OO NGA PALA ..
ONE-SHOT STORY
--------------------------------*
“Good Morning Gella!” masigla mong bati sa’kin kahit na nasa pintoan ka pa lamang ng classroom natin no’n.
Lahat tuloy ng mga kaklase natin ay napalingon sa gawi mo’t kanya-kanyang hiyawan sa’tin.
Napayuko naman ako no’ng mga panahong ‘yon, pasimpleng itinatago ang mga ngiting namuo sa’king labi’t pamumula ng aking mga pisngi.
Nadinig ko naman ang mga yapak mo nun na patungo sa silyang inuupuan mo na kaharap lamang ng silya ko. Kaya naman pabiro kitang hinampas sa braso mo no’ng makalapit ka na sa’kin at kunwari’y galit ako sa’yo para naman maitago ko ang sayang nadarama ko.
“Aray!” wika mo.
“Nakakahiya ‘yong ginawa mo! Lokong ‘to.” Sabi ko sa kunwari’y galit kong tono. Hetong si Loko naman ngumiti lang at nagpeace sign.
Nakaka-inis ka alam mo ba?! Lalo tuloy akong nahuhulog sa’yo ng husto sambit ko sa isipan ko.
Hindi ko tuloy mapigilang hindi umasa na may pagtingin ka rin sa’kin kahit na papa’no.
Parati mo kasi akong inaasar at kinukulit sa oras na magkasama tayo, hindi ka naman kasi gano’n sa ibang babae na kilala ko, maliban sa ‘kanya.’
Tapos sa t’wing free time naman natin parati mo akong nililibre ng paborito kong mga pagkain. Umaasa na naman tuloy ako sa’yo.
Tuwing uwian naman natin inihahatid mo ‘ko sa’min tapos habang naglalakad tayo patungo sa bahay namin nagk-kwentuhan lang tayo at kasunod nun ay ‘yong mga tawanan natin.
Alam mo bang sa bawat araw na ngumingiti ako ikaw ang dahilan nun. Kaya lang hindi ko magawang ipagtapat sa’yo kasi natatakot akong baka layuan at iwasan mo lang ako.
Kaya naman palihim na lamang kitang mamahalin, ok na rin ako sa gano’ng set-up natin.
At least alam kong Masaya ka sa piling ko’t Masaya din ako sa piling mo.
Pero dumating kasi ako sa puntong ‘mahal’ na talaga kita, ‘yong tipong gusto kong parati akong nasa tabi mo? Ramdam mo ba?
Pati tuloy yung puso ko tila gusto ng sumabog at ipagsigawan sa’yong ‘mahal kita!’
Para kasing gano’n din ang nararamdaman mo para sa’kin eh. Hindi naman masamang umasa sa’yo diba?
At isa pa, ako lang din naman ang may gusto nito.
Lumipas pa ang mga araw nang napakabilis mas lalo akong napapalapit sa’yo.
Pilit kong nilalabanan itong nararamdaman ko para sa’yo, pero kasi ito oh yung puso ko, tuluyan ng nahulog sa’yo kaya wala na ‘kong magawa kundi sumunod sa kanya. Pero para sa’yo ---sa inyo pipilitin kong kalimutan ang mga nadarama ko para sa’yo. Sana.
***
Isang araw bago sumapit ang valentines day sinundo mo ‘ko sa’min at nagpapasama ka sa mall para bumili ng roses at chocolates. Tuwang-tuwa naman ako nun, muling umaasang sa’kin mo ibibigay ang mga ‘yon.
Dumaan pa nga tayo sa isang stall ng mga teddy bears eh, bumili ka din ng isang cute huggable bear na color blue tanda ko dahil ako ang pinapili mo nun diba? Umaasang ako ang pagbibigyan mo.
Pagkatapos pa nun kumain tayo sa isang fast food chain bago tuluyang umuwi.
“Thanks for accompanying me for tonight Gella I owe you a lot. ” wika mo naman nung nasa tapat na tayo ng bahay namin.
“Ano ka ba Yves, ok lang ‘yun ano ka ba.” Sagot ko naman sa’yo. Kahit na ang sakit-sakit na nitong puso ko, pipilitin ko.
Pagkatapos nun niyakap mo ako na siyang ikinabigla ko’t nagpatigil pansamantala sa mundo ko.
At saka mo binulong sa’kin na …
“Bukas … ipagtatapat ko na sa kanya… Salamat sa lahat Gella.”
Maling-mali nga pala talagang umasa ako sa’yong mamahalin mo din ako tulad ng pagmamahal mo para sa kanya … ang bestfriend ko, si Julie.
No’ng mga sandaling yakap-yakap mo’ko iyon ang mga panahon na napagtanto kong pangarap lamang pala talaga kita, na bukas magigising ako sa masayang panaginip ko na minsan sa buhay ko’y napasaya mo ako.
At hanggang kaibigan lang talaga ang turing mo sa’kin di tulad ng para sa kanya. Pumatak ang mga luha sa’king mga mata no’ng kumalas ako sa pagkakayakap mo.
“Umiiyak ka ba Gella?” tanong mo sa’kin.
Ngumiti lang ako sa’yo nun, isang pekeng ngiti upang hindi mo mapansin na malungkot ako…
”Wala ito, Masaya lang ako para sa iyo Yves galingan mo ah!”
Tumango ka naman nun.
“Salamat ulit Gella. Oh sige uwi na’ko ah.” Sagot mo.
At sa pagtalikod mo sa’kin muling pumatak ang mga luhang pilit kong ikinukubli sa mga mata ko at ang realisasyong …
“Oo nga pala Siya ang mahal mo’t hindi kailanman magiging ako."
07-31-2013
BINABASA MO ANG
Oo Nga Pala ...
General FictionOo nga pala... hindi nga pala tayo. Hanggang dito na lang ako.