Lagi na'tin sinasabi, paano ba maging masaya?
'What is the key to happiness?' ika nga nila.
Paano mo masasabing masaya ka na talaga?
"Para sa akin, you will only be happy when you choose to be. Tama?" Nakangiti kong sabi sa kanya habang nandito kami sa park.
"Mga words of wisdom mo talaga." sabi niya sa akin ng nakangiti rin.
4 years ago..
*bzzt bzzt*
Nandito pa din ako sa covered court ng school namin nang mag-vibrate na naman yung phone ko. Binuksan ko ito at binasa..
1 message received..
From: Unknown Number
Kung hindi ka masaya ngayon, tignan mo lang 'yung mga tao sa paligid mo. Hindi mo lang alam, marami sa kanila ang gustong makitang nakangiti ka. :)
Iyan na naman siya, nanggugulat. Noong nakaraang araw, nagtext na din sa akin itong number na ito, at ang sabi niya naman, "Kung hindi ka masaya, wag mong dibdibin ang problema." Hindi ko alam kung sino siya pero bahagya akong napangiti sa sinabi niya. "Na-wrong send lang siguro 'to", 'yun ang sabi ko noong una. Pero sa pagkakataong 'to, parang hindi na. Natutuwa ako sa kung sino man ito.
Tumingin naman ako sa paligid ko, kagaya ng sinabi noong nag-send. Nagkataon namang nakita kong papalapit sa akin si Lester, isa sa mga kaibigan ko. Bigla ko tuloy pinunasan ang luha sa mukha ko. Siya kaya, gusto niya 'ko makitang masaya?
"Malungkot ka na naman?" tanong niya pagkaupo niya sa tabi ko dito sa bleachers. Nginitian ko lang siya bilang tugon.
Humarap naman siya sa akin at hinawakan ang mukha ko. Aaminin ko, pakiramdam ko nag-blush ako ng kaunti sa ginawa niya. Pinisil niya naman ang pisngi ko at pinilit akong pangitiin.
"Ayan. O di ba mas bagay sayo." saka niya inalis ang mga kamay niya sa mukha ko pero hindi pa din ako nagsasalita.
"Ano bang problema?" pagsasalita niyang muli
"Si Kyle." Hindi naman kasi maiiwasan sa isang relasyon ang pag-aaway pero pakiramdam ko kasi ako lang ang nasasaktan kapag nagkakaganito kami.
Hindi ko matatawag na best friend si Lester pero alam ko na isa siya sa pinakamalapit sa aking kaibigan.
"Hay nako. Alam ko na 'yan eh." ganyan lang ang laging tinutugon niya sa akin tuwing magshe-share ako sa kanya ng problema ko. Hindi man niya ko mabigyan ng advice, yung presensya niya at yung pagdamay niya ay sapat na para sa akin.
"Tignan mo 'to oh." Pinakita ko sa kanya 'yung message nung Unknown number.
"Hala baka may stalker ka na? O di kaya may secret admirer ka?" sabi niya sa akin pagkabasa noon.
Natatawa naman ako sa reaksyon ng mukha niya. Secret admirer? Stalker? Imposible. Hindi ako kagandahan kagaya ng ibang babae. Simple lang ang itsura ko kumpara sa kanila.
1 year later..
Papunta na ako ngayon sa debut ng kaibigan ko na si Denise. Ang alam ko kasama din ang iba kong kaklase sa college kaya maaga akong pupunta ngayon. Pagdating ko naman sa venue ng debut, nag-ring naman ang cellphone ko. Tumatawag si Kyle, ang boyfriend ko.
"Hello." bati ko sa kanya
["Nagpunta ka pa din kahit sinabi kong huwag na?"]
"Minsan lang kasi 'to eh." medyo napataas ang boses ko noong sinabi ko iyon sa kanya.