Just a REALIZATION

366 14 18
                                    

Ang tanga ko kasi ngayon ko lang siya na-realize. Alam mo yung mapapangiti ka na lang kasi ang galing-galing ni Lord. Yung hindi mo siya napapansin pero unti-unti na-a-achieve yung gusto mo. Yung magigising ka na lang, abot kamay na yung pangarap mo. Tapos when you look back those tiny bits of blessings that God gave you, connect the dots mo lang makakagawa ka na ng bridge towards your goal. Ang galing Niya.  Grabe!

Ang saya ko lang kasi ngayon lang siya nag-sink in. Akalain mo, 5 years of BSPT (Bachelor of Science in Physical Therapy) natapos ko? Kahit hindi siya ang first choice ko. Actually hindi ko alam na may ganyan palang course. Ang gusto ko kasi is Fine Arts. Gumawa ng libro, or mag-trabaho sa Pixar o Walt Disney, alam mo yung gagawa ka ng mga animated movies like Despicable me yan ang mga gusto ko. Pero due to some circumstances na nangyari sa family ko, lalo na nung nagka-stroke si Papa- dun pinakilala sa akin si PT. Mahirap tanggapin at pag-aralan ng 5 taon yung kursong ayaw mo. Mapapa-iling ka na lang sa mga ‘scientific terms’ tulad ng epistaxis eh jusko ‘nosebleed’ lang pala ang ibig sabihin niyan.

Syempre Premed yun, natural lang na abot langit ang tuition fee ko. My God, saan kami kukuha ng pang-tuition? Ilang bombay din yung inutangan namin para lang maitawid ang mahigit 60libo kada sem. Depende pa yan per level. Habang tumataas lalong nagmamahal. Suking-suki na nga ako sa promissory note. Nagka-trauma na nga ako kapag nakakarinig ng ‘enrollment’. Naiinggit ako sa mga kaklase ko kasi sila, kaya nilang bayaran ng isahan lang. Kami, hindi.

First 3 years ko puro promissory note, sumubok din ako ng mga scholarship kaso laging palpak. Then 4th year ko, nag-try ulit ako mag-apply for scholarship, sabi ko last na ‘to. Kung wala talaga, drop out na ako. Over 70k na ang tuition ko that time tapos pumapasok pa ako sa klase kahit hindi enroll. Lakas ng loob ko no? 1 month din akong ganyan, labas-pasok ng school, gumagamit ng mga facilities kahit hindi enrolled.

29, June 2011, araw ng Miyerkules. Pinatawag ako sa Office. Nagulat ako sa balita dahil kick out na daw ako sa school kinabukasan. KINABUKASAN! So meaning, last day ko na pala yun sa school. Hindi ko alam kung saan kami kukuha ng pera pambayad ng tuition fee, kahit 5k lang daw. Te, saan kami hahagilap ng ganun? Gusto ko ngang sabihin na i-drop na nila ako. Pero buti na lang nasalo kagad ako ni Lord, bibitaw na sana ako kaso hindi niya ako pinabayaan. Nabalitaan ko hinahanap din pala ako ng ADMIN, wanted na pala ako doon. So, naglakas loob akong pumunta. For interview na pala ako!

To make the story short, na-approve ang SCHOLARSHIP ko! At first, 50% then, ginawang 75%. Eh, tinanong ako kung enrolled na ba ako, sabi ko ‘Sir, ma-ki-kick out na po ako bukas’. Akala ko magagalit siya kasi sinabi ko, pumapasok ako sa school na hindi pa enrolled. Natawa siya, tapos instead na 75% ang scholarship ko. Binigyan niya ako ng 100% full scholarship! 100% FULL SCHOLAR! Gusto ko sanang sabihin kung may hidden camera sila baka wow mali lang ‘to. Pero totoo pala yun. Ang maganda pa, yung scholarship kong iyon eh, until graduation ko. From 4th to 5th yr LIBRE ako! Wala ng babayaran, papasok na lang ako ng skul. Ganyan kagaling ni Lord. Mantakin mo, one day lang yan. Instant enrolled kagad ako. Mukha nga akong sira, simula sa pagkuha ng reg form hanggang papunta sa classroom namin ay umiiyak ako. Ang galing talaga, kasi that time, wala kaming klase, late ang professor namin. Dumating lang siya after ako ma-enrolled. Ang galing-galing talaga. One time big time ang binigay niyang blessing sa akin.

At ngayon, eto nakapagtapos na. Isang kembot na lang at makukuha ko na ang lisensya ko. Konting tiis pa, konting pagbabasa at pag-re-review para maipasa ang Board Exam. Ilang steps na lang at malapit na ako. Ang nakakatawa nito, nung bata ako, eto pala yung gusto ko. Ngayon ko siya na-realize. Ngayon lang siya nag-sink in. Kasi dati hindi ko alam kung anong tawag sa trabahong yun, basta ang alam ko nagpapa-exercise siya. Yun lang. So, abot kamay ko na pala siya.

Kaya ikaw na nagbabasa nito. Sana huwag mawalan ng pag-asa. Isinulat ko ito, para may paghugutan ka ng lakas ng loob. Isipin mo hindi lang ikaw ang namomoblema. Lahat tayo may problema. Mas mabigat pa sa pinoproblema mo. Kaya huwag kang busangot. Instead, mag-pray ka. Maghintay at laging sumunod sa Kanya.

Only GOD knows.

Susuko ka na kung saka patapos ka na?

Just a REALIZATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon