Naranasan mo na bang magmahal ng DALAWA??
Yung tipong ansaya saya mo pag nandyan sya
Lalo na pag nakikita at nakakasama mo sya
Na para bang ayaw mo nang matapos nag oras habang kapiling sya.
Alam kong mali, pero ito ang nararamdaman ko
Masama bang magpakatotoo ako sa sarili ko
Hindi ko alam kung paano umabot sa ganito.
Basta, bigla nalang mahal ko na sya ng ganito
Hindi ko naman intenyon ang saktan ka
Nangako ako sayo na ikaw lang, pero mahal ko na talaga sya
Hindi ko maintindihan, bat bigla nalang nawala
Pag ibig at pag tingin ko sayo, SINTA
Hindi ko na kaya pang itago ang nararamdaman ko
Hindi ko na rin kayang magpanggap na masaya pa sa piling mo
Ang iwanan ka, ang pinakamahirap na desisyon ko.
Pero alam ko hindi talaga ako ang para sayo.