Clarence’s POV
Nakakainis naman bad timing man ito sakit ng ulo na susuka pa ako, hala baka buntis ako, stupid idea again Clarence, pero argggggghhhh ang sakit ng ulo nasusuka pa, speaking of that magsusuka na ako * vomits * ahhh ano ba nakain ko parang ang sama ng pakiramdam ko? Siguro pagod lang ako ngayon. Hay naku.
Inaayos ko na sarili ko at nagpagwapo sa harap ng salamin at lumabas na ako sa CR.
Gosh ang sama talaga ng pakiramdam ko bwesit huh bakit parang nanlalabo paningin ko? Mabubulag ba ako? o sadyang praning lang ako, lumakad ako papunta sa pupuntahan pero ano ang sama ng aura ko ngayon
At bigla nalang ako bumagsak sa lupa
“ yung binata ! tulungan natin” may nakapansin sa akin
“ okay ka lang?” tanong ni concerned citizen
“ okay la - -” *blackout*
- - - - - - - - - - -
Nagising nalang ako sa isang puting kwarto di ko maalala kung paano ako nakapunta ditto pero alam ko na bumagsak ang katawan ko dahil sa masamang pakiramdam, tumutingin ako sa paligid ko nakita ko yung nanay at tatay ko dun sa isang sofa tulog, kawawa naman sila nagalala talaga sila sa akin mahal talaga nila ako pati na rin ang kapatid ko na babae. Hmmm hay naku ospital talaga nakakalungkot na lugar sa lahat.
Nagising si Mama. “ Roberto! Si Aries!” agad naming napatayo yung tatay ko at lumapit kay mama
“ gising na siya” lumapit naman sila mama at papa at kinamusta nila ako. tinanong ko sila kung ano ag nangyari sa akin at akalain mo yung isang lingo akong tulog ang galing parang kahapon lang nuh, sabi ni papa bukas pa daw nila malalaman kung ano daw ang mali sa akin sana hindi masamang balita iyon.
“ sige anak matulog na tayo ha bukas nalang tayo magkwentuhan ah”
Tumango lang ako at nagsimula ulit akong matulog.
ABAKADA’s POV ( bakit ganyan POV ko?)
Hala nakakapagtaka naman si Clarence isang lingo ko na siyang di nakikita nakakamiss tuloy siya wal na nanglilibre sa akin. Author ! Libre mo ako cornetto ( ayaw ko ) bakit naman ( di pa nagbabayad ang selcta sa pagplug mo sa cornetto) geh alis na author ( geh magkain muna ako ng marshmallows sa labas) * lumabas ng pinto si author* by the way I miss my bestfriend san na kaya siya, hay naku naman.
I MISS HIM I MISS MY BESTFRIEND
- - - - - - - - - - - - - -
Clarence’s POV
Magandang umaga sa inyo. Kakagising ko lang at kumakain ng almusal na libre ( libre? San san yan?) author talaga oh basta pagkain oh ( masarap eh ganyan ka din ah) oo na parehas tayo haha lamon tayo author. Kasama ko dito yung mga magulang ko
Nang bigla pumasok yung doctor ko.
“ Doc. Barameda kamusta yung anak ko?” tanong agad ni Mama
“ I’m got the result from the laboratory a while and it seems that your son got a serious and deadly disease”
“ ano po Doc? May sakit ang anak ko?”
“ your son has an acute leukaemia” direstsahan sagot ng doctor sa amin nagulat si mama maski din ako nagulat sa sinabi niya ibig sabihin niya mamatay na ako?
“ magagamot ba namin siya?” tanong ng tatay ko
“ I’m sorry pero nasa acute stage na ang sakit ng anak niyo, wala na po tayo magagawa para sa kanya kundi ang samahan siya sa kanyang mga huli araw dito sa mundo o humingi ng himala sa Diyos”
“ mamatay na ba ako doc” kalmadong tanong ko sa doctor
“ oo iho mayroon ka nalang 4 o 5 buwan para mabuhay kung sosobra pa dun ay maswerte ka ngunit taksil ang sakit nay an pwede ka niyang patayin anumang oras” nanlulumo naman ang mga pangyayari dito parang gusto ko na mawala na parang bula ansakit din nito sa aming lahat.
“ ganun po ba? Pwede na ba akong lumabas sa ospital na ito?”
“ maari ka nang umalis dito sa hospital na ito mamaya pasensya na p osa masamang balita na naihatid k osa inyo, alagaan mo ang katawan mo iho.”
Ang sakit ng katotohanan diba, mas maganda na iyon kaysa sa isang araw ay bigla akong babagsak sa lupa at mamatay ng di ko nalalaman kung bakit ako namatay diba.
Pero di ako nanatakot na mamatay its a part of the cycle may nabubuhay may namamatay normal na normal I know na may magandang rason ang nasa itaas kung bakit nagkakaganito kami.