Prologue

38 0 0
                                    

HABANG ikaw ay nasa computer shop kung saan naisipan mong mag-edit ng iyong resume, masusi mong sinusuri ang bawat pahina nito. Sinisikap mong wala kang nakaligtaang isulat upang ma-impress sa'yo ang employer ng kumpanyang balak mong aplayan. Three pages ito at naka-bold ang iyong pangalan na may font size na twenty-five habang ang iba namang font nito ay nananatili sa twelve.

"Randell Luis M. Galvez, RN," nakangiting sambit mo sa iyong pangalan habang ina-adjust mo ang margin ng resume mo. Hindi maipagkakailang proud na proud ka sa iyong titulo.

Ngunit bigla kang natigilan. Napabuntong-hininga. At napailing. Naisip mo kasi na hindi na rin biro ang mga nasayang mong two-by-two colored pictures with white background. Ilang set ng resume na rin kasi ang iyong naipa-print ngunit wala pa rin naman ni isa ang naging maganda ang kinahinatnan. Sa pagnanais mo kasi na makapag-practice ng nursing, halos nalibot mo na ang lahat ng ospital sa buong Metro Manila. Maging mga clinic ay napag-alayan mo na rin ng iyong resume. Pakiramdam mo tuloy ay naipakalat mo na sa lahat ng ospital ang iyong pagkatao kaka-apply mo ng trabaho.

"Time na yung computer number twelve. Mag-e-extend pa ba?" babala ng babaeng naka-rollers na red habang nagte-text sa counter ng computer shop.

Napalingon ka sa gawing kanan mo sabay sabi sa kahera na, "Sige po ate, pa-print na po ako, tig-tatlong kopya."

"Paki-save na lang sa My Documents," pag-uutos nito.

Mabilis mong sinave ang iyong file. Ngunit bago mo pa man tuluyang i-­close ang iyong computer, dali-dali mo munang binuksan ang iyong Facebook at ika'y nag-post...

"Going somewhere to find my luck... Again :)"

Ika'y nag-logout at kasunod mo na ring isinara ang mga sites ng Jobstreet, WorkAbroad at Youtube. Nagligpit ka ng iyong gamit at ika'y tumayo.

"Yun pong number twelve, anong file name?" tanong ng attendant ng computer shop.

"Randell Resume po," magalang mong tugon.

Bago ka humakbang patungo sa counter, napatingin ka sa malaking orasan na nasa may pintuan ng computer shop. Alas-otso kinse na ng umaga. Marahan mong ikinilos ang iyong mga paa at lumakad palapit sa counter para kuhanin ang iyong pina-print at magbayad.

Habang ikaw ay dahan-dahang naglalakad, iniisip mo na kung saang lupalop ka na naman pupunta para maghanap ng mapapasukang trabaho. Hanggang ngayon kasi ay hindi ka pa rin sumusuko sa pagiging nurse mo. Mahal mo ang pagiging nurse mo. Nasa puso mo ang kagustuhan na makapag-practice ng nursing. Lahat ay gagawin mo sa ngalan ng nursing. Kaya nga nagasgas ka na sa madaming kung anu-anong mga seminars at trainings. Investment kasing maituturing ang mga ito sa paniniwala mo. Pakiwari mo kasi simula noong nagtapos ka ng BSN (Bachelor of Science in Nursing) at pumasa ka ng board exam taong 2007, ay hinog ka na para maging staff nurse sa isang ospital.

Nagmistula kang kolektor ng mga certificates. Sa dami na kasi ng mga seminars, trainings, accreditation, membership at ng mga kung anu-ano pa na meron ka, lagpas na ang kapal nito sa kalahating pulgada kapag ito'y iyong pinagpatong-patong. At ang masaklap pa rito, ang mga ito ay hindi mo nakuha ng libre. Lahat may bayad. At ang ilan, renewable pa.

"Hindi na natapos na bayaran yan! Simula noong nag-aral ka ng apat na taon sa nursing hanggang ngayon, isa ka nang Registered Nurse!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kabute: Ang PagsibolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon