Narcissist Love

37 0 0
                                    

"Ang ganda mo talaga sissy! Pak na pak ang beauty mo." puri sa akin ng baklang make-up artist habang nilalagyan ako ng korolete sa mukha.

Ngumiti ako ng tipid dito,"Thank you."

"Grabe. Maria clara talaga ang peg mo sissy. Nasa iyo na ang lahat." nililigpit na niya ang mga gamit dahil tapos na niya ako lagyan ng lipstick na kasing pula ng kanyang suot na contact lense.

Hindi ko tuloy maiwasan titigan ito. Ang weird lang.

"Thank you. Ikaw din naman maganda, normal lang naman ang mukha ko." nahihiyang sabi ko dito at sinipit ang buhok sa aking tenga.

"What? Nahihibang ka na ba sissy? Kailangan ko bang ulitin na halos lahat ng lalaki dito sa showbiz may gusto sa'yo. Takot lang nila sa fans nila dahil may kalove team na ang mga ito. Pero I tell you sissy, alam ko ang tingin na binibigay nila sa'yo." nakahawak pa siya sa dibdin niya at madramang nagsasalita.

Tumungo ako at ngumiti ng malapad,"I know even if you didn't tell me." bulong ko sa aking sarili.

Tumunghay ako at ngumiti sa kanya ng matamis at saka nilagay ulit ang buhok ko sa aking tenga,"Talaga? Pero hindi mo na naman kailangan pagaanin ang loob ko." malumanay na sabi ko dito.

Hinawakan niya ang baba ko at hinarap sa kanya, "Enough! Just listen to me, hindi ko ito sinasabi para pagaanin ang loob mo. As your sissy, I'm telling the truth. You're beautiful, okay?"

Nahihiyang tumango ako, "Okay."

"I'm so excited for you sissy. 10 minutes na lang magaganap na ang interview mo kasama si Deon."

Deon is my loveteam partner. And honestly, nasusuka ako sa mukha niya.

"Talaga? Si Deon? Gwapo niya ano?"

Napairap ako ng tumalikod siya at nasusukang umarte. "Sinabi mo pa sissy, crush ko nga ang lalaking yun pero don't worry hindi ko naman siya aagawin sa'yo."

I don't care kung agawin mo siya. Kung gusto mo ipalunok ko pa siya sayo ng buong-buo.

Nagtataka talaga ako ng ipartner nila sa akin si Deon. Seriously, sa ganda kong ito, siya makakalove team ko.

Yuck lang. Okay lang kung wala na akong love team love team na yan. Sikat pa rin ako. Eh siya? Aba nakikibitin lang sa kasikatan ko. Kapag nawala ang love team namin malalaos na yung taong yun habang ako maraming oppurtunities na ibibigay sa akin.

Isa pa, dapat pumili sila nang maayos ayos ang mukha. Yung tipong kapantay ng alindog ko. Hindi mukhang patapon. Kamukha nga niya ang kuko ko sa paa. Pwe, mas maganda pa pala kuko ko dito. Lahat nang parte ng katawan ko maganda.

"Kung gusto mo ireto kita sa kanya. Mukha namang bakla yun." pabulong na sabi ko. Ayaw ko talaga sa lalaking yun period. Sa tuwing nakikita ko ang picture namin magkasama nasusura ako. Wala siyang karapatan dikitan ang isang tulad ko. I'm Katnice Virrey and I deserve the best.

"Ano sabi mo sissy?" humarap ito sa akin at sinuot ang kwintas sa aking leeg. Nasa likod ko siya kaya napairap na lamang ako sa kawalan, "Ah, wala. Sabi ko kung gusto mo siyang mameet? Mukhang fan na fan ka nya. Hindi kasi kayo nagkikita sa backstage tapos hindi mo pa siya malapitan. And as your friend, I'm here to help you, si-sissy." Muntikan na akong masuka nang banggitin ko ang sissy. Yuck, kadiri lang parang sisig.

Mabilis siyang pumunta sa harapan ko na nagniningning ang mga mata, "Talaga?! Napakabait mo talaga sissy! Omg! Now I know kung bakit ka tinuring na "Queen Generousity" ng mga fans mo. Alam mo akala ko dati mataray ka pero nagkamali talaga ako napakabait mo hindi lang yun dahil sobrang humble mo din."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Narcissist LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon