Unang araw ni Julie ngayon bilang kolehiyo. Mas malayo ang kanyang piniling eskwelahan kumpara sa dati niyang pinapasukan noong high school pa lamang siya. Noon, pwede niya itong lakarin at hindi kailangang maghanda ng mas maaga para pumasok, ngunit ngayong kolehiyala na siya ay kailangan niya nang pangahalagahan ang kanyang oras dahil kung hindi ay malilate siya. Noong highschool nga siya ay palagi siyang late sa kanyang unang klase na Math pa ngunit hindi naman siya napapansin ng kanyang guro. At ngayon, PE ang kanyang unang klaseng papasukan.
Mabuti nga at hindi siya nag-iisa dahil ka-block nga ang kanyang kaklase noong highschool na si Berna. Kahit hindi sila magkaparehas ng course nito ay magkaklase pa rin sila dahil parehas lang naman sila ng minor subjects. Culinary ang kinuha ni Julie samantalang Tourism ang kay Berna.
Julie's POV
"Hay, grabe, unang araw pa naman ng klase tapos ganito ang panahon, nakakatamad." sa isip isip ni Julie habang siya ay nakahiga pa sa kama. 11am na at 2:30pm ang pasok niya ngunit hindi pa siya naghahanda para sa kanyang klase ng biglang tumawag si Berna, "Huy Julie, nakahiga ka pa rin no? Anong oras na, kumilos ka na! Malilate tayo!" "Oo ito na, masyado ka namang nagmamadali!" "Anong nagmamadali? Alam mo namang matraffic palagi saka siksikan sa LRT!" "Eto na eto na, dadaanan nalang kita dyan sa inyo!" "O sige na, bilisan mo ah, bye!"
Ng matapos na mag-ayos at kumain si Julie, dumiretso na siya kanila Berna at nakarating na rin sila sa LRT. Hindi naman gaano kahaba ang pila ng oras na 'yon ngunit mayroong isang taong biglang sumingit sa kanya noong siya na ang bibili, "Kuya, hindi ka ba marunong pumila?" tanong ni Julie, "Pasensya na nagmamadali talaga ako" sabi ng lalaking sumingit sa kanya "E nagmamadali rin kami! 30 mins nalang malilate na ko!" Julie, "E miss, ililibre nalang kita basta isabay mo nalang ako sa pagbili" pakiusap ng lalaki, "Ayoko, pumila ka." Julie, "Napakasungit mo naman, kita mo ng nagmamadali saka nakiusap na yung tao" sabi ng lalaki, "Sana noong una palang sinabi mo na hindi yung basta basta ka naniningit" asar na pagkakasabi ni Julie at tinalikuran na ang lalaki at pumasok na sa loob para sumakay ng train.