1

354 10 0
                                    

"Jonnalyn, dumating kanina yung trucker, pakitingin yung mga deliveries na bulaklak. Pakicheck kung may kulang para maitawag ko agad sa supplier natin. Nasa ibabaw ng mesa yung folder, nandun yung lists. Salamat."

Panuto ko kay Jonnalyn habang nag aayos ng buhok sa harapan ng salamin.

"Sige po ate. Saan ang lakad natin ngayon? Mukhang may date na naman po kayo ni Mr. Pogi ha? Ayiiii magkakaroon na ng daddy si Prey"
Sabay kiliti sa akin tagiliran. Napatawa naman ako sa kanyang inasal. Ito talaga si Jonnalyn ang daming alam.

"Baliw ka talaga Jonnalyn. Kung ako sayo sisimulan ko na yung inuutos ko no. Napakadami kaya niyan. Baka hindi kita pag day off-in niyan hahaha"

"Ay! Grabe siya oh. Porket maganda ka ngayon ate ha"

"At aba! Etong bata na to. Matagal na akong maganda. Pogi ang aking anak saan pa ba magmamana?" Pagbibiro ko sakanya

"Oo nga ate kanino nga ba nag mana si Prey haha wala nga ata nakuha sayo e. Haha bukod sa pamumula ng mukha sa tuwung natatawa at naiinis."

"So, sinasabi mo na hindi ko kamukha anak ko? Sige wala kang sasahurin sa kinse." Bigla akong sumeryeso pero pabiro lang yung sinabi ko syempre. Takotin ko lang tong isang to hahaha.

"Grabe talaga siya oh! Eto namab syempre nagmana sa kagandahan mo ang kagwapuhan ni Prey haha. Sige na ate lumayas kana nang makasimula na din ako dito. At nang magkita na kayo ni Mr. Pogi"

"Mag ggrocery lang ako ineng! Itong batang nilalang na to oh, igaya pa ko sakanya. Crush mo siguro si Brix, ano?"

"Nako ate! Kung sa akin lang talaga yan may gusto nako baka may Brix the second na!"

"Hahahaha bata bata mo pa oy! Wag kang gumaya sakin, maghunos dili ka. Baka matulad si Brix the second mo sa anak ko na walang tatay"

Biruan na napunta sa seryosong bagay. Lumaki ang anak ko na walang tatay. Mahirap ang lumaki na walang nasisilayan na ama. Naranasan ko na yun. Ulila ako sa parehong magulang ko. Ang hirap, at ayaw kong maranasan yun ng nag iisang anak ko. Hindi ko pinaparamdam saknya na wala siyang tatay. Paano? Ako mismo ang tumatayong ina at ama para saknya.

"Ano ka ba ate. Hindi mangyayare yun no. Mabait si Kuya Mr. Pogi. Lakas nga makatatay kay Prey e. Kaya nga Team 'Frix' ako e!"

Masaya niyang sabi.

"Ahem!, so may loveteam na pala kami ng future wife ko?"

Napalingon kami bigla sa malaking tao na nagsalita at bumungad sa pinto ng shop.

"Kyaahh! Grabe upgraded na nga ang team frix. Future wife daw ate oh! Hindi ka ngsasabi may kasalan na palang magaganap jusko. Kinikilig po ko"

"JONNALYN! ang ingay mo po baka magising si Prey! Tsk"

"Pakipot ka pa ate. Tingnan mo oh!!! Kinikilig ka dn sa 'future wife' kuno"
Sabay abot ng salamin sa harapan ng mukha ko. Oo nga namumula ako. Nakakahiya kay Brix. Eto kasing si Jonnalyn napaka hyper. Sapakin ko to e.

"Huh! Bahala ka nga dyan. Haha tara na nga 'future husband' " pang aaya ko kay Brix. Ngayon siya naman ang namumula. Lakas kasing mang asar kala mo hindi ko din kaya ha.

Umalis na kami at naiwan na namang loka loka si Jonnalyn sa loob ng shop. Wag lang magising si Prey nang dahil sa kanya. Mag aaway na naman pareho yun. May pagkasuplado kasi ang aking baby boy.

"Bespren!!!!! Freyaaaaaa" inalis niya ng earphones na nasa tenga ko sabay sigaw sakin. Kahit kelan talaga tong si Patryce napaka tinis ng boses.

Sinamaan ko siya ng tingin. At siya naman ay ngumiti na parang bata sa harapan ko. At yun ay ang akin kahinaan pagdating sakanya. Mahal na mahal ko talaga tong bestfriend kom

"Ano yang ginagawa mo bespren?" Sabay hatak nung yellow pad na sinusulatan ko.

"Homework in Management 2? Teka. Wala pa naman tayong subject na ganito ah. Next sem pa to diba?" Inagaw ko yung papel atsaka itinago sa libro.

"Wa..wala yun.. nag aadvance lang" pagpapalusot ko sakanya

"Grabeng advance yan te ha! May assignment agad?! Agad agad. Patingin nga. Parang hindi naman ata sayo yan e. Iba nakalagay na pangalan sa taas e. Patingin!!" Pilit niyang inaabot yung libro kung saan nakaipit yung papel. Ako naman ay pilit na inilalayo ito sakanya. Tumayo at itinaas ito para hindi niya makuha.

"LUKE LINCOLN HAMILTON?! Kelan pa naging ganito ang pangalan mo Freya? Teka, wag mong sabihin..."

At dahil mas matangkad siya skin plus 5 inches heels, sa huli ako pa din ang talo. Tinakpan ko ang kanyng bibig gmit ang isang pad ng papel na hawak ko. Ang ingay e baka madinig siya ng ibang schoolmate ko. Hindi nila pwede malaman na ginagawan ko ng assignment si Luke. Sikat si Luke. At madaming nagkakagusto sakanya. At isa na ako dun. Mahirap na malaman nila ang pagtingin ko sakanya. Dahil malaking gulo ito. Mahal ko pa ang aking buhay.

"Pwede ba Tryce, hinaan mo yang boses mo. Kapag nadinig ka nila ako ang malalagot"

"At bakit. Subukan ka nilang saktan. Tutusukin ko mata nila gamit ang stileto na suot suot ko. Teka. Bakit mo siya ginagawan ng assignment. Close na ba kayo? Atsaka kung close kayo.. bakit mo gagawan ng assignment yun ha! Inutusan ka niya? Ginagmit kaniya? At aba. Teka nasan na ung lalaki na yun. Grabe siya porket pogi gagamitin ka niya at aabusuhin ang iyong kabaitan!"

Pilit kong pinipigilan siya sa walang hintong litanya niya. Wala akong nagawa kundi umupo na lang manahimik dahil mahirap talaga siyang pigilan.

"Nadinig ko kasi.. sa isang professor, na... hindi siya nagpapasa ng mga homeworks and seatworks niya. Baka mahirapan daw siyang pumasa sa subject na yun at madelay ng graduation. Naawa naman ako. Kaya ayan" sabay turo ko sa papel na hawak niya "ginagawa ko na. Atsaka wala naman mawawala kung gagawan ko siya diba?"

"Pero.. pano mo ibibigay yan sakanya. E hindi naman pwedeng ikaw mismong mag abot sa prof nito. Maghihinala yun"

Oo nga naman. Hindi pwede na ako mismo ang mag abot sa prof namin neto. Mas lalong hindi naman pwede na iabot ko ito sakanya mismo. Mag kakagulo lang. At isa pa.. malayong mangyare na mapansin niya ang isang katulad ko. Isang napaka ordinaryong babae.

"Uy kanina ka pa tulala 'future wifey' ay este Quinn dyan sa hawak mong magazine? Crush mo ba yan? Patingin nga." Nawala sa kamay ko ang hawak kong magazine.

"LK? Baduy ng name" napahawak sa baba niya atsaka itinaas ang magazine ate tinitigan. Tila sinusuri ang lalaking laman ng cover neto.

"Mas pogi naman ako dito future wifey e. Masyado ka naman na memesmerize sa pagmumukhang to. Andito naman ako. Tsk" sabay balik niya ng magazine. Atsaka ng walk out. Baliw talaga yung lalaking yun. Hinabol ko siya.

"Future hubby wag ka na magtampo ayiii hindi na yan ng tatampo" pangungulit ko sakanya.

"Ano ngang tawag mo sakin?"

"Huh?"

"Yung tawag mo sakin kanina.."

"Yung..fu..future hubby?"

"Oo."

"Ahh.. oo future hubby nga tawag ko sayo. Nagtatampo ka kasi e. Masama bang tawagin kang ganun?"

"Hindi naman po. Masarap lang pakinggan. Atsaka.." namula ang kanyang mga pisnge. Napangiti ako at napapatawa ng tago nang makita ko yung pagmumukha niya.

"Quin, wag mo kong titigan ng ganyan. Kapag ako hindi nakapagpigil.. hahalikan kita"

"Sorry na po." Pigil ko sa tawa ko. Ang cute kasi niya. Kinikilig siya "pero kinikilig ka?"

"Bwisit. Hindi ba halata. Bahala ka nga dyan" sabay walkout ng tuluyan hahaha kahit kelan talaga yun. Pikon.

He Hated MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon