Just a Simple Hi!

11 1 0
                                    

Hi! Everyone ako po at si Kenneth Paul na nakatira sa kalye 143, Barangay Fortune. Madami akong gusto sa buhay ko gusto ko nang masasarap na pagkain lalo na kung si mommy ang magluluto ang sarap sarap talaga.

Ikaw na talaga mommy ang da best sa buong mundo. Apat kaming magkakapatid at ako yong pinakabata sa kanilang tatlo. So siyempre palagi akong nakadikit sa mommy ko, ang tawag nila sa akin ay mamas boy daw... yan kasi ang mga youngest sa mommy talaga aaligid. At siyempre mahilig din akong mag laro nang basketball kasi pangarap kong maging isang professional na basketball player sa bansa at isa pa sa buong mundo ohh diba ang hirap abutin ng mga pangarap ko pero dadating at dadating din yan malay mo hindi pa sa ngayon pero panahon na ang makapagsasabi niyan.

Tatlo kaming magkakaibigan na napakahilig sa basketball sina Airus at Joshua na napakakulit talaga makukulit pa sa langgam pero sobrang mabait na halos para na kaming magkapatid. Kaming tatlo ang nagdadamayan kapag may nangyayaring masama peru salamat sa Panginoong Diyos wala pa niisang pangyayaring hindi maganda ang dumating sa amin. At pati na sa problemang hindi kayang ipag-bigay alam sa mga magulang. Alam naman natin ngayon na ang mga kabataan ay hindi nagsasabi nang kung may problema sa sarili nila lalo't pagdating sa pag-ibig, kasi nahihiya sila..

Naku!!!!! PAG-IBIG, hindi yong pag-ibig na binabayaran ng mga tao upang magkarioon  sila nang bahay haa.. iba yong pag-ibig na yan iyan ay hindi masusuklian ng kahit ano mang uri nga salapi.

Ang sarap talagang umibig no naku high school pa lamang kami ngayon peru parang forever na kung magkasyota.. at alam nyo ba na ang high school days ang pinakahinding-hindi mu malilimutan ang mga pangyayaring naranasan mo.

Teka teka anong oras na ba at malelate na ako papuntang school ah.

Naku siya na nga magbihis muna ako at magbabaon ako nang jersy para maglaro kami nang barkada pagkatapos ng klase.

Magpaalam muna ako kay mommy.

(Ako) bye2x mommy..
(Mommy) ohh sige mag-ungat ka palagi ha...

Habang nag aantay ako nang tricycle papuntang school biglang napaisip ako na may bago na naman akong kaklase ngayon at hindi ko pa sila kilala lahat kasi transferee ako galing antipolo  kasi na transfer kasi si tatay aa kanyang pinagtrabahuan siya kasi ay manager nang pinakamalaking company sa Pilipinas ang Tobacco company.. so nag transfer din kami nang bahay..

Hay salamat at may tricycle na din at pinara ko at huminto naman sa harapan ko..

Apat ang kasya sa tricycle na ito isa sa likuran nang driver at tatlo sa career. May isa na nadoon sa likuran ng driver isang mamang naka uniporme nang green hindi ko alam kung saan nagtatrabaho iyon at  dalawa sa silid nito at may isa pang kulang sa harapan nito at doon ako pinaupo nang driver . Ang dalawang babae ay mag-aaral din kagaya ko.. na biglang tumingin sa akin at napatingin ako sa kanya at nag smile kami sa isa't isa an parang matagal nang magkakilala..

Hay naku pusong ito tumatabog na naman parang na love at first sight ako sa kanya hehehe...sama no ay hindi pala swerte no kasi may natitira palang mababait na babae sa mundong ito at isa na siya doon.

At nag HI! pa siya sa akin at nag say hi!  din ako sa kanya at napa smile nalang ako at napalingon sa kabila kasi parang nahihiya ako sa kanya kasi unang kita  palang namin sa isa't isa.

Ang babaing ito ay same din kaming papasukang school. Siya ay may mahabang buhok at makinis na balat at isa pa doon ang naka bigay pansin ko sa kanya ay ang kanyang   biloy na kapag tumatawa ay mapapansin mo kaagad sa kanyang mukha.

Unang pasok pa lang sa school at hindi muma nagsima ang klase kasi hinahanap pa ang mga mag- aaral ang mga room kung saan sila naka asign. At kami ay walang magawa ay nag-aaya ang barkada lalo na si Joshua na maglaro nang basketball kasi wala na mang pasok ngayong araw. At tapos na kaming nakahanap nang aming room.

cute love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon