Other Characters:
Romeo Sanchez &
Rowena Sanchez as her parentsRiko Sanchez (Kuya Iko)
Romel Sanchez (Kuya Omel)
Ronie Sanchez (Kuya Onie) as her brothersEnrique Gil as Toniel Ralph Perez (Ton-ton) -childhood friend of Roanna
------------
Finding My Everything.
Roanna's POV
"Oh bunso ok ka lang? Hahaha!" Tawa ng kapatid kong si Kuya Iko, sya ang panganay. Lagi kasi akong pinagtitripan ng mga Kuya ko palibhasa ako lang ang babae sa aming magkakapatid.
"Ano ba Kuya pinagtitripan nyo na naman ako. Ako na nga 'tong nasaktan. Hmp, bahala kayo dyan!" Inis kong sabi kina Kuya Iko.
Bumababa na ko kasi andito na pala kami sa bahay, kakadeliver lang ng mga bulaklak dahil nga may flower shop kami kaso nga lang mahina ng konti. Kaya ayun mahirap lang kami pero di ko yun ikinahihiya.
"Hahaha! Oo bahala na kami! Hahaha!" Natatawang sabi naman ni Kuya Omel sya ang pangalawa sa amin.
"Mga Kuya naman eh! Isusumbong ko kayo kina Tatay!"
"Ok ikaw bahala! Hahaha!" Tawang tawa naman ni Kuya Onie yung pangatlo samin. Kakainis talaga sila!
"Tatay oh sina Kuya tinutukso na naman ako." Pagsusumbong ko kay Tatay Romeo o kilala bilang si Mang Meo sa amin.
"Hoy kayo ha wag nyo nga awayin si bunso pagnarinig na naman kayo ng Nanay nyo ha lagot kayo. Ibaba nyo nalang yang mga bulaklak para madali tayo." Kakampi ko talaga ang Tatay ko minsan laban sa mga kapatid ko.
"Ha-ha belat kayo! Beh!" Belat ko sa mga Kuya ko at kinuha na ang mga bulaklak sa sasakyan namin
Simple lang ang buhay at pamilya namin. Kahit minsan kinakapos kami ay di kami titigil sa pagkakaroon ng pagtutulungan sa isa't isa dahil kahit anong mangyari isang pamilya kami at walang makakapaghiwa-hiwalay saamin. Kahit merong mga problema kaya namin yung harapin bastat lagi kaming magkakasama ayos na samin yun dahil walang problemang hindi nalampasan ng aming pamilya dahil matatag ang pamilyang Sanchez! Bow. Joke!
"Bunso, ok ka lang ba? Parang tulala ka?" Gulat ko kay Tatay
"A-ah w-wala po. Ok lang ako. May iniisip lang."
"Sigurado ka 'nak? Basta pag kailangan mo ng kausap andito lang kami ng Nanay mo ha?" Aww ang sweet ng Tatay ko
"Opo."
"Oh sya tara na sa loob, baka hanapin tayo ng Nanay mo." Pumasok na kami sa loob at sumalubong samin si Nanay Rowena
"Oh Tay, Roan saan kayo nanggaling? 'Bat ang tagal nyo pumasok?" Tanong ni Nanay habang naghahayin ng hapunan
"Ah galing lang po sa labas may pinag-usapan."
"Ahh oh sige, halina kayo dito at kakain na Iko, Omel at Onie." Nanay
"Opo!" Sabay sabay nilang sabi
"Magandang gabi po!" May isa namang sumingit at si Ton-ton yun ang kababata ko. Magkaibigan na kami simula nung bata pa kami nung lumipat kami dito sa Maynila. Lagi ko syang kalaro dahil ang mga Kuya ko ang laging magkakabarkada. Si Ton-ton ay marunong sumayaw at mag-rap.
"Anak sino yan? Ayy, Ton-ton ikaw pala halika sumalo ka na dito." Umupo sya sa tabi ko at kumain.
"Roan kamusta ka na?" Roan ang palayaw nya sakin dahil sobrang haba daw ng Roanna. Ang arte talaga nito! Hahaha!
"Ok naman." Simple kong sagot dahil kumakain ako
"Ahh, oo nga pala may bago na kong dance steps para sayo!"
"Talaga!? Hindi ako interesado." Tamad kong sagot dahil ang sama ng pakiramdam ko. Nakita ko si Ton-ton at nawala ang ngiti sa mukha nya sa narinig nya.
"Roanna!" Sigaw ni Nanay
"Ton-ton pagpasensyahan mo na si Roan masama lang siguro mood nyan." Oo nay masama ang pakiramdam ko. Ahhh!
"Nay, Tay, Ton akyat muna ko sakit kasi ng ulo ko!"
Tumingin ako kay Nanay at umiling na lang sya. Si Ton-ton naman nakatingin lang sakin.
"Sige Roan pahinga ka na. Bukas na lang uli. Goodnight!" Ton-ton
------------
Pagdating ko sa kwarto ko ay humiga ako at pinipilit ipikit ang mga mata ko. Nang sa ramdam ko ang antok at napapikit nako...Nandito parin ako sa likod nya
At sa lapit ko ay malapit na syang humarap
Sana makita ko na talaga sya
At iyon nga unti-unti na syang naharapAyan na...
Malapit na...
Nang sa...
*kring kring*
Boom! Ano ba yan! Hindi na naman natuloy yung panaginip ko. Lagi na lang eh wrong timing. Kakainis! Haharap na sya eh! Hayaan ko na nga sa susunod na lang. Kailangan ko na maghanda para sa Charity event namin.
------------
Happy Reading!
Comments & Votes?
Enjoy the next chapters!
xoxo,
-Miss Loner
BINABASA MO ANG
Finding My Eveything
FanfictionRoanna Sanchez, a girl with a dream to have a good life and specially a good love life. Join her on finding her true one... -Miss Loner, xoxo