Yu.

106 3 0
                                    

"Oh! Present ang F4 ng ating batch ha!" tuwang tuwang bulalas ni Ara habang nilalapitan ang apat na lalakeng bagong dating.

Palihim akong naglakad papunta kay Cheska at marahan siyang siniko kaya napabaling siya sa akin.

"Oh?" nagtatakang tanong niya kaya pasimple kong itinuro ang grupo nila Quin.

Isang nakakalokong ngiti naman agad ang sumilay sa labi niya at walang sabi sabing nagpunta na rin siya sa grupo. Laglag ang panga ko habang pinanunuod siya.

"Ang saya naman nito! Finally! After how many years ay kumpleto na talaga ang ating batch!" palakpak pa ni Ara. Doon ko lang napansin na ako lang ang medyo malayo sa grupo nila ngayon.

"Kumpleto? Andito rin ngayon si Eunice?" dinig kong tanong ng kung sino kaya muntik na akong mapatakbo.

Biglang may humila sa akin na kung sino and before I knew it, nasa tapat na ako nila Quin.

He was just staring at me with his unreadable expression. Sila PJ naman ay malaki ang ngising lumapit at niyakap ako.

"Long time no see, Yu! Aba kaya siguro hindi ka na umaattend ng mga reunions natin ay dahil nagmodel ka na, ano?" biro niya kaya napangiti naman ako.

"Architect ako, PJ. Masyadong busy lang talaga kaya hindi ako nakakapunta noon."

"Busy nga ba- aray biro lang eh!" daing ni Seff na siniko ni Brad kaya hindi niya natuloy ang sinasabi. Natatawang lumapit na rin lang siya at niyakap ako para batiin.

"Hello Miss Muse." ngisi niya sa akin kaya pabiro ko siyang inirapan.

"Magkano magpadisenyo ng bahay sa iyo, Architect Yu? Sa iyo na ako papadesign ng bahay ko next year." ani Brad na ibang iba na ang hitsura ngayon.

"Papagawa ka na agad ng bahay pare? Hindi ka pa nga nanliligaw!" kantiyaw ni Seff kaya muli na naman siyang nasapak ni Brad.

Naiiling na pinanuod ko na lamang sila.

Walang pinagbago. Gan'on pa rin sila kagulo.

"Tamang tama pala, ano? Architect na si Eunice tapos hindi ba ikaw Quintin ay Civil Engineer na? Sa inyo na lang kami pagagawa ng mga bahay namin! O kaya dapat may sarili na kayong real estate para doon na lang tayong lahat. E'di magkakapit-bahay pa tayo hindi ba?" tawa ng isa naming kaklase kaya naramdaman ko agad ang pamumula ng aking mukha.

"Oo nga!" segundo naman ng iba kaya hindi sinasadyang nagkatinginan kami ni Quin. Unti unti siyang ngumiti kaya bago pa ako matulala sa mukha niya ay nag-iwas na ako ng tingin.

"Kayo! Tigilan niyo nga ang kakatukso diyan. Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig. Yie!"

Naghagalpakan sila ng tawa kaya hindi ko napigilang ngumiti. Hindi rin ako napikon o nainis. Sanay na kasi ako na inaasar nila kami noon pa man.

Kaya nga naging kami ni Quin dahil sa kanila.

"Uy tigil tigil din. Mga may trabaho na tayo pero kung makapaglokohan para namang mga high schoolers pa rin." komento ni Ara kahit na tawa rin siya ng tawa. Inirapan ko naman siya at natawa na rin.

"Nagsalita ang ginamit ang mga pangalan ng mga kaklase niya sa movie niya oh! Tapos hindi man lang nanlibre!" sigaw ng kung sino kaya mas lalong naghagalpakan ang lahat.

I thought this day's going to be really awkward for me pero mukhang nagkamali pala ako.

*****

"Matagal mo na pala akong crush ha! Hindi ka nagsasabi!" natatawang tukso ni Ara kay Brad matapos itong ilaglag ng kanyang mga kaibigan.

Ikaw At Ako [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon