Habang nag-iintay si Julie ng train, pasulyap sulyap siya sa mga taong kagaya niyang nag-iintay rin. "Sino kaya sa kanila?" sa isip isip ni Julie.
Hindi pa siya nagkakaron ng boyfriend kahit noong high school siya. Ngayon ay isa siyang freshman sa college.
Sa bawat araw na papasok at babiyahe siya patungong eskwelahan, tanong niya palagi ay "Siya na kaya?".
Pero alam niyang balang araw, darating din ang tamang tao para sa kanya, at pag dumating ang taong iyon, siguradong baliwala ang tinagal ng kanyang paghihintay.