Black Sheep
A poem written by: jananaaa
***
"Wala kang kwenta,"
minsang sabi ni ina.
"Lumayas ka rito!"
Sang-ayon naman ni ama.
Hindi na ako magtataka
kung ito'y sasabihin nila
'pagkat ako'y isang walang kwentang
anak nila.
"Malas lang nila,"
minsan ko ng pahayag.
"'Pagkat ako'y lumaking
salot sa lipunan."
"Wala ka ng ginawang tama,"
pahayag naman ni kuya.
"Kailan ka pa ba matututo,
Kapag ba kami na'y naging multo?"
Ako na ang masama.
Ako na ang sakit sa ulo.
Ako na ang dahilan ng pag-iyak ni mama,
Pero tao din naman ako hindi ba?
Nagkakamali,
Nasasarapan sa bawal,
Nag-aatubili,
At minsa'y nagiging pusong-bakal.
Ngunit alam ko ang aking limitasyon
Dahil alam ko ang Kanyang tugon.
Hindi naman kasi porke't masama ako,
Hindi naniniwala sa Poon.
Sinulat ko ito hindi dahil gusto ko ng awa,
Kundi dahil gusto ko may matutunan ang mambabasa
Na sa panghabambuhay inyong maalala,
Sa puso't isipan ng bawat isa.
Ilang taon ko na ding dinala
Ang pangalang "masama",
Kasama ang pasakit
At masasamang salita.
Ni sentimo,
Wala akong nakuhang respeto
Galing sa mga taong
Ayaw ang masasamang damo.