Bes,
Sa panibagong kwento ng buhay ko, masasabi ko na hindi na ikaw ang bida dito.
Maaaring ako na lang o kaming dalawa.
Ngayon ko lang naramdaman ang bagay na ito. Ngayon lang uli.
Bes, magmamahal ako uli. Pero siguro sa iba na. --sa kanya na.
--
Akala ko hindi na ako uli magsusulat sa notebook na ito e. Akala ko yun na yung huli. Pero mabuti na lang talaga ag sinipag ako.
Ang totoo niyan wala akong tinutukoy sa 'sa kanya na' sa totoo lang kasi wala namanakong crush ngayon noh.
Inilagay ko na yung hawak kong ballpen sa bag ko, after non, sumubo ako ng tatlong pirasong popcorn na hawak ko.
Napatingin ako kay Kevin na biglang umupo sa tabi ko.
Abnormal talaga. Problema niya? Nako, pustahan tayo manghihingi ng popcorn yang si Bes.
"Wala ng Popcorn kaya umuwi ka na.. "pagsusungit ko.
"Ayun e, akala ko ba nakamove-on ka na sakin, bakit nagsusulat ka pa din jan. "
"May last 2 pages pa kasi sayang naman diba?"
"Nakoo, enge na lang niyang popcorn mo. "
"B-a-w-a-l"
"At bakit?"
"Kasi akin lang yan. " napatingin kaming dalawa sa nagsalita.
Problema ng isang asungot naman na toh, nakikisali. Tch.
BINABASA MO ANG
Dear Bes,
Teen FictionMga sulat na tinangay ng langit at nakarating sa kanya. -- Started: Dec. 27, 2015 Finished: Feb. 24, 2016