Prologue

2 0 0
                                    

"Cielle! Congrats! Top 1 na naman."

Nakatitig ako sa board kung saan nakalista anhourg dean's lister sa semester na 'to. I smiled to myself as I saw my name on the number one spot. I've been constant since first year college and I'm on my fourth year. Isang semester nalang at gagraduate na ako and ill make sure na nasa latin honors ako.

"Hoy Cielle! Hangin lang ba ako dito at hindi mo pinapansin ang awesome presence ko?"

"Ara! Congrats din, nasa top 5 ka." Ara is my bestfriend since high school. Sabay kaming kumuha ng kursong architecture sa Unibersidad ng Mindanao dito sa Davao.

"OMG! Really?" Sigaw niya sabay tingin sa board. "Oh my ghad! Oh my ghad! Salamat Cielle at ang taas ng pasensya mo sa pagrereview sa akin! Makakatulog at ligo na ako ng maayos nito ng walang pinoproblemang plates and blueprints"

I laugh silently with her remark. Sinamahan ko siya sa food court ng aming paaralan sa dahilan na nagugutom na siya at ililibre niya ako.
Pagkarating namin dun, ingay ang sumalubong sa amin. Some are laughing, others are chatting, and there are also students who are eating silently. Im not a loud person. Tahimik lang ako at mahilig mag obserba ng mga tao, a complete opposite of my bestfriend. Maraming kaibigan si Ara dahil sa madaldal siya pero ni minsan hindi niya ipinaramdam sa akin na iniiwan niya ako. She's always around when i need her the most.

Napadaan kami ni Ara sa isang table na puro lalaki lang ang nandoon. Nung una maingay sila pero nang mapansin nila kami, bigla silang tumahimik. Hindi lang namin pinansin ang nangyari at umupo two tables behind them.

Iniwan muna ako ni Ara para makabili ng aming makakain. I took a book out from my bag and read it. Hindi alintala sa akin ang ingay na bumabalot sa kapaligiran. I got a habbit of not minding my surroundings when im engrossed with what i am reading. Katulad ngayon, wala na akong pakialam kahit maingay basta't nakakapagbasa ako.

Im currently reading Nicholas Sparks' The Best of Me and I admit that Im a hopeless romantic person.

Nasa kalagitnaan ako ng aking pagbabasa when i sense that someone is staring at me. I look up and saw a guy sitting across with a big smile in his face.

"HI! Finally, napansin mo rin ako." He said before i can even react. Napatingin ako sa paligid para hanapin si Ara pero mukhang hindi pa ito nakakabalik. Ano bang binili nun at ang tagal.

"Hey!" Napabalik ang tingin ko sa lalaking nasa aking harapan ng sumigaw ito. "Akala ko napansin mo na talaga ako." Then he pouted. He acts like a child but he looks cute when he pouted. Medyo may pagkachinito siya at matangos ang ilong, maninipis at mapupulang labi at bumagay sa kanya ang medyo kaputiang kutis. "And now youre staring" napabalik ako sa huwisyo ng magsalita ulit siya.

"Anong kailangan mo?" Mahinang tanong ko.

"Wala naman, gusto ko lang makipagkaibigan. By the way, Im Tyrone Mikael Zamora." He extended his hand para makipaghand shake and im not rude para hindi ito tanggapin.

"Cielle Singson" i said in a monotonic voice. He just smile widely when i take his hand and give him a handshake. Binitiwan ko din yun agad. Im not really comfortable with boys around.

He keeps on chanting my name with a low voice and its sounds more like a whisper, smile didn't even leave his face.

"Stop it, its annoying." I told him pero parang wala lang yun sa kanya and he giggled like a little boy. Now that looks cute. Hindi ko naman maipagkakaila na gwapo ang lalaking nasa harapan ko. Masasabi ko din na maayos ang pangangatawan niya. And I think he's tall, hindi ko lang matantsa kasi nakaupo siya.

"Does this mean that were friends now?" He ask.

I just nodded and my stare diverted again on the book. I heard him said yes. Tumayo siya at tama nga ako, he's tall.

"Nice to meet you Cielle!" At sabay na umalis pero ilang saglit pa bumalik siya at sinabi ang nakapagpatibok ng puso ko.

"By the way, after talking to you i just confirmed something. I think I really like you but i wont push my luck, im better off starting as friends then i will win your heart.Ciao!" He wink and left.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'll Catch Every Tear You CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon