"My goodness! Alam mo ba ang pinasok mong gulo ha, Luke!? Hindi mo man lang tinapos yung anim na buwan mong contract. Nababaliw ka na. Magkakagulo ang buong publiko ng dahil sayo. Nang dahil sa sinabi mo sa mga reporters kanina" Napasapo ng noo ang isang babaeng kasama niya.
Galit at inis. Hindi ko maintidihan ang dahilan bakit ganun na lang ka big deal para sa kanya at sa contract ang pag amin ni Luke kanina sa presscon.
"I'm sorry."
"What?! Sorry?! Nababaliw kana nga talaga. You can't just say sorry. Napakalaki ng gulo ng ginawa mo. Hindi mababawi ng sorry mo ngayon ang mga binitawan mong salita kanina"
Umaalingawngaw ang sigaw ni Manager Chang sa loob ng dressing room ni Luke. Para siyang tigre na mahirap lapitan. Nag aalangan akong lumoob at puntahan si Luke. Nanatili akong nasa labas at nakadungaw sa pintuan.
"I'm really sorry. I was pre occupied that time. Galit ako"
Bakit siya galit? May nagawa ba ako nung mga oras na bago siya humarap sa presscon. Luke, bakit?
Kumunot ang noo ni Manager Chang sa reaksyon ni Luke. Sinabi niya na galit siya pero mahinahon pa dn ang itsura neto.
"Galit ako. Noon pa. Sa galit ko, dun ko naibuhos lahat."
"What? I can't get your point."
Oo, kahit ako hindi kita maintindihan. Ano ba talaga iyon, Luke.
"I want to get revenge on her."
"Kanino? And why? Please. Nababanas na ako. Can you please tell me what is really happening? Sobrang clueless ako today on what you've done. Ano bang dahilan? You know, galit ako but still I'm your manager. Kargo kita. C'mon tell me"
"Galit ako sakanya. Galit ako sa ginawa niya sa buhay ko. I was inlove with her best friend. No, not was. Because I'm still deeply inlove with her bestfriend. But, I end up marrying her. Damn, ang tanga ko! Nagpapikot ako sa panget na yun. Sa malanding babaeng yun. She got pregnant after na may nangyare samin. I used her dahil nagalit ako sa bestfriend niya. Galit ako sa bestfriend niya dahil akala ko minahal niya ako. She pretended that she also love me, but in the end, umamin siya kaya niya lang nagawa yun para mapalapit ako sakanya nang sa gayon mapalapit din ang loob ko kay Freya. Mahal ako ni Freya, matagal na. Gustong gusto niya ako. Kaya ginamit niya ang bestfriend niya para mapalapit ako sakanya. They all planned this fucking mess. No, She planned all this!"
Makikita sa mukha ni Manager Chang ang gulat. Galit siya sa akin? Akala ko mahal niya ako, pero bakit siya nagagalit? Ang akala ko ay, ako na. Siya pa din pala? Gusto niyang maghiganti sa akin? Wala akong ginawa kundi ang mahalin siya. Anong masama doon. Hindi pa ba sapat ang ilang buwan pagpapanggap niya na mahal niya ako para makaganti siya. Bakit gusto niya pang gumanti sa akin.
Dahil sa kamartyran ko, nandito pa dn ako nakikinig sa usapan ng dalawa. Ayokong umalis na yun lang ang nadidinig ko. Gusto kong madinig at maintindihan ang lahat.
"I thought...you love Freya.. kaya pinakasalan mo siya.. "
"Ang akala din nang lahat mahal ko siya. Ang akala niya mahal ko siya at akala niya hindi ako nagsisisi sa lahat ng nangyare. Ang akala niya masaya ako na sakanya ako umuuwi ako sakanya tuwing gabi? No, nagpanggap lang ako the whole life para sa anak namin. I care about my child not to that slut."
Akala ko kaya kong pakinggan lahat. Ang sakit sakit. Hindi ko na kaya pang abangan ang susunod niyang sasabihin. Masyado ng mabigat sa puso. Tumakbo ako palabas ng building na iyo hanggat kaya ko. Kahit mahirap para sa buntis na katulad ko ang tumakbo ginawa ko makatakas lang sa lugar na yun. Pakiramdam ko malalagutan ako ng hininga sa loob.
BINABASA MO ANG
He Hated Me
RomanceHe was deeply inlove with my best friend.. and so I to him.. Im the one who is always beside him.. but his heart keeps on looking after her.. Why cant he love me? Because, he hated me.