CHAPTER 1 - THE REASON

16 1 0
                                    

Minsan, hindi ko maiwasang isipin na, sana hindi na lang ako isinilang sa mundo...
Sana, maaga akong umalis sa mundo...

Bawat bata, pinapangarap na mahalin at ituring silang prinsesa at prinsipe ng kanilang mga magulang. Siguro noong nagpasabog si God ng kaswertehan, wala akong nasalo . Puro malas ang inabot ko simula 7 pa lang ako .

Lumaki ako kasama ang mga magulang ko, masaya ako at sila ang mga kasama ko.
Pero simula ng tumungtong ako ng 7, ang dating masayang ako napalitan ng takot.

Simula ng araw na yun, hindi na ko pinapayagan ng tatay ko na makipaglaro sa labas, madalas rin akong binubugbog ng tatay ko dahil sa madalas na siyang maglasing. Ang nanay ko namang inaasagan kong tutulungan ako, wala! Wala siyang ginawa kung di panuorin akong bugbugin ng magaling kong ama. May oras rin na tinangka akong patayin ng tatay ko, nang dahil lang sa may nakita siyang lalaking kasama ni mama. Hindi ko alam kung ano ang rason kung bakit niya ginagawa ang mga bagay na 'to sa akin.

Simula ng araw na yun, ang ngiting hinahangaan ng iba ay may sikretong nakatago.

"okay lang yan Charlene, smile! " ...

That's the story behind my smiles...

Ah oo nga pala, nakalimutan ko sabihin ang complete name ko
Charlene Jezriel Fernandez

BEHIND HER SMILESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon