Kiarra's POV
On the way na ako sa hospital. Baka kasi may sakit ako sa puso e. Atleast kung meron man mapag hahandaan ko diba. Pagdating ko dun hinanap ko agad yung office ng family doctor namin. Ou may family doctor kami. Bakit di ko nalang pinapunta sa bahay? Wala lang, baka kasi andun sila mom atsaka baka kasi may sakit nga ako e. Ayoko nga sabihin sa pamilya ko. Mag a-alala lang sila. Ayoko ng ganun.
Tok-Tok-Tok
"Pasok."- Dr. Villafuerte
"Ahh. Hi doc*smiles* "- ako
"Oh, iha? May sakit ka ba? Bakit pumunta ka pa? Sana tinawagan mo nalang ako para pumunta sa inyo at i-check ang lagay mo." - Dr. Villafuerte
Ano ba yan. Edi nalaman nila mommy na may sakit nga ako pag siya ang pumunta. psh ayoko ngang sabihin eh.
"Doc, may itatanong lang po kasi ako." -ako
"Ano ba yun iha? " -Doc
"Ano po ba ang mga sintomas ng sakit sa puso?" - ako
"May sakit ka sa puso? Ano ba nararamdaman mo?" -d.
"Kasi po kanina habang may kausap ako bigla nalang bumilis ang tibok nito tapos parang lalabas na siya sa bilis."- ako
napangiti si Dr. Villafuerte. OMO! Baka may sakit nga ako at natutuwa si doc doon? Pero bakit siya matutuwa? Ay ewan!
"Iha, babae ba o lalaki ang kausap mo?" - siya
Bat naman niya natanong pati kausap ko tinatanong pa. Eh ano naman ang pakialam nun sa sakit ko?
"Lalaki po doc"- ako
"Iha, wala kang sakit. Sa mga sinabi mo nakikita kong may iba sayo. Parang inlove ka. Ay hindi pala parang. Inlove ka talaga!" siya
Ganito mukha ko nung sinabi ni doc iyon. ⇨ O___O
*WHAT?! KANINO? KAT CHUMS!? AMPUTS! MAY GIRLFRIEND YUN EH! *
*SO? Hindi naman porket may girlfriend siya eh hindi ka na pwedeng ma inlove ka sa kanya.*
*Eh hindi nga pwede kasi ako lang ang masasaktan.*
*Edi iwasan mo muna siya! Para naman mawala yang feelings mo sa kanya.*
Wait! Kaya ko ba yun?! Eh nung hindi nga lang siya nag paramdam namiss ko siya agad e!
*Kayanin mo!*
"Iha?"- Doc
"Ha? Doc may sinasabi po kayo? " - ako
"Sabi ko wala kang sakit. Kaya wag ka ng mag alala iha."
" Ah, cge po doc. Mauna na po ako."
"Cge iha. Mag ingat ka. Mamahalin ka pa ng mahal mo." Sabi niya sabay tawa ng malakas.
Hala, nabaliw na ata si doc. Bat naman siya tatawa? o_O
Maka uwi na nga lang. Baka hinahanap na ako sa bahay e. Kung meron man. hahaha. Wala e. Baliw din ako minsan kaya wag na kayong magtaka.
Paglabas ko, sakto naman papasok si Thyrone (chums) Hala! Bakit nandito siya?
lub-dub lub-dub lub-dub lub-dub lub-dub lub-dub
" Chums? Anong ginawa mo dito? Kaya ka ba nag mamadali kasi pupunta ka dito? May sakit ka ba? Sana sinabi mo nalang. Para naman nahatid kita."- sabi niya with concerned eyes.
"Ahh. Hindi. Dinaan ko lang yung family doctor namin. May pinasasabi kasi si mom." Ako sabay yuko. Baka malaman nyang nagsisinungaling ako eh.
﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏
A/N: Yung mga naka italic yun yung iniisip ni Kiarra. Yung may bold italic at italic yun yung nag aaway yung isip niya. Bold Italic is right side of her mind and yung italic naman is left side. Owkie?!
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove with My Facebook Bestfriend
RomanceThis is my first ever one shot story. So I hope you guys will like this.