(Phone Ringing)
Calling James Mylove 📞📞📞
Bea: Hello James?
James: Myloves
Bea: Haha mahal oh bakit tumawag ka pa magka text na tayo
James: Labas tayo mamaya, sabado naman may gagawin kaba?
Bea: Wala naman daan lang ako kay Mitch mamaya at may mga ibibilin ako sa kanya kasi siya magbabantay ng bahay pag balik namin ng Amerika mahal ko.
James: Mahal sure na ba yan? Gaano ka katagal dun?
Bea: Di ko alam mahal kung dito pa ako next sem or duon na ulit sa Amerika
James: Bakit naman iiwanan mo ako mahal?
Bea: Mahal kung hindi lang dahil kay kyle talaga kung andito na si Kyle hindi nako balik Amerika
James: Bakit di mo nalang siya kuhanin at ipangalan sayo?
Bea: Yun ang aayusin namin dun James mahabang proseso nanaman nga pero titignan ko kasi malapit naman na ako mag 18 so pwedeng ako na ang nasa birth certficate ni Kyle.
James: Nalulungkot naman ako at iiwanan mo ako dito. Sana makapunta ako sayo.
Bea: wag ka na malungkot hanggat andito ako magkasama tayo maghapon, gusto mo?
James: Maghapon lang? Hindi ba pwede pati magdamag? 😀
Bea: Haha Ikaw talaga, Hindi pa muna hahaha
James: Haha sineryoso mo talaga. Pero seryoso naman ako hahaha
Bea: James talaga oh... Saan ba lakad natin?
James: Sunduin kita kila Mitch.
Bea: Sige mga 3pm ako punta kila Mitch
James: Sunduin kita ng mga 4pm ha
Bea: Sige mahal ko, love you
James: Love you mahal see u later
Bea: Bye
James: Bye
🍚🍗🍚🍤🍲
Nagtungo si Bea sa kitchen at andun ang kanyang mama at si Manang Sita.
Bea: Ma punta po ako kila Mitch mamaya at sunduin daw po ako ni James dun kila Mitch po mama.
Bea Mom: Okay anak, nakita ko kagabi ang ginawa ni James para sayo anak.
Bea: Ma sasabihin ko palang po sa inyo na boyfriend ko na po siya ma. Okay lang po ba sainyo?
Bea mom: Anak walang problema nakikita ko effort niya sayo at nakikita kong responsable siya. Alam ba niya ang tungkol kay Kyle?
Bea: Opo mama alam po ni James mama.
Bea Mom: Paano yan kung bumalik tayo sa Amerika iiwan mo siya dito?
Bea: Yun nga po mama e nalulungkot po siya pero kung okay po sa inyo na araw araw ko po siya makasama? 1 week na lang po pasok namin next week po wala na po kaming klase mama. At malapit napo tayo balik Amerika.
Bea Mom: Sige anak minsan dito mo siya ayain mag dinner ha.
Bea: Okay po ma salamat po.
🚖🚖nagtaxi na si Bea papunta kila Mitch after ilang minuto ay dumating na din si James🚘🚘
Bea: James wala pang 4pm ang aga mo yata?
James: Gusto na kita makita eh. Namiss kita agad mahal.
Mitch: Oowww mahal na ang tawagan...
James: Ah hindi pa ba nakwento sayo Mitch?
Mitch: Alam ko na kagabi pa pero yung mahalan niyo ngayon ko palang narinig, teka nga... At kukuha ako meryenda niyo, pwede na ba ang asukal?
Bea: Mitch talaga oh.
Mitch: hahaha sige sampalok nalang para magkaroon ng asim yung tinginan niyo. Asim kilig!
Bea: Hahahaha baliw ka!
Mitch: Abay ako pa baliw tignan mo nga si James mahal mo oh nakatitig lang sayo.
Ayyyy?!? Hala hindi na nila ako naririnig? Ano ba? Senyasan?! Hay mga baliw. Iwan ko muna kayo dyan at bili ako merienda.
💓💓💓Pagbalik ni Mitch ay may dala itong merienda💓💓💓
Bea: Wow spaghetti. San binili mitch
James: wow sarap naman niyan.
Mitch: Hindi na ako bumili at nagluto pala si nanay kasi nga darating ang mga litang kong mga kaibigan
James: uy tara ah kain na tayo mukhang masarap.
Mitch: James okay na yung pinatawagan mo.
James: Wow salamat Mitch sobrang salamat
Bea: Ano yun?
James: Maya sabihin ko sayo mahal
Bea: Ayyyy andaya naman bat hindi ako kasali sa usapan na yan?
Mitch: Mamaya malalaman mo din kaya kumain kana muna hahaha
⏰⏰⏰4:30⏰⏰⏰
James: Mitch 4:30 na
Mitch: Ready na James
Bea: Anong ready na?
Mitch: Ready na umuwi na kayo sige na hahaha... At may lakad din ako bye.
Bea: Hala kami itong bisita niya iniwan kami. Ano ba yun mahal?
James: Tara na Mahal ko may puntahan pa tayo nakaalis na si Mitch, mamaya ko sabihin sayo mahal.
⏰⏰After a few minutes⏰⏰
Bea: Oh dito tayo kakain? Kakamerienda lang natin dito cook ang nanay ni Mitch mahal.
James: Ah dito ba? Tara pasok tayo.
Bea: Hala? Eh bakit wala naman tao saka bakit wala kumakain? Uwi na tayo madilim mahal. Baka sarado sila ngayon.
James: O sige teka punta lang ako sa wash room. Sama ka?
Bea: Sige punta din ako sa pambabae.
💓👣💓nagtungo na ang dalawa sa Wash Room, madaling natapos si Bea ngunit wala pa sa labas si James, naghhintay na siya ng ilang minuto duon ngunit walang lumalabas ng wash room ng mga lalake, naglakad lakad si Bea at may nakita siya sa poste na
"Bea, this is all for you ➡️ walk 4 steps and turn right"
Bea: Hay jusko ano ba ito ayoko ng ganito asan ka ba James.
Naglakad prin si Bea papunta at sinunod ang nakasulat sa poste
"Now, Bea open the door"
Bea: Kainis ano ba ito at nauuto ako sa mga nakasulat na yun uwi na kaya ako.
Binuksan ni Bea ang pinto at biglang may telang tumakip sa mata niya at may humawak sa mga kamay niya.
Male voice: Wag ka umuwi Bea.
Bea: Ha?!? Sino kayo?! Ano ba sino kayo?!? James???! (Natatakot na si Bea)
Female voice: Wag ka matakot Bea mabubuti kami konting lakad lang hindi kami masama.
Bea: Bakit saan tayo punta?
Female Voice: Konti nalang okay ayan upo ka dyan wag ka aalis ha teka lang. Wag mo muna alisin yung takip sa mata mo please.
Bea: Teka!!! Sino ba kayo?
🎼🎷🎧 biglang may nagplay na love song at inalis ni Bea ang takip sa kanyang mga mata, pagdilat niya ay nasa harap niya si James at sa lamesa nila ay may mga pagkain at sa plato ni Bea ay may nakasaradong maliit na red jewelry box.
Bea: Mahal!!! Nakakainis ka, tinakot mo ako.
James: Here, (binuksan ni james ang box na may singsing)
Bea: 😂😱 what?!? James?!? What is this?
James: This is for you because you are mine now. Mahal na mahal kit Bea walang makakahigit dun, akin na suot ko sayo ha. From now on Engage na tayo ha.
(Naiiyak nanman sa tuwa si Bea dahil palagi nag eeffort tlaga sa mga surprises si James pra sa kanya)
James: Wag kang umiyak dapat magsaya tayo, ako sobrang saya ko,
Bea: Mahal salamat... (Pinuntahan ni Bea si James sa upuan at kumandong ito at inakap si James)
James: I love you mahal, masaya ka ba?
Bea: Masayang masaya ako Mahal sobra.
James: Halika sayaw tayo.
👣👣👣🎷👣🎷🎼🎼🎷
Nagsasayaw na magkaakap ang dalawa
Bea: James mahal, sobra na ang mga ginagawa mo hindi mo naman an kailangang gawin.
James: Ginagawa ko yan dahil mahal kita, at pag maging mag asawa na tayo gagawin ko padin yan pero pag may pagkukulang ako sayo sana ikaw ang katuwang ko para punuin ng pagkukulang ko na yun.
Bea: Pangako magiging mabuti ako asawa sayo at mabuting ina sa mga magiging anak natin, kaya lang Mahal pwede bang ienjoy muna natin ito ayoko pang magmadali.
James: Oo naman pag planuhan natin yan. Mahal next week pwede ba tayo mag Beach sa Zambales kasama mga pinsan ko?
Bea: Sige papaalam ako kay mama. Ilang days ba yun?
James: 2 days lang naman mahal. Bukas mag simba tayo?
Bea: Sige mahal halika na kumain nagugutom na ako.
James: Akala ko ba busog ka?
Bea: Nagutom ako sa takot mahal. Sino ba yung mga kumuha sa akin kanina? Nasan na sila?
James: Andyan lang mga yun, mga pinsan ko at si Mitch nag ayos dito Mahal.
Bea: Grabe mahal, i'm surprised. Thank you mahal, i love you.
James: Wagmag thank you mahal ha. Mahal kita kaya ko to ginagawa sayo.
👣💓⏰matapos ang surprise date na yun ay umuwi nadin silang dalawa hinatid na si Bea ni James dahil mag gagabi na din. Masayang masaya si Bea dahil nun lang naranasan ni Bea ang mga ganun klaseng surprises ramdam na ramdam ni Bea na mahal na mahal siya ni James, naaawa ito kay James dahil after ng ilang days ay babalik na sila Bea sa Amerika at walang kasiguraduhan kung kailan sila babalik ulit ng Pilipinas.👣❤️⏰
💒SUNDAY
Nanonood si Bea ng tv habang kausap si Mitch sa Cellphone at ang kanyang Mama at si Manang Sita ay nasa kusina abalang nagluluto para sa tanghalian ay biglang may nag doorbell📡
Bea: Mitch teka may nag dodoorbell tignan ko lang kung sino yun ha.
Mitch: Sige see you tomorrow bes
Bea: Sige bes bye.
🚪🌞
Sinilip ni Bea ang butas sa gate pero wala itong makita kaya bumalik siya ulit sa bahay bago ilang lakad ay may nag doorbell ulit, kaya bumalik nanaman ito sa gate nila. Mataas ang gate nila kaya hindi nakikita ang nasa labas kung hindi ito sisilipin. Wala ulit tao duon kaya bumalik ulit siya sa pintuan nila bago pa siya makarating ay nag doorbell nanaman sa inis niya hindi na siya lumabas at tinawag na lang niya si Manang Sita. Pero palabas na ng pinto si Manang Sita at nagkasalubong sila.
Bea: Manang nakakainis po may nanloloko po yata sa gate doorbell ng doorbell.
Manang Sita: Sige ako nalang iha pumasok ka na sa loob.
👣👣Ilang Minuto pa ay bumalik na sa loob si Manang Sita...
Bea: Manang sino po yun?
SURRRPRISE!!!!! Nagulat si Bea sa likod ni Manang Sita
Bea: James?!?!? 😂
James: Surprisssse!!!!
Bea: Kainis ka naman tinakot mo ko ikaw yung nagdodoorbell? Nakakainis ka naman mahal!?!
James: Hahaha wag ka na mag tampo hahaha ito ooh for you mahal.
Bea: Wag ka kasing ganun, hindi yun nakakatuwa. Hindi ako natutuwa mahal.
James: Sorry mahal hala sorry di ko na ulitin.
Bea: Sorry Sorry ayoko nga, naiinis ako sayo 😔
James: Sige na sorry na sorry na talaga please... Mahal ko please...
Bea: Hmmmmmpppp!!!! 😒
James: Hindi mo ako papansinin talaga?uy?!? Lika na dito lika na?!?
Bea: Hmmmm....
James: Ayaw mo talaga? Sige uwi nako. 👣 tita!!! Uwi napo ako...
Naglakad si James palabas ng pinto at sumunod si Bea sa likod niya nangingiti si James dahil alam niyang nakasunod si Bea sakanya. Paglingon ni James sa likod ay huminto sa paglakad si Bea at nakayuko, naglakad ult paunti unti si James at bigla siyang huminto, bigla siya lumingon sa likod at biglang sinunggaban ng akap si Bea saka niya ito binuhat. Tawa ng tawa si Bea dahil hindi naman ito talaga galit kay James.
James: Galit ka pa mahal?
Bea: Hahaha hindi naman ako galit eh jinojoke lang kita hahahaha... Quits na tayo! 😆
👣👣Lumapit si Manang Sita sa kanilang dalawa na nakaupo na nagkkwentuhan sa may hagdanan sa harap ng pintuan nila.
Manang Sita: Halina kayo at kakain na tayo.
James & Bea: Opo...
🍗🍲🍚🍲🍗🍲🍤
Bea Mom: Tara na at kumain na, James andyan ka na pala?
James: Hello po tita sorry po di po ako dumeretso dito sa inyo nung dumating po ako.
Bea Mom: Okay lang yun James. Bea anak inimbita ko si James talagana kumain dito nang lunch para dito na kayo mamnggaling bago kayo magsimba.
Bea: Ahhhh itong James na to hindi nagsasabi sakin mama hindi mo manlang nabanggit dito ka mag lunch akala ko naman andyan mga pinsan mo?
James: Bakit? Dahil hindi ka pa naliligo hano?
Bea: Oi naligo na ako hano.
James: Nakuuuu... Amoy asim ka naligo ka na niyan mahal!?
Bea: Kainis ka.
Bea mom: Hahaha nakakatuwa kayong dalawa sige na, Tara at kumain na. Manang sabay ka na po sa amin kumain ha lika na.
Manang Sita: Sige.
🍤🍤🍤🍤Matapos ang ilang minuto ay natapos na din silang kumain, at nagtungo ang magkasintahan sa Living room para manood ng tv.
James: Ganito lang kayo twing sunday mahal? Ikaw nanonood ka lang ng tv?
Bea: Oo bakit sa inyo hindi ganito? Madami ba kayo sa bahay niyo?
James: Wala naman palagi tao sa amin, mga katulong lang tapos si Mama bihira sa bahay yun at palagi sa trabaho, sa mga kaibigan niya at out of town. Kaya palagi ko iniimbita mga pinsan ko sa bahay.
Bea: Bakit hindi ba umuuwi ang Papa mo? Sorry mahal at ngayon ko lang ito natanong sayo ha.
James: Si papa nasa Amerika, at may iba na siyang pamilya dun. Minsan nagbakasyon Si Dave dito sa Pinas para makilala ko sabi ni Papa, pero madalas kami mag away nun, kapatid ko siya kay papa.
Bea: Ahh may kapatid ka sa tatay? Matagal na sila hiwalay ng mama mo mahal?
James: Oo bata palang ako hiwalay na sila pero twing vacation ay nagpupunta ako sa Amerika para makasama si Papa pero hindi ko gusto buhay ko duon kasi masungit si Tita Amelia sa akin at ayaw ni mama ng ganun, nuong mga nasa 14years old ako nun bigla pumunta si Mama sa Amerika nakita niya aktong akto akong initsahan ni tita Amelia ng wine kasi wala si papa nun tapos si mama open yun pumunta dun pag andun ako kasi dati naming bahay yun, galit si tita Amelia kay mama kahit siya na ang kinakasama ni papa kasi si mama ay mahal pa rin daw ni papa.
Bea: Ganun lang tapos ikaw pinagbabalingan ng stepmom mo?
James: Kasi, si mama at si tita Amelia ay mag bespren nung highschool at college sila. Nung may party daw andun si mama at papa nalasing sila sa party at si tita Amelia lang daw hindi nalasing may hinalo siya sa inumin ng papa at mama ko kaya akala ng lahat ay nalasing sila, 1yr old mahigit palang daw ako nun.
Bea: Nasaan ka nun?
James: Andun sa yaya ko si yaya daw ang nakakita n may nilagay siya at nagulat siya nang ibinigay ito kila mama at papa, nakita ni tita Amelia si yaya nung may hinahalo siya kaya tinakot daw siya ni tita Amelia na papatayin siya at mga anak ni yaya.
Bea: Ay grabe ang sama ng ugali naman.
James: Oo at kinabukasan may nagpadala kila mama at papa na mail puro pictures ni papa kasama si tita Amelia na mga nakahubad.
Bea: Haaaaa????? Mahal anu ba yan?
James: oO mahal kaya naagaw ni tita si papa, kasi nung nagalit si mama kay papa pinalayas niya pero hindi siya agad pumunta kay titaAmelia galit na galit si papa saknia, nung magkita sila ilang araw sinabi tita Amelia buntis daw siya si Papa daw ang tatay. Kaya ayun ang story ng pamilya ko. Magulo.
Bea: Eh ano nangyari nung si mama mo dumating? Nung tinapunan ka ng wine?
James: Sinugod ni mama at tinulak si Tita Amelia at sinampal niya ilang beses dumating si papa nagagalit kay mama. Sinabi ni mama ginawa sa akin tapos nakita ni papa basa ako ng wine ayun nagsorry si papa pero sa galit ni mama ayaw na niya ako ulit bumalik dun kahit na si papa nagmamakaawa pa.
Bea: Ay bat ganun? Eh mahal grabe buhay mo. Kiss kita wag ka malungkot ha. ☺️
James: Masaya nga ako at nakilala kita tapos girlfriend pa kita ohh san ka pa?
Bea: Hahahaha eh mahal nasan na yung yaya mo nuon?
James: Ewan ko kung nasan na siya teka may picture ako niya dito sa wallet ko kasi buhat niya ako palagi nung baby ako. Ito mahal...
Bea: Tingin??? Hmm... Teka... Cute ka ha... Pero itong yaya mo parang familiar siya mahal. Nakita ko na ito nuon.
James: Nakita mo na?!?
Bea: Ayyyy sandali nga.... Si.... Ay tama!!!! Si Manang Sita yan!!! 😄😅 teka manang!!!!! Manang Sita!!!!
James: Ha??? Hindi nga?
Bea: Oo hindi ako nagkakamali kasi madami din kami pictures nung bata kami nila ate.
Bea's mama: Bea anak bat ka ba nagsisigaw dyan?
Bea: Mama si Manang Sita po ito di ba?!?
Bea's mama: Patingin nga anak?... Ha???? Oo nga ano?
Manang Sita: Anu yun bakit niyo ako tinatawag?!?
Bea: Haha manang!!! Manang kayo pala yung dating yaya ni James! :) tignan niyo po itong picture niya. Di ba kayo po yan kasama ni James?!?
Manang Sita: Ayyyy oo ako yan!!! Ikaw pala yan James!!! Nakoooooo james halika nga bata ka namiss naman kita ppwede ba kota mayakap?
James: Manang! 😅 sige po manang...
Manang Sita: Parang kelan lang binubuhat lang kita nun napakalikot mo palagi kang nadadapa, pero palagi kang tawa ng tawa pag nilalaro kita.
Bea: Wooooow what a small world! Mahal alam mo ba andto na sa amin si Manang Sita 5years old palang ako.
James: Talaga po Manang? Ilan taon po ako nang umalis kayo sa amin?
Manang sita: 4years old ka kaya alam ko lahat yang buhay ng magulang mo nuon. Saka hindi ako umalis nuon hanggat hindi nakaka move on ang mama mo sa mga nangyari kasi pag umalis ako wala mag aalaga sayo kailangan mag work din ng mama mo.
James: Paano po yun nung umalis po kayo? Sino na po nag alaga sa akin?
Manang Sita: Ang tita mo. Hindi mo ba matandaan?
James: Ah si tita Mayet po?
Manang Sita: Oo at iniwan kita sa kaniya dahil kailangan ko magpalamig at mainit mga ginawa sa akin ng stepmom mo.
Bea: Manang alam niyo po ba na..... (Ikinwento muli ni Bea ang kinwento ni James sa kaniya)
Manang Sita: Totoo lahat ng iyon at nung tinakot niya ako tinutukan niya ako ng kutsilyo kaya talaga natakot ako naman nun pero para kay james at mama niya nanatili ako.
James: Manang.... Masaya po ako maraming salamat po manang sana makadalaw po kayo sa amin.
Manang Sita: Sige James.
Bea: Naku... Ohhh tara na at mag ready magsimba sama po ba kayo ni mama manang?
Manang Sita: Hindi na at madami pa ako gagawin saka time niyo yan sa isat isa. Sige na at punta ako sa kusina magkwentuhan nalang tayo ulit sa susunod James ha. Ikamusta mo ako sa mama mo.
James: Opo manang
💒💒💒
Natapos na ang Misa at sila na ay nagtungo palabas ng simbahan. Nagtataka si James kay Bea at palingon lingon ito sa bandang kanan nila.
James: Mahal bakit? May hinahanap ka ba?
Bea: Wala mahal. Kain tayo mahal sa jollibee wala nun sa Amerika mahal eh.
James: Sige mahal.
👣👣👣🍗
After ng ilang minuto ay nakaorder nadn sila ng pagkain nila.
James: Mahal bakit may problema kb?
Bea: Wala mahal, pero mahal...
James: Ano yun mahal?
Bea: Alam mo sa simbahan kanina parang nakita ko si Wade.
James: Wade???? Yung gago!?! Bakit akala ko nasa amerika yun? May pamilya sila dito?!?
Bea: Mahal wag iinit ulo di ako sure.
James: Sabihin mo nga sa akin may inuuwian siya dito sa Pinas?
Bea: Oo mahal magkaklase kami ng Elementary yung father niya tinulungan ni Papa makapasok sa work sa Company ni papa kaya madali nakapunta duon nuon father ni Wade, pero mula nuong nangyari sa akin tinanggal ni papa sa work yung father ni Wade. Hala!
James: Oh bakit?!
Bea: Baka umuwi na sila ng Pinas????
James: Sigurado ka ba? Alamin mo mabuti mahal at ipapahunting ko yan sa grupo.
Bea: Sige aalamin ko mahal.
🚘🚘🚘🚘
Nakauwi na ang dalawa at pinuntahan ni Bea ang kanyang mama sa kwarto.
Bea: Ma?
Bea's Mom: Yes anak?
Bea: Ma i have something to ask po, About Wade.
Bea's Mom: Yes?!?
Bea: Ma what happened po after na tinanggal ni Papa yung papa ni Wade sa work? Did they come back here in the Philippines?
Bea's Mom: Ha?!?! Bakit mo naitanong?
Bea: Kasi po mama nung matapos po misa kanina paglingon ko po sa right side ko parang si Wade po yung nakatingin sa akin tpos nakatitig po talaga tapos mama paglingon ko ulit wala na siya.
Bea's Mom: Hindi ko alam anak itatanong ko sa ate mo bukas. Wag mo stressin isipan mo anak at isipin mo yung kay Kyle at si James, gusto ko gusto namin maging masaya ka anak ha.
Bea: Sige po mama tulog na po ako mama. Good night po ma.
📞📞📞📞🇵🇭🇺🇸
Makalipas ang ilang minuto ay tumawag ang mama ni Bea sa Amerika para kausapin ang ate nito.
Cham: hello???
Bea's Mom: Hello Cham anak?
Cham: hello Ma?!? Oh kamusta na po? Napatawag kayo ma?
Bea's Mom: Anak, may itatanong ako kasi si Bea para daw nakita niya si Wade dito sa pinas kanina sa may simbahan. Nakauwi na ba sila ng Pinas anak?
Cham: Naku ma hindi ko po alam. Bakit natatakot po ba si Bea?
Mom: Hindi naman at kasama din niya kanina si James tapos sinabi ko wag na nga mag intindi. Naaawa ako sa kapatid mo, alamin mo nga sa bagay kung andito mas okay at malapit na kami makauwi dyan. Pero paano siya nakalabas ng kulungan dyan?
Cham: Kaya nga po mama imposible po yun talaga. Alamin ko po mamaya kay papa.
Mom: O sige anak, si Kyle kamusta naman dyan?
Cham: Ito ma tulog pero galaw na po ng galaw malapit lapit na po ito magising.
Mom: O sige na anak at umidlip ka habang tulog si Kyle matutulog na muna ako ha.
Cham: Sige po mama, ingat po.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (social serye)
RomanceBased on true event Love story of James and Bea. Enjoy Reading.