"Hala ate May kinakabahan ako! First time ko lang dumalo nang pulong dito! Nakakahiya." paulit-ulit na sabi ko kay ate May habang papasok kami sa kapilya.

Andito kasi kami ngayon dadalo ng pulong nang bawat grupo. Isang pulong na binubuo nang dalawang kalaseng grupo ng lahat ng mga kabataan.

Di naman sa hindi ako dumadalo sa ibang kapilya sa ibang lugar, kundi dahil first time kong dumalo ngayon dito sa lugar kung saan ako ngayon nag-aaral nang kolehiyo.

Kinakabahan ako. More of nahihiya siguro ako. Hindi kasi ako sanay. At mahiyain ako di lang talaga halata. Hahaha.

"Ano ka ba Demi. Di lang naman ikaw ang first time eh. Ako rin. Tsaka syempre ngayon lang ako nagkaroon ng kasama, kaya ngayon lang din ako nakapunta." sumbat naman ni ate May.

Well siguro wala naman na kaming magagawa. Uupo na lang kami sa mejo bandang likod ng mga upuan. Halos kami lang naman kasi ang magkakilala. As in. Pero may mga kakilala naman kami. Yun lang di close. At kilala lang namin sa mukha.

Nagsidatingan na tin yung mga kaedaran namin. Mapalalaki man o babae. Lahat kami nakasuot ng mga dresses dahil nga nasa church kami. At nang maayos na, nagsimula nang umikot ang attendance. At kahit di naman ako dito nakatala, eh nakipagattendance na rin ako.

"Demi Conde.." sambit ko habang dahan-dahang nagsusulat.

Ako si Demi Conde. 17 years of age. Studying Bachelor of Science major in Computer Science at FEU. Hindi FEU as in Far Eastern University kundi Fangasinan Estate University. Aba malay ko sa pangalan nang school namin. Makapag-aral at makapagtapos ako okay na. Eh yun eh kung matatapos ko ng buhay etong course ko! Huehue. At so far naman nakaabot na ako sa second year na dumadanas nang kalunos-lunos na pagtahak sa mateknolohiyang mundo. Chaaar! Hahaha.

Natapos na nga ang pagpupulong at nabasa na ang mga activities at agenda na dapat gawin sa mga susunod na araw. At kala ko dun na nga matatapos. Eh iba pala dito kesa dun samin. Dito kasi sakanila may simpleng short program pa. Na bawat grupo kakanta. Well, di mga oradinaryong songs yun. Christian songs yun. Samin kasi natapos lang, natapos na. Walang kahit ano basta uuwi na. Kaya naman nakakapanibago nga naman talaga.

Unang tumayo yung mga kabataang 18 years old and above pero mga wala pang asawa. At kumanta sila. Ang gaganda nang kanta *O* Sana pala dumadalo na lang ako lagi. Before the song ended, someone caught my attention na talaga namang nakakagulat.

He is tall. Firm. Neat. He has flawless white skin. And he is wearing a reading glass.

Akala ko ahead sya sakin. Akala ko mas matanda sya sakin kasi nga matangkad sya at ang mature nya tho in a way na binatang binata tignan. Ang tagal ko na dito nag-aaral at dito sumasamba pero ngayon lang talaga natuon ang atensyon ko sa kanya.

Nagising na lang ako sa pageeksamin sa kanya nung sinabing kami nang mga 17 years hanggang 11 years old ang kakanta. Hawak ang kopya nang awit ay sumabay na ako sa pagtayo at di nagulat parin sa pagtayo nung lalaki. Di ko alam yung tono nung kanta kasi di naman ako nakipractice dito sa kanila at bago lang sakin to. Habang kumakanta, diko maiwasan na di mapasulyap-sulyap sa kaniya. And it bothers me. Para bang my eyes can't get off him at gusto lang tong titigan magdamag.

Buti na lang natapos na lahat. Naglalakad na kami ni ate May nun nang maisipan kong itanong sa kaniya kung sino yun.

"Ate May, kilala mo ba yung lalaking nakasalamin na matangkad? Yung mejo katapat ko lang din? Halos katabi nila Kuya Proi yun! Tumutugtog yun nung keyboard!" sunod-sunod kong tanong sakanya na nagpakunot sa noo niya.

"Hindi eh, tanong ko na lang si Precious. Bakit? Crush mo? Hahaha." sabi sakin ni ate May. Oh well, aasarin nanaman ako neto. Pero atleast malalaman ko pangalan niya. Iba na talaga may connection! Ahihi.

"Yey! Salamat ate! Hehehe."
At naglakad na kami pauwi sa boarding haus.

-----
VOTE and COMMENT! Thank you!

Stalking Mr. NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon