Isn't promises meant to be broken?

35 0 2
                                    

Buwan ng Agosto ng sumama ang magkasintahang Khel at Inoue sa mga kaibigan nilang mga hikers na umakyat ng bundok.Excited silang pumunta sa campsite kung saan sila magpapalipas ng ilang mga araw.

 "so guys ready na ba kayo? aakyat na tayo ng bundok ngayon!"sabi ng isa nilang kaibigan.

"oo naman! excited na nga kami eh!"sagot naman ng iba pa.

   Nang nasa daan na sila paakyat papuntang campsite ay natapilok si Inoue na naging dahilan para magkaroon siya ng mild injury sa paa,dahil dun ay napilitan silang huminto saglit para masahiin ang paa ni Inoue.Ngunit masakit parin ang paa nya kaya;

"halika! papasann nalang kita paakyat baka mamaya lumala pa yan lalo eh!mahirap na.."sabi ni Khel.

  Hindi na tumanggi si Inoue dahil hindi na talaga niya kayang maglakad at ikinatuwa niya rin ang ginawa ni Khel dahil pinatunayan lang nito na mahalaga siya rito.Nang dumating sila sa campsite ay nagpaiwan nalang si Inoue dahil sa kalagayan ng paa niya,gustuhin niya man ay hindi rin siya papayagan ni Khel na tumuloy.

"kaya mo bang mag-isa dito huh Inoue?pwede naman akong magpaiwan para samahan ka!"

"hindi na Khel,don't worry I can handle my self tsaka girlscout ata tong gf mo kaya I assure you na Ok lang ako:)!"

"sige ingat ka dito ah! mamimiss kita!"

"haha!! syempre naman no! mamimiss din kita!!"

"promise pagbalik ko dito ako mismo magmamasahe dyan sa paa mo hanggang sa gumaling yan"

"promise?"

"oo promise"

After ng conversation  nila ay tumuloy na sa pag akyat ng bundok ang grupo samantalang nagpaiwan naman si Inoue sa campsite para magpagaling ng pilay sa paa. Madalas tumawag at magtext si Khel kay Inoue kapag nasa safe zone sila na may signal. The first 2days ay Okay naman at walang problema until the tragedy that makes her cry and feel alone.

Gumuho ang malaking parte ng bundok na inakyatan nila khel at marami ang narecover na bangkay pero mas marami parin daw ang hindi nahahanap na umakyat ng bundok. Halos gumuho ang mundo ni Inoue sa nabalitaan niya, halos hindi siya makakain at makatulog sa kakaisip sa kasintahan niya kung makikita pa ba niya ito ng buhay o patay na.

Isang araw, nabigla siya nang bumalik ang mga kaibigan nila na kasama ng kasintahan niya na umakyat ng bundok pero wala ang kasintahan niya sa bumalik.

"Na.... Na..... Na....saan si Khel?" nanginginig na tanong ng dalaga habang umaagos ang luha sa kanyang mga mata.

Walang maisagot ang mga kaibigan niya sa tanong niya at nagtitinginan ito sa isa't isa na tila nagtuturuan kung sino ang magsasalita at sasagot sa katanungan ng dalaga.

"Ano ba!!! mga pipi ba kayo? Please guys answer me!!! Where is Khel? where is my boyfriend?" pasigaw na sabi ng dalaga.

Sumagot ang isa niyang kaibigan;

"Nagka landslide sa taas, kinalulungkot kong sabihin pero hindi siya nakaligtas...." sagot ni Mac, best friend ni Khel.

Pakiramdam ni Inoue ay gumuho ang buong mundo niya, sa isang iglap nawala ang lalakeng pinakamamahal at pinaka iingatan niya. Nagalit siya sa sinabi ng kaibigan niya at ayaw niyang paniwalaan ang mga ito hanggang sa ialabas ng isang kaibigan niya ang singsing na kasintahan niya, "ang couple ring nila". Duon ay humagulgol ang dalaga sa sobrang lungkot at pagkabigla.

Lumipas na ang 1 linggo pero hindi parin natatagpuan ang katawan ng kasintahan niya kaya nagpasya siyang mag-isang umakyat ng bundok at hanapin ang katawan ng mahal niya pero laking gulat niya sa nakita sa taas ng bundok.

Duguan at puno ng lupa ang katawan ng binata ng natagpuan ng dalaga sa may bangin. Nilapitan niya ito at agad na niyapos, iyak ng iyak ang dalaga sa kanyang nakita pero mas ikinabigala niya ang mga sumunod na pangyayari.

"I...Inoue.... ma..... hal k... ko..."

Nagulat siya ng nagsalita ang binata, buhay pa pala ito at hindi patay tulad ng sabi ng mga kaibigan niya. Muli niyang niyapos ng mahigpit ang binata sa sobrang tuwa na ito'y buhay pa,

"thank god, buhay ka mahal ko!"

"oo naman, diba may pangako pa ako sayo na babalikan kita"

Ngumuti ang dalaga at mahigpit na niyakap ang kasintahan niya at hinalikan ito ng pagkatamis tamis. Pakiramdam niya ay muli siyang nabuhay ng mga oras na iyon.

Ngunit mas ikinabigla niya ang sinabi ng binata sa kanya.

"Ako lang ang pinalad na makaligtas, natabunan silang lahat ng lupa noong gumuho ang malaking bahagi ng lupa. hindi nga ako natabunan pero nadaganan ako ng trosong nalaglag mula sa itaas ng bundok."

"Huh? anong sinasabi mo eh 1 linggo na nuong nakababa sila ng bundok at ang sabi nila ikaw ang hindi nakaligtas."

"Sigurado ka ba? nakita ko silang natabunan ng lupa, sinubukan ko silang iligtas pero hindi ko sila nailigtas."

Naguluhan na ang dalaga at hindi na niya alam ang kung sino ang paniniwalaan niya, ang kasintahan niya ba? o ang mga kaibigan niya? Kinilabutan narin siya ng mga oras na iyon dahil hindi na niya alam kung buhay pa nga ba ang niyakap, hinalikan, at kinausap niya. Pero nilapitan siya ni Khel at tinupad ang pangako nito sa kanya. Inalis ni Khel ang sapatos ng dalaga at hinilot ang paa nito tulad ng pangako niya. Nuon din ay kinuha ng binata ang bag niya at may kinuha mula rito. Lumapit siya sa dalaga at inamin ang tunay na balak niya kaya niya ito inayang umakyat ng bundok. Magpopropose na sana siya pagdating nila sa taas pero dahil sa nangyari ay naiba ang plano, sa pagbalik nalang dapat nila mula sa taas ng bundok.

Walang mapagsidlan ang tuwa ng dalaga sa inamin ng binata ng mga oras na iyon kahit na nasa loob sila ng isang masukal na bundok. Tinanggap niya ang proposal ng binata na magpakasal na sila pagbalik nila sa maynila. Sobrang saya na sana ng dalaga sa pangyayari ngunit hindi pala ito pangmatagalan na kasiyahan.

Isang panaginip lang pala ang lahat ng nangyaring iyon. Paggising niya ay nasa loob siya ng tent sa campsite at sobrang dami ng rescuer ang nandoon na may dala ng mga bangkay ng mga natabunan sa naganap na trahedya kasama ang lahat ng kaibigan niya at ang kasintahan niyang si Khel. Hindi kinaya ng dalaga ang nangyari. Inakala niyang Okay na ang lahat ngunit isa lang pala itong ilusyon.

Umuwi ang dalaga ng maynila ng mag-isa, balisa at nagdadalamhati sa nangyari. Hindi niya matanggap na sa isang iglap lang wala na ang lalaking pinakamamahal niya. Ngunit kahit ganun ay tinupad parin ng kasintahan niya ang pangako  nito sa kanya kahit na sa panaginip niya lang ito tinupad.

  "Not all promises meant to be broken.... Yes, it's true that most of the promises are broken by the person whom made it.... But it's not mean that all PROMISES are always broken.... co'z there are few people make there best even it's really hard for them to fulfil their promise"

The PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon