CHAPTER 2- HE SAW

10 2 0
                                    

Aral, aral, aral ... Wala na bang pwedeng gawin ? ...
Pero okay na rin yun, sana hanggang gabi ang klase namin ... Mas mabuti na yun kesa naman sa umuwi ako , madadatnan ko lang nag magaling kong ama ...

" hoy , Charlene! Pagpahingahin mo naman yang mga libro mo !, kanina pang 6:00 am yan! "-Brittany

Yan ang napakabungangera kong kaibigan... Sakanya ko sinasabi mga problema at sikreto ko.

"haha, mabait kasi ako Britt, gayahin mo kaya ako :)"-ako

"ang ganda mo kapag nakangiti"-brittany

"oo naman :)"-ako

" pero mas maganda sana yang ngiti mo kung sa likod niyan maganda rin ang dahilan."-brittany

Ayan na naman siya sa mga salita niyang puno ng meaning .

"....."-ako

"ah oo nga pala, maaga daw tayong uuwi ngayon kasi may meeting ang teachers ng highschool"-brittany

"ah ganun ba ?, sige, ayusin ko lang tong mga gamit para maka uwi na tayo ."-ako

Inayos ko na lahat ng libro ko ... Ayoko pa sana umuwi kasi, iisa lang naman ang sasalubong sa akin . Mas gusto ko sa school, puro liwanag ang nakikita ko, taimtim ang buhay ko, pero pagdating sa bahay, buhay impyerno ako.

"tara!"-ako

Naglakad kami pauwi, mas mauunang maka uwi si Britt kasi mas sa kabilang street pa bahay namin.

*******

"andito na tayo, bye britt, kitakits bukas"-ako

"Char, tandaan mo, open ang bahay namin para sayo"-brittany

"salamat"-ako

Haaaaay ... Kailan kaya matatapos paghihirap ko ?

Binagalan ko ang paglalakad ko, ayoko pa umuwi . Mas gugustuhin ko na lang matulog dito sa labas at mamatay sa lamig . Kesa naman sa pinapatay ka na nila ng paulit ulit pero hindi ka pa rin mamatay .

Nakarating na rin ako sa bahay, hindi pa ko nakakapasok sa gate pero rinig ko na ang mga nababasag na bote .

Deretcho na sana ako sa taas pero nahuli niya ako.

"bakit maaga kang umuwi ha?!, hindi ka pumasok noh ?!"-Papa

"may meeting po kasi ang mga teachers kaya po pinauwi na po kami ."-ako

"sinungaling pareho lang kayo ng nanay mo !!"-Papa

"totoo po sinasabi ko "-ako

"sumasagot ka na ngayon ?!"-papa

"anung po bang gusto mo pa ?!, hindi ako sumagot?, nagsasabi po ako ng totoo!"-ako

"walang hiya ka !, pinapa aral ka namin tapos ganyan lang ang gagawin mo ?!"-papa

"kung ayaw niyo pong maniwala, edi wag !, sawang sawa na po ako !, anu po bang purpose ng buhay ko sa mundong ito ?!, wala na po ba akong kalayaan ?!"-ako

"baka gusto mong masaktan !( binato niya sa akin yung isang bote)"-papa

Binato pa niya ako, sugatan na yung braso ko pero yung nanay kong nag iisang inaasahan kong tumulong sa akin, ayun sa kusina, nanood . Ang ganda talaga ng buhay ko !

"ano Pa ?!, hindi ba kayo nagsasawa ?!, patayin niyo na lang po ako ! Diba tinangka niyo na rin akong patayin noon ?!, ituloy mona ngayon at para mawala na ako sa mundong ito!, wala naman kayong ibang ginawa kundi patayin ako araw araw , 10 years Pa ! "-ako

" lumayas ka ! Kung ayaw mong ituloy ko yang sinasabi mo!"-ako

"magpasalamat ka Pa, mahal at nirerespeto ko pa kayo, kung hindi matagal ko na kayong isinumBong sa pulis . At ikaw naman Ma, salamat ha ? . Ang bait mo!"-ako

Umalis na ako ng bahay . Ayoko na ! Nakakasawa .

Pero bago ako maka alis ng tuluyan, nakita ko si Sky nakatingin sa akin. Nakita ba niya mga nangyari?, wag naman sana, ayokong kinaka awaan ako at ayokong may ibang nakaka alam ng tungkol sa buhay ko

Pumunta ako sa bakanteng lote na noon ko pa pinagtatambayan .
Naupo ako sa tabi ng puno.

" ngumiti ka Char, ang galing mo, hindi ka umiyak . Siguro naubos na yung mga luha ko nung bata pa ako . Smile Char :) "-ako

KinakaUsap ko sarili ko , wala akong ibang masabihan kundi ang sarili ko, ayokong sabihin kay Britt, mamaya niyan sumugod sa bahay yun .

"alam mo Charlene, pwede mo namang iiyak yan eh, tao ka rin, may limitasyon. Para naman mabawasan yang sama ng loob mo "

0_0

"s-sky? Bakit andito ka ?"-ako

"nakita ko lahat yun kanina, kaya pala madalas long sleeves ang gamit mong damit, puro pasa na pala yang braso mo . Amina na nga yang braso mo, dumudugo na oh, hindi ka ba nasasaktan?"-sky

"hindi, namanhid na ata ako "-ako

Binalutan niya ng panyo yung sugat ko . Hindi kami masyadong close nitong si Sky pero, ang bait niya.

"salamat :)"-ako

"ang ganda ng mga ngiti mo, ang liwanag. pero sa likod niyan, sobrang dilim ."-Sky

"......"

Pareho sila ni Britt, puno ng meaning mga sinasabi nila.

"alam ko, hindi tayo malapit sa isa't isa pero, pwede ko ako mahong kaibigan .hindi ko ipagsasabi sa iba ang nakita ko, pero promise me something"-sky

"ano yun?"-ako

"learn to smile"-sky

"marunong akong ngumiti sky"-ako

"that's not a smile, that's a mask"-sky

"bahala ka nga"-ako

"sige alis na ko, dumidilim na oh . Umuwi ka na rin "-sky

"hindi muna ako uuwi, dito na ko magpapalipas ng gabi, nakakasawang mabuhay. "-ako

"tanga ka ba?!, maraming gumagala sa gabi !, kung gusto dun ka muna sa amin"-sky

"ayoko!, dito na lang ako, mas malapit sa langit"-ako

"wag na wag mong gawin yang iniisip mo Charlene . Umuwi ka na !"-sky.

Haaaay nako. Ayaw tumigil !

"opo uuwi na rin ako mamaya . Magpapahangin lang ako"-ako

"yan . Sige uwi na ako"-sky

Umuwi na nga si sky ... Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa kabilang kanto.

Tumayo na ako, pupunta akong park .

*********

Anu ba yan! Anung oras na ba ? 8:00 pm na pero traffic pa rin ?! .
Haaaaaaay nako !

Wala na akong rason para mabuhay .
Yung mga taong inspirasyon ko, pinapatay ang araw araw ko.

Anu pa bang rason para manatili ako ?, wala na .
Mamamatay naman lahat ng tao eh, mauuna nga lang ako .

Tinignan ko yung kalsada, naglalakaran na yung mga tao . Nakatigil lahat ng sasakyan.

Tinignan ko yung stoplight : green light .

Sinimulan ko ng maglakad, tumingin ako sa baba . Siguro tama nga tong gagawin ko . Magiging malaya na ako .

(A:comment naman po kayo, or vote ... Patuloy niyo po sanang basahin tong story na to, sorry po sa typos)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BEHIND HER SMILESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon