EPILOGUE
12am na.
Di pa rin ako makatulog.
Nagiikot-ikot na yung mga gwardya.
Dalawa ang laging nakaassign dito sa’min.
Isang payat at isang mataba na mahaba ang balbas, puti pa yun.
Para siyang si Santa Clause.
Naisip ko tuloy si Alonah. T.T
E pano, ang laki-laki na, naniniwala pa sa kanya.
Silang dalawa ang mga naniniguro na walang kaguluhang nangyayari.
Parte na rin ng routine nila ang magkwentuhan habang ginagawa ‘to.
Bakit ko alam?
Hindi madaling matulog dito.
Di ako sanay.
“Pare, narinig mo ba yung balita kanina?”
“Oo, kawawa naman yung anak ni senator no. Bata pa kinuha”
“Karma niya yun pare, balita ko di naman daw naging mabuti yun dun sa bata”
No! Di totoo yung naririnig ko.
Baka naman iba yung tinutukoy nila, 24 ang senador ng Pilipinas.
Napakarami nila.
At sigurado akong may mga anak rin sila.
Bumangon na ko.
Kailangan kong masigurado.
“Manong, sino po tinutukoy niyo?”
“Yung anak ni Senador Quintin”
“Pare, siya yung kasama nun nung naaksidente diba?”
Mahina ang pagkakasabi niya.
Pero rinig na rinig ko yun.
“NOOOOOOOOOOOOO! HINDI PWEDE YUN!”
Nabasag ang katahimikan sa pagsigaw na ginawa ko.
“Hoy! Magpatulog ka!”
“Boy, gusto mo pa bang mabuhay? Magpatulog ka!”
Sabi nilang lahat.
Pero wala na kong pakialam pa.
Wala na siya. Wala na.
Alonah ko.
Bakit? T.T
“Pare, namatanda na”
“Hayaan mo yan. ‘Lika na”
“Hoy ikaw, matulog ka na. Magagalit sa’yo mga kasamahan mo”
Magalit na sila sa’kin!
Ano pa bang saysay ng buhay kung wala na siya.
Wala ng buhay.
Wala ng natitirang pag-asa.
----------------------------------------------------------------------
Nang sumunod na gabi, tahimik na naman lahat.
Habang ako dito, gising na gising at kumakalam ang sikmura.
Hindi ako kumain simula kanina.
Bakit pa?
Hindi na ko lalaban.
Susunod na ko sa kanya sa kabilang buhay.
Dahil doon, gagawin ko talaga ang lahat, wag lang kaming magkahiwalay.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy
Teen FictionHe's willing to change for her. She wants to accept him. But all odds are against them. Kakayanin kaya nila ang lahat ng pagsubok? Sila pa rin kaya hanggang sa huli?