Way back in time
Former Callendara
A story by Ruru Madrigal
~~*~~
Ang masayang pagsasama ng dalawang nag-iibigan ay nauwi sa isang malungkot na pagtatapos
Dahil sa isang pagkakamali
Nawasak ang pagmamahalan na pinagtibay ng panahon
****
Madilim ang buong silid. Nagkalat ang mga gamit sa buong paligid
Maraming basag na kagamitan
Para itong dinaanan ng malakas na bagyo
" Callen, pagbuksan mo naman kami ng papa mo. Ilang araw ka ng nagkukulong dyan " kanina pa siya tinatawag ng kanyang mga magulang. Kanina pa sila kumakatok sa pintuan ng condo niya pero hindi niya pinagbubuksan ang mga ito. Hindi niya pa kayang harapin ang realidad.
" Son, I know that you're in pain and we are here to help. Maawa ka na din sa mama mo " pagsusumamo ng kaniyang ama pero parang wala siyang naririnig. nakaupo lang siya sa gilid.
Tulala. Wala sa sarili. Magulo ang buhok at dalawang araw na niyang suot ang itim na T-shirt na suot suot niya.
Nilamon na siya ng kalungkutan at sakit na kanyang nararamdaman " ngayon ang libing ni Dara hindi kaba pupunta? " malungkot na sabi ng kanyang mama.
Nang marinig niya ang pangalan ng babaeng inibig niya buong buhay niya ay bumalik nanaman ang mga alala niyang kasama ito.
****
Ang dalawang bata ay masayang naglalaro sa park
Gumagawa sila ng palasyong buhangin
" Dara, paglaki natin gusto kong tumira tayo sa isang malaking malaking palasyo. Ikaw ang reyna at ako naman ang hari " sabi ng batang lalaki sa kalaro nito
" Gusto ko yan Callen. Pinky promise? " Nilahad ng batang babae ang maliit ng daliri tsaka sila ng pinky promise
" Promise " niyakap siya ng maliit na batang babae
Masayang masaya sila ng mabuo nila ang palasyong buhangin
" Yehey! Tapos na natin ang palasyo natin " Masayang sabi ng batang Callen
Hinalikan siya ng batang dara sa pesngi.
Nabigla siya sa ginawa ng kalaro at hindi niya napigilang mapangiti" Habulin mo ako Callen "
" Nandyan na ako "
Masayang naghabulan ang dalawa
Masayang Masaya
****
" Yaaaaaaah " sigaw niya sabay suntok sa pader. Ilang beses niyang sinutok 'to. Hindi man lang niya ininda ang ang duguan niyang kamay.
Hindi niya maramdaman ang physical na sakit
Dahil mas masakit ang nararamdaman niya sa kaloob looban niya
His heart is in pain.
He's dying inside.Sobrang sakit! Hindi niya mapigilang mapaluha sa mga alaalang bumalik sakaniya
Dinudurog nanaman ng pinung pino ang puso niya
" Nak, anong nangyayari dyan? Buksan mo naman kami. Maawa ka na samin " pagmamakaawa ng kaniyang ina. Napapaiyak na din sila. Alam nila kung gaano kamahal ng kanilang anak ang kasintahan nito. Saksi sila sa sa pagmamahalan ng dalawa. Alam nilang hindi madali kay callen ang nangyari
BINABASA MO ANG
Way back in time ( Oneshot )
Short StoryBinigyan ng pagkakataon si Callen na baguhin ang nakaraan para tuluyang mawala ang sakit na kanyang nararamdaman Ngunit ang kapalit nito'y ang pagbura ng ala-ala niya kasama ang babaing pinakamamahal niya na si Dara Babaguhin kaya niya ang nakaraan?