Chapter One

17 3 0
                                    

For the nth time, pinagmasdan nya ang loob ng bahay. The house is close to impossible! Hindi nya alam kung paano nya aayusin ang bahay, everything is a havoc, just like her life. Caitlin just moved out from her mother's house in BF Paranaque. Nakakita sya ng bagong unit sa isang bagong bukas na subdivision sa Bacoor. She chose to live alone because she wants to start anew. Which will be very hard because no matter what she does, si Red pa rin ang naiisip nya.

Kaya ko to! Aja! Aja! But saying those words is like fooling myself.

---

Pakembot kembot sa Archie habang nagsasampay ng brief sa front yard ng bahay nya. Maaga syang gumising to do his laundry. He was used to doing all the chores in his house. For him, this is his way of working out since he is too lazy to go to the gym.

[Background music: Wiggle By: Jason Derulo]

"Bro, pwede bang itigil mo na yan?" Nagulat ako sa medyo baritonong boses. Si Dale pala ang intrimitido kong kapitbahay. Hindi ko man lang namalayan ang pagdating nito. Hindi kasi uso ang mga bakod dito kasi western style ang disenyo ng subdivision kaya tuloy malayang nakapasok ang damuho.

"Alin? Ang pagsasampay?"

"Hindi! Yang pagkembot mo! Kasing tigas ng narra yan katawan mo! Nakakabwisit lang." pinagulong gulong pa ang bisikleta.

" Eh di wag mong tingnan! Problema ba yon? Inggit ka lang! Gusto mo turuan kita?" maangas ko pang sabi habang pinapagpag ko ang brief sa harap nya bago ko isampay.

"What the?! Bro naman, konting respeto! Iwinawasiwas mo pa yang kupas na brief mo!" napaatras ito pero hindi pa rin umalis. "Balita ko may bago kang neighbor dyan ah?"

"Ayun tayo e, makiki usyoso ka lang pala! Paki ko naman aber?! Maganda ba? Kung katulad mo rin lang buraot...di na lang din?!" pagmamalaki ko. "Chic ba?" habol ko pa. Matagal tagal na rin akong di nagkaka jowa kasi babad ako lagi sa trabaho. Nag uumpisa pa lang kasi yung architectural firm na itinayo ko kaya kayod marino ako.

"Chic daw sabi ni Mrs. Mendoza ." tukoy nito sa ahente ng subdivision.

"Eh anong pang hinihintay?! Tara tulungan mo ako magluto ng tikoy." yaya ko sa kanya habang isinasampay ko ang huling piraso ng nilabhan ko.

"Nyek? Aanhin mo ang tikoy?" mulagat nito.

"Hina mo rin talaga bro. Natural makikipagkilala tayo, dadalhan natin sya ng fried tikoy." Tumalikod na ako para maunang pumasok sa aking mansion de alis is.

Pi - nark na rin nito ang bisikletang dala dala at sumunod sa akin.

"Ano?! Tikoy lang ang pang welcome gift mo? Cheap mo naman meeeeeeeen!" sumalampak ito sa love seat ko.

"Cheap cheap ka jan! E di wag ka sumama." Nag umpisa na akong magluto ng may ngiti sa labi. Malakas ang vibes ko na magandang dilag ang new neighbor ko. Awwwwwwww!

---

Pursigido sa pag aayos ng bagong bahay si Caitlin. Ito lang ang alam nyang paraan para makalimutan ang yumaong nobyo. Kailangan nyang maging busy. Wala pa nga syang tulog simula ng maglipat sya kagabi. Para syang nakatira ng tsongke, at ito ang trip nya.

Konti na lang tapos na.

DINGDONG DINGDONG

Wala naman akong inaasahan bisita. Tinatamad kong binuksan ang pinto. Tumambad sa akin ang dalawang lalake. Isa ay di katangkaran na maputing lalake na may dalang mangkok, at isa ay ubod ng tangkad na moreno. Parehong nag aalangan ang ngiti.

Ako? Nakabusangot dahil naistorbo ako sa ginagawa ko.

"Ahm...(tumikhim si bansot) Magandang tanghali Inday, anjan ba ang amo mo?"

"AMOOOOOOOOOO?!"

Gusto kong magpasalamat kay Princess and Clyde. Tikoy nila ang inspirasyon ko nong ginagawa ko to. Hihi!

Archimedes (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon