Maagang pumunta ng simbahan sina Tiya Isabel at Maria Clara.
Pagkakain ng agahan ay nanahi si Maria Clara habang si Tiya Isabel ay naglinis ng mga kalat kagabi. Si Kapitan Tiyago ay may mga tinitingnang kasulatan. Halatang kinakabahan si Maria Clara tuwing may naririnig na dumaraang sasakyan. Pinayuhan ito ng ama ng magbakasyon upang bumalik ang kulat nito sa mukha.
Si Tiya Isabel ang nagmungkahi na sa San Diego pumunta dahil malapit na ang pista sa bayang ito.
Sinabihan ni Kapitan Tiyago na hindi na babalik sa beateryo si Maria Clara.
Biglang pumasok si Maria Clara sa kaniyang silid nang marinig niyang dumating si Crisostomo Ibarra.
Lumabas lang siya pagkatapos mag-ayos ng sarili.
Nagkatitigan sila ni Ibarra bago pumunta sila sa asotea para maiwasan ang lumilipad na dumi sa paglilinis ni Tiya Isabel.
ang iwasan ang alikabok na nililikha ni Isabel. Tinanong Maria si Ibarra, kung hindi siya nalimutan nito sa pangingibang bansa dahil sa maraming magagandang dalaga roon. Sinabi ni Ibarra na siya ay hindi nakakalimot. Katunayan anya, si Maria ay laging nasa kanyang alaala.
Sinabi ni Ibarra na hindi siya nakakalimot at naisumpa niya na si Maria Clara lamang ang pakakasalan niya.
Si Maria Clara rin ay ngpahayag na kahit anong payo sa kaniya ng kaniyang padre kumpesor na kalimutan ang binata ay hindi niya sinusunod.
Nagpakitaan sila ng mga bagay-bagay na ibinigay nila sa bawa't isa noong huling sila ay magkita. Si Ibarra ay inilabas ang natuyong dahon ng sambong habang si Maria Clara ay ang sulat.
Binasa ni maria Clara ang laman ng sulat na siyang nakapaalala kay Ibarra na kinabukasan ay undas na at kailangan niyang maghanda.
Bago umalis si Ibarra ay nagbilin si Kapitan Tiyago para sa mga nag-aalaga ng kanilang bahay sa San Diego.
Pagkaalis ni Ibarra ay pumasok sa silid si Maria Clara at umiyak.