San ka ba nagkamali?

8 0 0
                                    

Yan ang unang tanong ng mga nasasaktan. Saan nga ba? Maghahalungkat ka ng mga alala sa isip mo tapos hahayaan mo control ng utak mo ung nararamdaman mo, sisisihin mo ang sarili mo kung bakit mo yun ginawa. Eh bakit nga ba?

Hihiga ka sa kama mo, na para bang ikaw na yung pinaka masamang tao sa mundo dahil ang tanga tanga mo para iwan yung taong mahal mo. San ka nga ba nagkamali?

Nagkamali kaba dahil minahal mo siya? Nagkamali ka ba ng paraan ng pagmahal sakanya? O mali lang talaga, kasi hindi kayo para sa isa't isa?

Tuwing iniisip yung mga dahilan kung bakit mas lalo ka lang nasasaktan. Mas lalo ka lang nahihirapan kaka tanong ng mga tanong na nakalipas na. Mga tanong na sana noon mo pa naitanong sa sarili mo pero tapos na. Ngayon, maghahabol, maiinis at mahihirapan ka. Kakapilit sa tanong nkung bakit?

Hindi mo alam anong dapat gawin, matutulala ka nalang sa sulok at wala kana ibang gusto kausapin kundi sarili mo. Ano nga bang mali kasi?

Pano ba maging masaya?Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin