Tadhana

56 11 29
                                    

Tadhana


~*~

(Play the video,while you're reading)

Sabi nila "LOVE is important to anyone." Oo,totoo yan. Ang pag-ibig ay importante saatin. Dahil kung wala yan,walang mabubuong samahan o bond sa isang tao.

Lahat tayo nararamdaman ang Love...

Lahat tayo pinapangarap na magkaroon ng totoong magmamahal saatin,except God. Because God,already love us.

Love na 'yung feeling mo eh masaya ka. 'Yung feeling na naeexcite ka kapag nakikita mo siya,at lagi kang mapapangiti dahil sa mahal mo.

Pero paano nga ba kung magkaroon ka ng Boyfriend na never mo pang makikita? Ano kaya magiging reaksyon mo? Tatanggapin mo ba siya,ano man ang mangyari?

Ako nga pala si Kayecelyn "Kc" Peralta. 18 years old,serious type. Hindi ako palatawa. Mabait naman ako. Third year college na ako. Sa Far Eastern University(FEU) ako nag-aaral.. At first day ng klase namin ngayon.

Papasok ako ng store para bumili ng makakain kasi gutom na ako,naghahanap nga ako ng Monde Mamon e. My favorite.

Kaya ngalang may asungot na nakakuha ng Monde Mamon ko,e iisa nalang yun.

"Sorry Miss,ako nauna dito."

"Ha?" ano ba yan? Tsk. Inagaw ko sakanya iyon,pero kinuha niya ulit saakin. Pucha naman.

"First come,first served Miss." tapos tatawa-tawa pa ang loko.

"Hmp. Che!" makaalis na nga.

Tapos lumabas na ako,nakakainis kasi yung lalaking yun. Huhuhu. Wala yung Monde Mamon ko....ang layo pamandin ng isa pang tindahan.

Naglalakad ako ng biglang may humila sa braso ko. Kaya napaharap ako.

"Ano bang problema mo!" Tsk. Kitang paalis na yung tao e.

Aba tingnan mo tong lalaking to! Hinila niya ako,para ano? Para kainin niya sa harap ko ang Monde Mamon ko? Yabang!

"Aray!" inapakan ko siya sa paa niya. Sobrang yabang!

"Buti nga sayo!" sabay alis. Sinisira niya talaga ang araw ko.

"Miss!" sigaw niya ulit. Lumingon nanaman ako na nakakunot ang noo.

"Sungit mo naman! Halikan kaya kita!" Kuya? Nasa public place tayo. Makasigaw naman 'to. Gahd!

Tinaas ko nalang ang isa kong kamay at ikinuyom ito,yung bang parang nagyayaya ng away.

First class...

Nandito na ako sa school. Kinakabahan ako. Nagdadalawang isip akong pumasok. Wala pa kasi akong kakilala dito. Papasok ba ako? E kasi naman....Basta! Papasok na ako. Bahala na.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at nakita kong nagkukwentuhan ang mga bago kong kaklase.

Ang saya nila.

"Girl,transferee ka?"-Girl1.

Napatingin ako sa isang babae. Ako ba tinutukoy niya?

"O-Oo." nauutal ko pang sagot.

"Halika. Join ka saamin dalii!"-Girl2. Ang hyper nila. Mukhang magiging masaya ang araw ko a.

Nagkuwentuhan lang kami ng nagkuwentuhan ang dami naming napag-usapan,yung mga crushes nila,mga hate and etc. At ang dami din nilang nalaman saakin.

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon