Hello friendssssss! :) Eto na yung Part 2 ng Row 4.. Sana basahin niyo din! Enjoy!
PS: May author's note ako after nito. Dun ako magpapaliwanag. HAHA! ♥
-------------------------------
Mga apat na buwan na rin ang nakalipas simula ng makita ko sa arm chair ko yung papel na naging daan para magkakilala kami ni super crush. Ni Carlo my loves. Alam niyo ba, ganun din tawag niya sakin. Ang kulit no? It sounds corny pero kinikilig talaga ako everytime na binabanggit niya yun.
Si Carlo yung tipo ng taong sobrang caring at sweet. Ewan ko ba kung saan niya nakukuha yung powers niya na yun.
Naalala ko pa nun, pag tapos na yung class ko before lunch, hinihintay niya ko sa labas ng room kasi pareho kami ng time ng lunch break kaya sabay kaming kumakain. Minsan kasama namin sila Erin pero madalas kaming dalawa lang. Ayaw daw kasi nilang makagulo samin.. Napakabuting mga kaibigan di ba?
Tapos minsan gusto niyang bitbitin yung bag ko kasi nga medyo mabigat pero ayoko ipabitbit sa kanya. Ewan. Di naman kasi kami. E di ba sa mag-jowa lang yun? Kaya ayun, nag-aaway tuloy kami. Pero dahil nga ang gwapo at sweet siya, nagkakabati agad kami. Ikaw ba namang daanin sa pagpapacute at ilibre ng milk tea aayaw ka pa? HAHAHA!
Sa loob ng apat na buwan na yun, maraming nangyari. Hindi yung "nangyari" na naiisip niyo ah, kundi masasayang memories.
Gaya nung bago mag-sembreak. Lahat kasi halos kaming magkakaibigan uuwi ng probinsya. Medyo matagal din kasi yung bakasyon. Bago kami umuwi lahat, nagyaya si Carlo na mag-Star City, EK sana kaso malayo naman. Dati niya pa ako niyayaya pero hindi naman ako pwede kaya sinubukan niya ulit magyaya ngayon kasama naman mga friends ko na friends niya na din, lagi nga kasi kaming magkasama kaya naging close na din siya sa kanila. Pumayag naman silang lahat kaya natuloy kami.
Sobrang excited ako nun! Matagal ko na kasing gustong mag-Star City. Tapos kasama ko pa si Carlo! Tinanong ko nga siya kung bakit bigla siyang nag-aya, sabi niya lang, "Gusto ko lang tuparin yung dream date mo." Oh my goshhh! Alam niyang dream date ko sa amusement park? Amazingggg! :">
(A/N: Lahat ng naka-italic na conversations dito ibig sabihin flashback yun. Yung mga naka-bold naman, sa present yun. Hihi!)
Ayun, marami kaming sinakyan. Lahat yata ng makapigil-hininga e sinakyan namin. Sobrang saya lang! Pumasok din kami sa horror house.. Grabe! Nung una ayoko talaga kasi takot talaga ako, promise. Pero wala e. Malakas si Carlo sakin. Sabihan ka ba naman ng, "Wag kang mag-alala, kasama mo naman ako e. Di kita iiwan dun." matatakot ka pa ba? Kaya ayun, napa-oo na lang ako. Masaya naman yung experience pero umiiyak ako habang papalabas! Sobrang natakot lang kasi talaga ako. Kahit alam kong arte-arte lang nila yun, sobrang parang totoo talaga! Ang dilim tas ang lamig. Yung background music pa nila.. Bigla naman akong natigil sa pag-iyak nung niyakap ako ni Carlo.. Wooo, heaven!
Kumain lang din kami, syempre nilibre niya ko. Ganda ko e! =))) Tapos nagkwentuhan lang, tawanan. Nakakatuwa lang na close din siya sa friends ko. Di ko expected yun kasi mukha siyang maarte sa tao. Yung tipong namimili ng kakausapin? Pero hindi pala. Mabait siya.
Sabay-sabay na din kaming umuwi at dahil nga ako ang star ng gabi, hinatid niya ko sa apartment namin. Akala ko tapos na yung saya, yung kilig. Hindi pa pala! Nagulat ako ng bigla niya kong hinalikan sa noo.. Forehead kiss? Waaaa! Parang koreanovela lang! Tapos.. Ang gwapo niya pang ngumiti! Yung ngiting parang nahihiya.. :""">
Nung November naman, nasa probinsya kami para sa All Soul's Day. Magkatext at tumatawag lang siya sakin kasi nasa probinsya din siya. Normal lang yung araw na yun. Nakaupo, kumakain, nagtetext, nakikipagkulitan sa mga pinsan ko ng biglang nagtext si Carlo.