Ang Panimula

70 3 0
                                    

Babala:

Lahat ng inyong nababasa dito,(Pangalan ng tao, lugar, aksidente at iba pa) ay pawang kagagawan lamang ng isang makulit na imahinasyon ko, kung sakaling may pagkakaparehas ito sa ibang storyang nabasa niyo ay nagkataon lamang ito, wala akong ginagaya at gagayahin dahil wala naman akong mapapala doon, hindi ko gustong may mag basa ng story na gawa ko na alam kong may kapareha na, I just want to write a story not to impress but to express

READ AT YOUR OWN RISK

NO TO PLAGIARISM

DO NOT COPY ANY OF THE CHAPTERS, NOT UNLESS I GIVE MY PERMISSION

IF EVER YOU WANT TO COPY SOMETHING HERE PLEASE GIVE A CREDITS, MESSAGE ME.PRIVATELY OR LEAVE A MESSAGE AT THE MESSAGE BOARD

THANKS FOR UNDERSTANDING

===

Mama ano po bang pakiramdam na maging normal na tao? Yung wala kang mataas na antas, yung hindi ka tintingala at walang ineexpect sayo?- Tanong ng bata sa katabi niyang babae

Maganda, wala kang iisiping responsibilidad, walang aasa sayo, sarili mo lang ang iisipin at higit sa lahat malaya kang makakagalaw at magdesisyong ano man naisin mo. Bakit mo naman natanong yan aking munting prinsesa? Sagot ng babaeng katabi ng bata 
Wala lang Ma, sana masubukan ko din ang ganong pakiramdam, gusto ko ding masubukang lumaya, yung hindi ko kelangang maging perpekto, yung malaya akong makagawa ng mali at nang maitama ko ito, hindi yung iba yung nagtatama ng pagkakamali ko, malungkot na pahayag nang bata sakanyang ina

Hindi mo naman kelangang maging perpekto sa harap ng maraming tao anak, hindi mo kelangan ipakita na hindi ka nagkakamali, dahil katulad nila nakadarama kadin, tandaan mo ito anak, Hindi lahat ng katulad nating may mataas na antas ay kelangang maging perpekto, dahil sa likod ng kapangyarihan, nandyang ang totoo mong nararamdaman, lungkot, saya , galit, pagkamuhi, kuryosidad, at marami pang emosyon, hindi mo kelangan itago ang mga ito, tao ka hindi ka isang makina na napapakaga ng makabagong kagamitan, hindi ka isang makina na napapagana ng mahika, tao ka at ikaw mismo ang gagalaw sa sarili mo tandaan mo yan. Sabi naman ng isang lalaking bagong dating,

Sana nga ama ganon ang tingin nila saakin, sana ay hindi mataas ang inaasahan nila dahil isa akong prinsesa, sana hindi nila ako husgahan sa ano mang nanaisin at gagawin kong desisyon, ama natatakot ako, paano kung hindi nila ako matanggap? Paano kung ayaw nila akong maging prinsesa? Wag nalang nating ituloy ang gaganaping pagsasalo mamaya para saakin, wag niyo muna ako ipakilala sa lahat ng Eletesian, natatakot ako ama. Nababahalang pahayag ng bata sakanyang ama, makikita naman ang pag-aalala ng kanyang ama at ina sakanya, ngunit wala silang magagawa sa bagay na ito, sila man ang hari at reyna nang buong Eclestelesian ay wala silang magagawa napagdesisyonan na nang buong konseho ang pagpapakilala sakanilang anak.

Napagusapan na natin ito anak, hindi kami ang nagdedesisyon sa bagay na ito,pagpapaalala ng kanyang ama

Ngunit ama, ina, hindi maganda ang kutob ko sa mangyayari mamaya sa pagpupulong, hindi mapalagay na sabi ng bata, balisa nga kung maituturing ang kanyang kilos, sa maagang edad ay may angkin nang talino, ganda, galing, at bait ang bata, hindi iyon maikakaila ng mga katulong na palaging nakikitaat nakakasama ng munting prinsesa

Maging kami anak ay hindi rin mapalagay ngunit hindi marunong makinig ang konseho, ang sinabi nila at sinabi nila, walang aatras, walang makakapigil at walang kahit na anumang dahilan, sagot naman ng kanyang ina,

Ngunit in--, naputol ang nais na sabihin ng bata nang may marahang pagkatok na narinig sa kabilang pintuan

Mahal na hari, Mahal na reyna, nais umano kayong makita nang buong kunseho upang pag usapan ang gaganaping okasyon mamaya, magalang na sambit ng isa sa mga katulong ng palasyo

Academiae EnchantriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon