin siya sa akin,

" B-baekhyun "-Taeyeon

Halos magkalapit lang kame kaya narinig niya iyon dahil tumingin siya ulit sa akin.

" Did i know you? "-Baekhyun

Parang nasaktan naman ako dahil sa sinabi nya, halos siya kilala ko na pati yung family niya tapos ako hindi niya man lang ako kilala. Paano nya nga pala ako makilala eh hindi naman niya ako classmates at hindi rin ako nagpakilala sa kanya.

" Ang tanga tanga mo talaga kahit kelan taeyeon, tsk! Napakaboba mong babae, "-Taeyeon

Para akong tanga na binabatukan yung sarili ko,

" What are you doing?"-Baekhyun

Nakalimutan ko nga pala na hindi sya marunong mag tagalog dahil simula nung dumating sya ang naririnig ko lamang ay yung alien niya na salita sa lugar niya dati at ang mag english. Agad akong lumapit sa kanya yung sobrang lapit dahil nababasa na siya ng ulan, dibaleng ako na lang ang mabasa wag lang sya baka kasi mag kasakit siya at ayaw ko naman mangyare iyon dahil hindi ko na siya makikita pag nagkataon.

"Ba't kaba kasi nagpapabasa ? Alam mo bang magkakasakit ka niyan? Pag nangyare iyon hindi na kita masisilayan pa. Nasaan na ba yung sundo mo? "-Taeyeon

RAIN (BaekYeon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon