"HOLY SH!#!!!!" ang tanging nasambulat ni Caitlin.
Kasunod ng pagbasak namin ang nakakabibinging tili ng hitad!
"IGGGGGGGGGHHHHHHHHHHH!!!"
Parang mas ininda pa ng katawan ko ang sakit ng pagbagsak namin kesa sa pag explode ng eardrums ko. Una kong pinakiramdaman si prinsipe ng kahilingan. GOOD! Mukhang safe naman sya!
---
May dalawang mobile ng pulis at isang trycicle ng mga roaming security guard ng subdivision ang nakaparada sa harapan ni Caitlin. Napukaw ng nakabibinging tili ni Caitlin ang atensyon ng mga kapitbahay na syang sanhi ng pagsugod ng sangkapulisan. Idagdag pa ang mga homeowners na hindi alintana ang oras makapag usyoso lang.
"How many times do I have to tell you that I didn't break in to her house just to rob her. I saw her committing suicide! What do you expext me to do, officer? paliwang ko habang ini escort -an ng mga pulis palabas ng bahay.
"LIAR! I don't even know you?!" Sambit pa ng babaeng animo kapita pitagan. Pero losyang!
"Bro, what happened?!" Napasugod si Dale. Sabay balot sa akin ng blanket. "Yung putotoy mo bro, naghehello." bulong pa nito. Kasunod nya sina Digos at Matty. Nakalimutan ko, nakaboxers nga lang pala ako at punit pa. Bale wala din ang karsunsilyo ko.
"Bro, favor naman. Pakibantay naman ng bahay." Sabi ko pa kay Matty.
"Let me help you, bro." At saka nila ako sinamahan sa presinto kasama ang babaeng mahadera. Digos is one of the most formidable lawyer in town. Nag convoy na lang kami. Magka iba kami ng mobile ni Inday.
Pagdating sa police station, kinuha lang naman ang mga impormasyon at statement ng bawat isang partido ng desk officer. Mukhang tinatamad pa nga ito dahil mas madalas pa ang paghigop ng kape at pakikipag huntahan sa kapwa pulis.
Nakakainip ang paghihintay. Idagdag pa ang suot ko. Anong panama ni Gardo Versoza sa bahag ko. Pasalamat na nga lang ako at pinagmalasakitan ako ni Dale na dalhan ng kumot. Kung bakit naman hindi ko naisipan dumaan muna sa bahay para magpalit.
"Excuse me officer? Mawalang galang na po, mga ilang umaga naman ang hihintayin ko para makuha lahat ng kailangan nyong impormasyon at ng makulong na yang pervert na yan!"hindi na nakatiis na pag tatanong ni Caitlin.
"HOY HOY HOY LOLA BASYANG MAG ISIP ISIP KA NGA?! UMAGA NA! NANAGINIP KA PA? ANONG AKALA MO SA AKIN MALABO ANG MATA? ARKITEKTO AKO, MALINIS ANG BUDHI, ANG PUSO AT KALULUWA. WALA AKONG PINAGNASAAN KUNDI MGA PLANO AT BLUE PRINT SA OPISINA KO. TONG PROPESYONAL NA TULAD KO SA TINGIN MO BA MAGKAKAGUSTO SAYO?! E PARANG TYAHIN NA ANG TURING KO SAYO E." bwelta ko naman.
"HOY KA DIN!" biglang tayo ang bruha at dinuro duro ako sa noo. "KUNG WALA KANG INTENSYON NA MASAMA? BAKIT MO AKO PINASOK SA BAHAY KO? BINASAG MO PA ANG BINTANA KO! AT HIGIT SA LAHAT DINAGIT MO AKO NG NAKA..NAKA.."
"NAKA ANO? BOXERS ANG TAWAG DITO AUNTEEEEH!"
"OO ALAM KO WAG MO AKO SIGAWAN" ilong ko naman ang dinuro. Ang mga walanghiya naman...pinapanood lang kami. Naiintindihan ko na parang eksena lang sa pelikula ito..kunyari ako si James Reid at sya naman si Eugene Domingo, pero por dyos por santo! Kulang na lang gawing dialer ng telepono ang mukha ko kadudutdot nitong spinster na to.
"AKALA KO NGA KASI MAGPAPAKAMATAY KA! NATURAL AYOKONG MAGING HAUNTED HOUSE ANG NEIGHBOR KO. PAANO NA LANG ANG MGA CHIKITING KO? BAKA MATAKOT?!"
"Sir akala ko po ba single kayo?" singit ng imbestigador.
"Oo nga po...advance lang." paliwanag ko pa.
"AKO??? MAGPAPAKAMATAY? NASISIRAAN NA BA AKO NG BAIT?"
"BAKIT HINDI PA BA??"
"I don't want to argue anymore." suko na si bruha. "Ikulong nyo na lang po yan. Tutal tapos nyo na kuhanin yung statement ko. Uuwi na ako. Tapos ang kaso!" sabay walk out.
"Tapos ang kaso! Nyenyenye!" ginaya ko naman.
Bottomline... Atty. Digos Segovia handled the policemen, hindi ko alam kung pano nya naconvice sila but what matters is makakauwi na ako.
Peroooo...kung inaakala nyang bruha na yan na tapos na kami? Regla lang ang natatapos... nagkakamali sya!
Sinubukan ko lang sumulat talaga kasi may mga hinahanap ako sa mga binabasa ko...nagbabakasakali lang ako na magawa ko lahat ng gusto kong mangyari sa kwentong to.
Para to kay Leslie na no.1 fan ko. Isa ka talagang tunay na kaibigan. Pinatataba mo ang masebo kong puso kapag kinukulit mo ko sa update.
BINABASA MO ANG
Archimedes (Ongoing)
Random"Pusa is a cat, daga is a rat, kapag umibig ang kirat...dinadaan sa kindat " Talagang di mo ko titigilan Archimedes ha! Hintayin mong maghalo ang balat sa tinalupan!