Zoe's POV"Okay2x... I'm on my way, medyo traffic lang kaya matatagalan ako... o sige2x...bye girl" ugghhh.. ano ba to! kailan ba mawawala ang problema sa traffic dito sa Pilipinas?! nakakastress... By the way highway, ako nga pala si Zoella Jane Montenegro, you can call me Zoella or Jane but I prefer Zoe. I'm already twenty and I'm studying at THE "St. Catherine University", but since summer ngayon, pachill-chill muna ako ngayon. Yung traffic lang dito sa EDSA ang pinoproblema ko. Atsaka kanina pa kasi tawag ng tawag ang bestfriend/cousin ko na si Zendaya, aattend kasi kami ng birthday party sa isang sikat na bar *winks* at dahil masipag magdrive si Zendaya *note the sarcasm*, kailangan ko tuloy siyang sunduin.
"Antagal mo naman girl, kanina pa ako nilalamok dito" sabay bukas ng pinto g kotse.
"Traffic nga kasi eh... atsaka sino bang nagutos sayo na sa labas ka ng bahay ninyo magantay? eh ang laki-laki ng bahay ninyo may aircon pa. dun walang kalamok-lamok"
"Che! ayaw ko dun, baka magbago pa ang isip nina kuya at hindi ako papatuluyin" *pouts*
"Yuck!kadiri.. hindi bagay sayo ang magpout. Kamukha mo na yung pwet ni Donald Duck, ay hindi pala! cute pala yung pwet ni Donald, ikaw panget!...hahahaha"
"Alam mo?! hindi ko talaga alam kung magpinsan ba talaga tayo! ansama-sama mo kasi!!! mag-drive ka na nga lang jan..."
*Sa parking lot ng isang sikat na bar*
"ayon Zoe oh, may space dali!! baka maunahan pa tayo" pinaandar ko na ang sasakyan papunta sa parking space na sinasabi ni Zendaya ng-------
*Sscccrreeeetttccchhhhh*
"SHIT"
"Ano bayan! siya na nga yung ng agaw ng space, siya pa yung namamangga.. grrrr" sabay labas sa sasakyan. Pinuntahan namin yung sasakyan na nakabangga sa amin para makausap ko yung may-ari. Aba! bagong bili pa kaya yun ni daddy...
*tok tok tok*
"hoy mister whoever you are, pwede bang lumabas ka jan!! tingnan mo nga ang----" hindi ko natapos ang dapat na sabihin ko dahil lumbas ang napaka-gwapong lalaki, siguro siya na ang pinakagwapong nilalang na nakita ko!! OMG!! his eyes are very captivating, pointed nose, kissable lips and pinkish and kissable lips...OMG!! parang.....ahhhh wala na talaga akong masabi kundi ang PERFECT niya!! *iling-iling* no, hindi to puwede may kasalanan pa ang gwapong nilalang nato sayo Zoe, kaya mamaya na yang pagpapantasya mo!!!
"done checking me out.....miss?"
"duh! ang kapal talaga ng mukha mo! akala mo naman kung sino kang pogi! hindi naman! alam mo ba kung ano ang ginawa mo?!!"
"Zoe hali kana. maghanap na lang tayo ng ibang parking space" sabay hila ng aking kamay na para bang takot na takot.
"ano ba Zendaya! I have to deal with this man!"
"ehh Zoe hali ka na. siya na ang naka-park eh" pagpipilit sa akin ni Zendaya
"okay lang naman pala sa kasama mo miss, kaya makakaalis na kayo"
"ano, aalis?! bayaran mo muna ako! kahit nagkagas-gas lang ang sasakyan ko, mahal pa rin yon! atsaka bagong bili pa kaya yon ni daddy"
"magkano ba ang pagpapaayos sa sasakyan mo miss? I'll just give you my calling card para macontact mo ako" gossh!! gwapo nga,saksakan naman ng yabang!!grrr.. akala mo kung sino.
"calling card?! really?! ang sabihin mo tatakasan mo lang ang kasalanan mo dahil hindi mo ako kayang bayaran. atsaka ang bastos mo rin no? alam mo namang ako ang dapat magpapark pero inagaw mo pa rin. ang kapal mo talga! akala mo naman kung sino kang makapangyarihan."
"really miss? sa tingin mo hindi ko mababayaran ang simpleng gasgas ng iyong sasakyan? I think you don't know who I am, don't you?"
"simpleng gasgas, wow ha?! atsaka, wala akong pakealam kung hindi kita kilala. eh bakit? sino ka ba?"
"so hindi mo talaga ako kilala? kahit namumukhaan man lang?" hindi lang siya mahangin saksakan pa ng kulit. hindi ba marunong umintindi tong tao nato?
"hindi nga sabi eh! itatanong ko ba kung alam ko?!duh!"
*clear throat* "I'm Zachary Esqueza the only heir of the famous Christian Esqueza, the owner of the Esqueza Empire. I hope kilala mo na ako miss. So, if you don't mind, I have to go. I think you alredy know how to contact me. Have a good night miss...oh, before I forgot, kindly close your mouth, baka kasi pasukan ng lamok or worst langaw" OMG!! nakakahiyaaa!!!!
"grrrr...ZENDAYA!!!! bakit hindi ko siya kilala? bakit hindi mo sinabi na siya pala si Zachary Esqueza. alam mo namang hindi ako updated pagdating sa business world, kahit anak ako ng may-ari ng Montenegro Empire!!!nagmukhang tanga tuloy ako!!!grrr"
"hoy! for your information Zoella Jane Montenegro, kanina pa kita pinipigilan pero ayaw mo namang magpaawat,ayan tulong napahiya ka!hahahaha *clear throat sabay gaya ng boses ni Zachary* BEFORE I FORGOT, KINDLY CLOSE YOUR MOUTH, BAKA PASUKAN NG LAMOK OR WORST LANGAW!hahahaha *sabay hawak sa kanyang tyan* sana nakita mo yung mukha mo Zoe! ang epic, sayang hindi ko nakunan ng picture atsaka kasalanan ko bang hindi ka mahilig bumasa o manuod ng news tungkol sa business"
"oh ano naman kung ganon? ang boring kaya! tapos pagtatawanan mo pa ako?tara na nga, for sure kanina pa tayo hinahanap nina Shantal"
*sa loob ng bar*
"OMG! giiirrl! ang swerte swerte mo!" sabi ni Melody ang isa sa mga kaibiga namin ni Zendaya
"duh?! anong nakakaswerte dun? eh ang kapal ng mukha nun"
"Naku! girl alam mo bang hindi basta basta yang si Zach? hindi lahat ng taong nakakasalamuha niya ay kinakausap niya. atsaka he's a very private person kaya mas nakadagdag ng pogi points...kyaahhh.." sabi naman ni Shantal
"eh ano naman kung ganun? atsaka serious type? duh I bet he's soooo boring dahil ang mga taong sobrang seryoso BORING"
"sus! ewan ko sayo Zoe. kung sa aking nangyari yon, malamang sa malamang hinimatay na ako ng dahil sa sobrang kilig!!! kyyaaaahhhhhh!!" sabi naman ni Kendall.
"sorry na lang kayo girls dahil sa aking nangyari ang gusto ninyong mangyari sa inyo. pero kung pwede ko lang ibalik ang nangyari kanina, hinding-hindi ko talaga siya papatulan o kakausapin man lang as in NEVER!!"
"if I know kinikilig ka na Zoe pero tinatago mo lang dahil he's too serious, aminin mo na kasi na kinikilg ka...hahahahaha" sabay sundot sa aking tagiliran
"tumigil ka nga Shantal! hindi ako kinikilig at never yun mangyayari dahil hindi ko type ang mga katulad niya!"
"naku couz, huwag kang magsalita ng tapos! baka kainin mo lang yang mga sinasabi mo. malay mo isang araw paggising mo inlove kana sa kanya..hahahaha" pangaasar naman ni Zendaya
"ewwww!!kadiri!! alam niyo, kalimutan na lang natin ang nangyari kanina. Let's just party girls! nandito tayo para eenjoy at ecelebrate ang birthday ni Shantal at hindi para bwisitin ako!!"
"eh kung yan ang gusto mo!! so cheers for my another years of existance?" sabi ni Shantal habang tinataas ang kanyang baso.
"Cheers!!" we all said in chorus
====================================================================================
*end of chapter one*